Wednesday, December 26, 2012
Careful what you wish for.
Gusto mo yung taong hindi bibitaw kahit anong mangyari?
Pero para sabihin ko sa’yo, walang mas hihirap pa sa sitwasyon kung san pagod na pagod ka na at halos wala nang laban pero kailangan mo paring lumaban dahil malakas pa siya. Para kayong players sa Box Head, tapos ikaw, onti na lang, mamamatay na at ang bumubuhay nalang sayo, ang kakampi mo. Dahil siya na ang sumasalo lahat.
Naisip mo ba kung gano kahirap na mabuhay dahil lang may bumubuhay sayo? Alam mo ba kung pano mo masusuklian ang mga nagawa ng taong yun sayo? Pano pag siningil ka na niya? At pano kung ang magiging huling option mo ay ang magtiis hanggang sa bumitaw narin siya? Kakayanin mo ba?
Monday, December 17, 2012
May masaktan ka man, safe ka.
Hindi mo dapat gawing malambot ang puso mo. Hindi pwedeng isang lambing lang, babalik ka na. Hindi pwedeng isang sorry lang, papatawarin mo na. Hindi pwedeng lumuhod at nagmakaawa lang, pagbibigyan mo na. Hindi pwedeng pag umiyak, magbabago na ang isip mo.
Minsan, kailangan mong matutunang panindigan ang mga bagay na dapat. Kailangan mong gawing bato ang puso mo dahil yun ang kailangan mo para mabuhay ng matino. Yung hindi ka masasaktan. May masaktan ka man, safe ka.
tatawanan ko nalang din.
Kung papanuorin ko ngayon ang dating ako na namomroblema sa mga simpleng bagay, siguro tatawa ako ng tatawa. Ang dami kong pinroblema noon na ngayong nalampasan ko na, natatawa nalang ako. Ang daming pagsubok noon na muntik ko na sukuan, pero ngayon, sisiw lang ang dating sa’kin.
Ang dami kong pinatulang issues dahil nababanas ako kahit na wala naman akong kinalaman na ngayo’y tinatawanan ko nalang dahil natanto kong nagsayang lang ako ng oras. Ang dami kong pinagsisihan na ngayo’y hindi ko nalang naiisip.
Kaya panigurado, lahat ng gumugulo sa isipan ko ngayon, balang araw, tatawanan ko nalang din.
Monday, November 12, 2012
Hindi ko alam..
Hindi ko alam kung kailan ko maiintindihan kung bakit may mga taong handang magpaka-engot para sa pag-ibig. Hindi ko alam kung pano nila nagagawang lunukin ang pride nila para lang maipakita sa minamahal nila ang nararamdaman nila. Hindi ko alam kung pano nilang natitiis na hindi ipakitang nasasaktan sila tuwing binabalewala sila ng taong itinuturing nilang mundo. Hindi ko alam kung pano nila nagagawang gawin ang lahat para lang makapagpasaya ng isang taong dahilan ng kalungkutan nila.
Pero ganun nga raw ang pag-ibig. Sa una, give and take. Pero sa huli? Give and give nalang. Kasi kukunin at kukunin rin nila lahat sa’yo. Ang oras mo, desisyon mo at lahat ng bagay na pagaari mo, damay ang puso mo. Hindi ka pwedeng magsawa kung totoo ang nararamdaman mo. Hindi ka pwedeng magreklamo.
Dahil kapag kumagat ka na sa patibong ng pag-ibig, hinding hindi ka na makakalaya ng walang gasgas o sugat ang puso mo.
Thursday, October 11, 2012
Kabanas diba?
Ang hirap kapag yung mga lagi mong nakakausap dati, hindi mo na nakakausap ngayon. Yung tipong daily routine niyo na ang magkwentuhan tungkol sa mga buhay-buhay niyo tapos bigla na lang mawawala. Ang mas mahirap pa, yung nakikita mo namang online siya sa FB pero hindi ka pa rin pinapansin. Ang pinakamahirap pa, yung chinat mo na, inisnob ka pa.
Tuesday, October 2, 2012
Cybercrime Law
Bilang isang blogger, syempre, sinong hindi aayaw dito?
Isheshare ko nalang ang pagkakaintindi ko sa law na ‘to. Ang Republic Act No. 10175, ay nagsasabing;
Wala kang karapatang mag post ng opinyon mo sa internet.
Kung may na-offend ka man sa mga binitawan mong kumento, pwedeng pwede kang kasuhan.
Miski bata ka pa o ano, pwedeng pwede kang kasuhan.
Kahit ni-retweet mo lang ang isang tweet na nakakaoffend sa iba, pwede ka naring kasuhan.
…
To sum it all up, mawawalan ng kalayaan ang lahat ng taong magsiwalat ng nararamdaman nila sa internet. Oo, kasama ka rito. Apektado ka rin, tulad ko.
Ang hindi ko maintindihan, sa lahat ba naman ng cybercrime, bakit mas binigyan ng atensyon ng gumawa ng law na ‘to yung laya sa pagsisiwalat ng nararamdaman ng isang tao? Bakit hindi yung mga pornsites, tth entries, malalaswang social networking sites at kung ano ano pa ang binigyan nila ng pansin?
Kasi ang totoo, mas naka-focus yung law na ‘to sa mga bloggers at yung mga gustong ipagsigawan ang nararamdaman nila sa mundo. Kung masipag kang magbasa, basahin mo ‘to. http://www.gov.ph/2012/09/12/republic-act-no-10175/
Siguro, kung may magandang magagawa man tong law na ‘to, yun ay yung pagbawas ng cyberbullying. Pero ang punto ko, hindi lang naman yun ang kalokohan sa internet! Ang nangyayari, parang Martial Law nalang ulit to, sa internet. Sinong niloko niyo?
“The 1987 Constitution is clear in stating that no law shall be passed abridging the freedom of expression, speech and press.” - Alam Partylist
So, ano ‘tong cybercrime law na ‘to?
Hindi ba nila napapansin na ang mundo ng tao ay umiikot na sa internet? Hindi lang naman tayo ang nakikinabang. Sila rin. Buti nga’t nagkaron pa ng pagkakataon ang bawat mamamayan na ipahiwatig ang saloobin nila sa mga public officials na may Twitter o FB account eh.
Sangayon ako sa sinabi ni Sen. Guingona III, “The last time I checked, we were still a democracy—we want empowered citizens, not scared and passive ones.”
Kung ayaw niyo maulit ang People Power, ayusin niyo to. Dahil hinding hindi ako papayag na kunin ang karapatan kong isiwalat ang nararamdaman ko sa mundo ko ngayon, ang internet.
Friday, September 28, 2012
Ooh para na naman sa mga di maka MOVE ON!
Marami sa atin ang pumasok sa isang relasyon, naging seryoso ng sobra sobra at nasaktan. Pero parte yan ng buhay natin. Hindi tayo matututo kung hindi tayo madadapa. Ang buhay, hindi puro rainbows at butterflies. So kung nagtatanong kayo kung pano mag move on? Here's how.
Wag kang feeling strong. Umiyak ka, umiyak ka ng umiyak, umiyak ka hanggang gusto mo, hindi masama umiyak. Minsan pag sobrang sama na ng loob mo, ang sarap umiyak. Kasi ang pag momove on wala yang shortcut.. Hindi yan laro na pwede mo gamitan ng cheat code.
Siguro isa ka rin sa mga tao na sinabing. "OO NAKAPAG MOVEON NA AKO" Pero pag nakita mo sya bigla kang nalalanta, nanlalata yung mga tuhod mo at minsan parang tinutuhog yung puso mo. O ano? Nakapag move on ka na nga ba? Makulit ka eh.
Alisin mo sya sa facebook account mo, I unfollow mo sya sa twitter mo. Bitter? Oo pero kelangan. Hindi naman totoo yung pag nag break kayo na "Sana friends parin tayo" Para mo na ring sinabing Itatabi ko tong aso ko kahit patay na sya. Burahin mo lahat ng pictures nyo together, kung ano mang bagay ang naiwan nya sayo, Isauli mo, kung ayaw nya tanggapin. Sunugin mo. Kasi sa mga maliliit na bagay na yun nakatago lahat ng sakit.
Magdasal ka. Humingi ka ng guidance from above, humingi ka ng strength para malampasan mo ang pinagdadaanan mo ngayon. You need his divine intervention.
Libangin mo sarili mo, Meaning wag kang mag focus sa kakaisip sa kanya, kasi the more na iniisip mo lalo ka lang mahihirapan. Isipin mo kung bakit umiikot ang mundo o bakit gawa sa tubig ang dagat. Bakit mainit ang apoy o bakit mabaho ang utot. Promise pag nasagot mo na yang mga yan im sure nalimutan mo na sya.
Mag focus ka sa ibang bagay. Sarili mo lang ang makakatulong sayo. Binigyan ka ng kakayahan ng Diyos para tulungan ang sarili mo. Magkusa ka kasi walang taong makakapagsabi kung kelan ka man dapat maging masaya. Kasi at the end of the day ikaw lang ang tunay na nakakakilala sa sarili mo.
Para masabi mo sa sarili mo na karapat dapat kang mahalin, mahalin mo muna sarili mo. Dapat maging okay ka muna. Mahalin mo ang sarili mo ng lubos. Mahalin mo hanggat wala pa yung tamang taong naka destined sayo kasi kung hindi mo kayang mahalin ang sarili mo. Wala ka rin capability para mahalin ang ibang tao.
Hindi sagot ang pagpapakamatay o paglalaslas. HELLO?! Sa tingin mo babalik yung alala nyo sa kada hiwa ng blade na ginagawa mo? Sa tingin mo Magkakabalikan kayo pag nagpakamatay ka? Isang tao lang yun uy! Napakaraming tao sa mundo and I'm sure na isa dun ay nakatadhana sayo..
Monday, September 17, 2012
..mapasaakin ka.
Pagtingin ko sayo
kailan mo mapapansin?
Ano nga bang magbabago,
kung ako ngayo’y umamin?
Bawat sulyap hiling ko’y tumingin ka,
para naman kahit minsan matitigan kita.
Mundo ko’y unti-unti mong binubuo,
gagawin ko lahat mapalapit lang sa sayo.
Di ko mapaliwanag kung anong nararamdaman ko,
Kita mo, nauubusan na nga ako ng liriko.
Nung una iniidolo lang kita,
Ngayon pangarap ko nang mapasaakin ka.
Tuesday, September 4, 2012
Ang hirap din palang magsulat kung alam mong wala namang may paki sa gagawin mo. Ang hirap magsulat kung alam mong wala kang aalayan. Ang hirap magsulat lalo na’t alam mong wala namang makakapansin. Ang hirap magsulat ng walang magbabasa.
Siguro nga, dapat, hindi ka magsulat para sa iba Pero ano nga bang saysay ng sinulat mo kung bilang isang manunulat, wala kang nabuksang isipan o napag-ambagan ng kaalaman mo?
Monday, September 3, 2012
TORPE mo dre.
Kahit ilang beses, ilang araw, ilang taon mo pa siyang sundan, iisipin, titignan, papaginipan —ay hindi siya magiging sayo kung puro katorpehan lang nalalaman mo. Lalake ka dre, diba? Dapat may lakas ng loob ka. Dapat matapang ka. Wag papatay patay. Walang nabubuhay sa papatay patay. Matatalo ka nyan. Gorabels! :)
Saturday, September 1, 2012
Pasensya na kasi hindi ako perpekto.
Sorry naman kung ganito ako. Sabihin mo na ang lahat ng mali sa akin. Ganito ako eh. Wala akong magagawa. Pasensya na kung simpleng ilaw lang, hindi ko mapatay. Simpleng basurahan lang na puno, hindi ko mapalitan. Mga gamit ko na naiwan ko lang sa kwarto nyo, hindi ko makuha at mailagay sa tamang lalagyan. Simpleng 3 plato lang, hindi ko mahugasan.
Ako na itong tamad. Ako na itong walang kusa. Ako na itong makakalimutin. Pasensya na dahil nagkaroon kayo ng isang anak na katulad ko.
Pasensya na kasi ganito ako. Tinatry ko naman ang kaya ko pero sadyang makakalimutin din ako minsan dahil marami rin akong iniisip. Sana ndi na lang ako naging anak nyo para ndi kayo nagkakaganyan.
Minsan kasi masyado ng nagiging demanding yung mga babae.
Gusto nila ng ganito, ayaw nila ng ganyan. Meron talagang mga bagay na hindi mag-memeet sa expectations mo. Tapos biglang, aawayin mo yung boyfriend mo. Minsan, kasi kung paulit ulit na ganyan magsasawa rin yung mga lalaki kakalambing at suyo sayo. Kahit mahal ka nila, may hangganan pa rin yung kapag sumosbra na. Saka, minsan hindi lalaki yung nagiging dahilan ng mga pag-aaway. Hindi mo lang kasi nakikita yung mga pagkakamali mo kaya naninisi ka ng iba.
Para sakin ang mga babaeng desente at tapat ay tinatrato ng mga lalake ng maayos. →
Kasi pag pinaglaruan, nag mumukhang wasted yung babae. Syempre ang babae pinapahalagahan nya yung srili nya, yung reputasyon nya tapos iiwanan lng ng lalake? Dami pang matitinong lalake sa iba tapos nasayang lng ung puso nya sa isang sira ulong lalake? Ang mga babae nirerespeto! Ginagalang! Ang mga babae sensitive sa mga sinasbi nila kaya karapat dapat na igalang.
Di ko lng talaga matanggap na may mga babaeng nasasaktan kasi nagkamali sila. Alam kong part yun ng paglaki kaso kung mamimili ka nalang din wag mo lang titignan yung panglabas, yung kalooban nya din! Gwapo nga pasaway naman? Cute nga, mayabang naman! Ano kaya un? Diba.
i love you .. →
Ang pag ibig walang dahilan, walang sukatan at hindi maipaliwanag kung bakit mo sya minamahal. Kung sabihan ka ba ng 8 araw sa isang linggo ma-eexplain mo ba sakanya bakit 8 araw kung 7 araw lang naman sa isang linggo dba? Para sakin, siguro, makarinig ako ng ganyan mula sa isang tao mag tutumbling na ko sa tuwa and i’m pretty sure na kahit ibang lalake ang sabihan nyan matutuwa (:
Kung ang sasabihin mo naman sakanya na mahal mo sya at kaya mong ibigay ang buwan at araw sakanya. Naku Dre! Halatang nambobola ka na. Dahil kahit na sinong tao walang makakahatak ng buwan at araw para ibigay lang sa minamahal nya. Sino ka si Bruce Almighty? XD Mas maganda parin ung simpleng mga salita na hindi mapaliwanag keysa sa mga salitang malalalim kung hindi naman kapani-paniwala.
Selos.
Isang proseso na gingawa ng iyong utak na tiyak na tumatama papunta sa iyong puso at tagos mula laman hanggang buto. Tama? Oo. Tama kasi nagwawalang bahala ka pero sa loob mo ay di mo maipaliwanag kung bakit tila nawawala ka, at isa pa kung sobra ay tila maguumpisa ka na ng gyera. Mali? Oo. Mali kasi nakakasawa sa matagalan at nakakairita kung madalas at pareparehas na, at ang mas mali kung hindi mo sasabihin sa kanya na nasasaktan ka sa ginagawa niya.
Once you fall in love,
you take the risk of accepting the person. You don’t need to find answers kung bakit mo siya mahal, kasi lahat nagbabago but if you accept that person magbago man siya in the middle of the relationship, hindi ka masasaktan kasi tanggap mo siya ng buo. Mahirap gawin pero masarap subukan dahil wala nang mas sasaya pa if you let that one person feel na mahal na mahal mo siya without asking for anything in return.
HINDI KA NGA LANG NAKUNTENTO!
Minsan kaya tayo nasasaktan hindi naman dahil sa mga taong minamahal natin. Minsan kasi tayo din yung gumagawa ng dahilan para masaktan tayo. Nagseselos sa walang katuturan, nagagalit ng walang paliwanagan kaya humahantong sa hiwalayan tapos magsisisi ka na lang sa huli kapag wala na yung taong yun. Magiging bitter kapag feeling mo binigay mo na ang lahat. Pero naisip mo ba na maaring ibinigay din niya ang lahat. HINDI KA NGA LANG NAKUNTENTO!
One way for you to not get hurt.
Don’t take anything seriously. Totoo naman diba? Wag mong seryosohin lahat. Learn how to play the game. Don’t get too attached. Niloloko at pinaglalaruan ka niya? Makiride ka. Syempre hindi to tama. Parang ibig sabihin ayaw mong gamitin ang puso mo, tinitigasan mo. Pero diba kaya naman may mga taong manhid dahil natatakot lang silang masaktan?
Thursday, August 30, 2012
Rebound ko ulo mo eh.
Kung magmomove on ka, magmove on ka ng magisa. Wag ka magpakagagong maghanap ng iba para kalimutan siya. Kung nagkataon mang may mabuting taong nandyan nung nawalan ka, wag mong landiin. Wag mong piliting mahalin kahit na mahal ka na nung tao.
Dahil kapag yan, pinatulan mo at out of nowhere, bigla bigla na lang babalik sa eksana tong si ex, shempre babalik lahat ng feelings mo sakanya dahil hindi ka pa completely nakamoveon. Tapos tatalikuran mo yung present mo na parang pinagsawaang laruan. Loko. Kung magmomove on ka, solohin mo yung sakit di yung mananakit ka din ng iba para sumaya ka. Rebound ko ulo mo eh.
Wednesday, August 29, 2012
That’s Love :)
Napakababaw ng kaligayahan ng babae kung tutuusin. Lalo na kapag mang gagaling yung joke eh sa taong gusto nila. Madalas hindi nila mapigilan yung kilig. Yung oras lang na kasama mo siya kinikilig na, paano pa kaya kapag nag effort ka pa magpatawa sa kanya. Kahit baduy o korny ang joke mo hindi ka niya ipapahiya. Tatawa pa rin siya dahil sa kilig na hindi mapigilan o kaya naman sobrang na appreciate niya yung moment niyong dalawa.
Kaya sobrang panalo sa babae ang lalakeng may sense of humor. Kaya hindi totoo na sa mukha lang sila tumitingin. Maraming babae pa rin ang praktikal. Hindi na mahalaga ang itsura. Ang mahalaga eh yung lalakeng nakakapagpasaya sa kanilla, yung lalakeng may oras palagi sa kanila.
That’s Love :)
Tuesday, August 28, 2012
KUNG NAKIKITA MONG MASAYA NA SIYA SA IBA,
hayaan mo na. Wala ka nang magagawa pa dun. Dahil kapag pinilit mo pang emekstra sa buhay nila, ikaw ang mapapahiya. Ikaw ang masasaktan. Kaya kahit gaano man ito kasakit para sayo, mas mabuti pang hayaan mo na lang siya sa piling ng iba. Dun siya masaya.
At tinatanong mo, “Paano ako? Wala ba akong karapatang sumaya?”
Meron kang karapatang sumaya…sa piling nga din ng iba at hindi sakanya.
Pero kung pinipilit mo talagang “sakanya lang ako sasaya”, wala akong magagawa don. Kung yun ang pinaniniwalaan mo, edi dun ka. Decision mo yan. Mas hindi ka sasaya dahil pinagpipilitan mo ang sarili mo sa maling bagay.
Ngayon pa lang, mag-isip isip ka na. Kung gusto mong sumaya, alam mo na ang dapat mong gawin. Sa lahat ng bagay, kailangang may isakripisyo ka.
I DON’T MIND BEING SINGLE,
but I gotta admit, it does get lonely, sometimes. Sure, it’s a lot less to deal with, I can do things without getting in trouble, I’m my own person but I have those moments where I miss being cared about, I miss meaning something to someone, I miss having someone to talk to day & night, I miss having someone making me feel like I’m important, I miss having someone to run to when I’m feeling terrible. It would be nice to matter to someone, again.
MGA SIGNS NA HINDI NA SYA INTERESADO SAYO:
Hindi na sya madalas nagtetext/tumatawag.
Maiikli nalang yung reply nya sayo.
Ang dami nya nang excuses. Kase ganito, kase ganyan.
Wala na syang time sayo.
Oh bakit binabasa mo pa to? Hindi pa ba sapat? Move on ka na.
PAG NAGBREAK KAYO…
PAG NAGBREAK KAYO…
wag kang maglalasing marami ka ng nasayang na pera para sa kanya
wag ka magpakamatay para sa kanya, mabuhay ka para sa taong nakalaan sayo
iyakan mo pero saglit lang
habulin mo pero kung tumatakbo din sya, tumigil ka na
mag move on ka pero wag mo isipin na magmu-move on ka
pag nakita mo sya, batiin mo sya at ngumiti
pag kasama nya yung bago nya, magtago ka baka mainsecure sayo
don’t bring out the worse of you instead be a better person
ANG LOVE.
Hindi yan easy target na madaling lusutan na kahit kayo na ng mahal mo, kayo na forever. Pwede mong maramdaman lahat ng sakit makuha lang ang hinihintay na saya sa pagmamahal. Magiging makasarili ka talaga at magiging tanga pagdating sa 4-letter word na yun. Isipin mo na lang, kung hindi siya nawala malalaman mo ba yung mali mo dati na pinakawalan mo siya para sa ibang tao? Kung hindi mo alam na may problema kayo, malalaman mo ba na dapat parehas kayong nag-effort sa relationship niyo? At kung walang kontrabida, malalaman niyo ba kung hanggang saan niyo kayang ipaglaban ang pagmamahalan niyo? Don’t get stuck in the past. Sabihin na nating masaya ka sa past mo dahil ang easy lang ng relationship niyo. Pero mali yung pananaw mo na yun. BE THANKFUL OF YOUR PRESENT BECAUSE YOUR PRESENT WILL DETERMINE YOUR FUTURE.
Hindi ka iniwan ng mundo
Hindi lang naman ikaw ang iniwan ng mahal sa mundo. Hindi lang ikaw ang nakakaranas ng lungkot ngayon. Kung tutuusin nga wala pa yan sa dinaranas ng ibang tao eh? May iba nga kan mas matindi pa yung pinagdadaanan. Pero kung makapagdrama ka, para kang nominated sa pagiging best actress ah? Sa tingin mo ba kapag nakita ka nyang ganyan babalikan ka nya? Sa tingin mo ba gusto ka nyang nakikitang nagkakaganyan? Alam mo kung anong nararamdaman nya sayo? Awa. Awa nalang. Naawa sya kasi yung taong minahal nya dati ay ganyan. Gusto mo ba na babalikan ka nya ulit, na kakausapin ka nya ulit, na kakamustahin ka nya ulit eh dahil lang sa naaawa sya sayo? Huwag mong parusahan ang sarili mo. Hindi madali pero maraming paraan.
Hindi ka nagiisa. Isang tao lang yung nawala sayo. Hindi ka iniwan ng mundo. Nakaya mo ngang mabuhay nung hindi pa sya dumadating sa buhay mo eh. Ano pa kaya ngayon? Iniisip mo kasi na hindi mo kaya. Kung ganyan ka magisip, ikaw na mismo ang nang da-down sa sarili mo. Subukan mong tignan yung mga tao/bagay na natitira sayo. Matuto kang mag appreciate kung anong meron ka. Lumabas ka ng bahay, pumunta ka ng Manila. O kaya Makati o kahit saan pa yan na maraming tao, mare-realize mo na ang dami palang tao sa mundo. Marami kang pagpipilian, hindi lang sa isa umiikot ang buhay mo. Marami pa dyang iba, marami ka pang makikitang iba.
Para sa mga taong takot na magmahal. I won’t blame you for that. You’ve been hurt a lot. You’ve been through all the pain that love can bring. Alam ko ngayon natatakot ka na kasi baka masaktan ka ulit, ma’disregard ka ulit, magkamali ka ulit, maghintay ka ulit pero sana kayanin mo lahat ng yun. Kasi by the time na nagmahal ka na ulit, magagamit mo lahat ng napagdaanan mo para maging strong at worth it yung magiging relationship mo in the future.
TANGA KA.
Tanga ka, kung pinakawalan mo ang lalakeng nag-eeffort para sa’yo.
Tanga ka, kung di mo siya hinabol at hinayaan mo siyang tumakbo papalayo.
Tanga ka, kung pinaghintay mo siya dahil hindi ka sumunod sa usapan niyo.
Tanga ka, kung binabalewala mo lang ang lalakeng inaalagaan ka.
Tanga ka, kung hindi mo kinayang tuparin ang mga pangakong binitawan mo sa kanya.
Tanga ka, kung ginagawa na niya lahat para sa’yo pero hindi mo siya binibigyan ng pagpapahalaga.
TANGA KA, kung nakuha mong bitawan ang lalakeng walang ibang ginawa kung di ang mahalin ka.
10 bagay na kailangan malaman ng mga kababaihan towards their boys.
1. Bigyan mo siya ng kalayaan. Dont be too possessive. Sayo na nga siya di ba? Relax ka lang.
2. Magtiwala sa kanya. Kapag nagpaalam siya sayo na may lakad siya or something, payagan mo. At least nga nagpaalam di ba? Alam mong walang nililihim.
3. Wag siyang i-oblige na every 5mins eh magtetext sayo ng ‘iloveyou’ (and vice versa) Hayaan mo lang siya. Mas madalang, mas totoo.
4. Wag siyang hadlangan sa mga computer games na kinaaadikan niya. Instead, aralin mo nalang din yung larong yun, and sabay niyong laruin. Isnt that sweet?
5. Wag pagselosan ang mga kaibigan niyang lalake. Kung ang mga babae nga eh may girl-talk, syempre sila din.
6. Bigyan mo siya ng privacy. Wag mo namang kunin lahat ng mga PWs niya sa lahat ng accts niya di ba? Tsk.
7. Wag masyadong maging ~*ObSsEsS*~ sa kanya. Mas gusto pa din ng mga lalakeng sila ang naghahabol. Yknow.
8. Gusto rin ng mga lalakeng binobola bola sila, paminsan minsan. Haha!
9. Be sensitive enough towards their feelings also. Hindi porque lalake sila eh matigas na talaga sila, akala mo lang hindi sila nasasaktan. Hindi lang talaga sila showy.
10. Sa away, kung mali mo naman, aba matuto kang magsorry. Hindi naman porke siya yung lalake, siya na yung magpefirstmove. NO. Lunukin ang pride at magsorry wholeheartedly.
Ħιи∂ι мσ ακσ иαιιитιи∂ιнαи
Bawat pangungusap na isinusulat ko, ay hango sa iba’t ibang paksang tumatakbo sa isipan ko. Naisip ko lang, sa tuwing nagsisiwalat ba ako ng damdamin ko sa pamamagitan ng pagsusulat, may nakakaintindi sa’kin?
Sa tuwing ipinapahayag ko ang opinyon ko, may nakakaintindi ba at sumasangayon? May nagtataas rin ba ng kilay dahil sa palagay nila ay walang katuturan ang mga sinabi ko? Meron nga ba?
Kung wala, ayos lang naman. Pero ang hiling ko lang, sana, kung may hindi man naiintindihan sa mga pinagtatype ko dito, eh wag nang bigyan ng ibang kahulugan. Minsan kasi, sa simpleng di pagkaka-unawa sa mga salitang binibitawan ko, nagiging iba na ang kahulugan.
Paalala, “ Ħʋωαɢ мσиɢ вαвαƨαнιи αиɢ нιи∂ι мσ иαιιитιи∂ιнαи.”
Sunday, August 26, 2012
Walang taong pangit.
Sabi nga sa bibliya, “God made us according to His image and likeness.” Kaya lahat ng taong makikita natin, may hawig kay Lord.
And “God made us wonderfully & knew us before we came into being.”
Kaya walang karapatan ni sino man sa atin na pangit sila o pangit ang isang tao. WALA.
Yun nga lang, may mas pinagpala.
Saturday, August 25, 2012
Pitong Katotohanan sa Buhay Pagibig
1. Hindi lahat ng gusto mo, gusto ka rin.
2. Hindi ka kayang mahalin ng taong hindi marunong magmahal.
3. Hinding hindi malalaman ni MANHID na matagal mo na siyang mahal lalo na kung hindi ka nagpapahalata.
4. Laging walang napapala si Torpe.
5. Walang taong hindi pa nasubukang umasa.
6. Lagi kang may kaagaw sa mahal mo kahit hindi mo napapansin o nakikita.
7. HINDI TOTOO ANG HAPPY ENDING. HINDI. HINDI.
Dagdagan na natin ng pang walo, Hindi lahat ng nagmamahal, nakakatanggap ng pagmamahal na handa nilang ibigay sa taong mahal nila.
Friday, August 24, 2012
Hindi ko alam kung anong mas importante
ANG PANGLABAS NA KATANGIAN O YUNG PANGLOOB?
Ano bang mas tinitignan ng iba? Bakit tuwing may nalilink sayo na may mali DAW sa panlabas niya, pilit ipagsisiksikan sa kokote mong ang tanga tanga mo at pinatulan mo yan.
Pero ano bang mas mahalaga? Diba yung attitude? Sige nga, paano mo ipagyayabang ang syota mong gwapo nga eh wala namang laman ang utak (PURO HANGIN)? Tapos magtatagal lang kayo ng ilang araw? *insert P.I. here*
Pero isa pang tanong na hindi ko alam kung paano sasagutin, paano mo ipagyayabang ang taong tingin palang pinaliliguan na ng husga. Yung para bang kilalang kilala na nila kung makapag salita.
Nakakainis isipin na ganoon na ang mga tao ngayon. Karamihan lang naman. Nagpapaka-hitler kasi yung mga kilala ko eh. Ang mga hindi ganun kagwapo, walang karapatang magmahal? At ang mga babaeng pangit, bawal kiligin? *insert P.I. here*
Lalo niyong ginugulo ang isipan ko.
Dear fellow students,
Siguro puro na kayo reklamo ngayon dahil sa sangkaterbang quizzes, assignments, research works at requirements nyo pero naisip nyo ba? na sa isang banda, hindi rin resonableng magreklamo kayo kasi first and foremost, para sa sarili MO rin naman ang paghihirap na yan? para sa future MO? Another thing, bukod sa stress stress na yan eh wala ka namang poproblemahing iba kasi parents mo parin ang nagsusuplay sa pangangailangan mo(regardless of self-support students naman)? Ang responsibilidad mo lang naman eh ang mag-aral ng mabuti ang makatapos. Yun lang.
Whereas kung graduate ka na, ibang pressure na rin yung mapagdadaanan mo: ang pressure na dapat kumita para masuplyan ang pangangailangan mo at the same time, masuklian ang paghihirap ng parents mo. Counted na din jan ang pagtulong sa mga gastusin sa bahay at pagpapaaral sa mga kapatid mo. yun ang tunay na pressure. yun ang mas matinding responsibilidad.
K. nasabi ko lang. Ang tanda ko na talaga shet.
..and that ain't you!
Guys, I dont care how tough do you think you are. Nothing hits harder than life. But it ain’t about how hard you hit. It is about how hard you can get hit and keep moving forward. And don’t keep pointing fingers saying, I’m not where I need to be because of him or her or anybody. Cowards do that and that ain’t you!
Tuesday, August 7, 2012
Bayanihan
So nagiging habit ko na ang gumising ng maaga para lang i-check kung may pasok kinabukasan o wala, lalo tuwing masama ang lagay ng panahon. Una, sa Twitter ako maga-announce tapos ig-GM ko naman sa mga schoolmates ko pati ibang friends.
Sa mga interesado na maging updated sa suspension ng classes o iba pang mga balita, totoong malaking tulong ang Twitter. I-follow niyo yung DepEd (@DepEd_PH) at DZMM TeleRadyo (@DZMMTeleRadyo).
Lahat tayo, may magagawa.
Sorry ha?
Habang tumatagal, lalong nagiging hindi na maganda ang gamit ng internet sa mga tao. Biruin mo, imbis na mamuhay ka ng tahimik at chill lang, iinit ang ulo mo sa mga feeling sikat sa kung ano-anong social networking sites. At imbis na matulog ka na’t magpahinga, mas pipiliin mo pang mag computer nalang.
Hindi na internet ang ginagamit natin, ito na mismo ang gumagamit sa’tin.
Dati, imbis na makatotohanan ang makuha nating balita, ngayon, lalo pang kumakalat yung mga maling balita. Pero ang maganda lang, kung resourceful kang tao, mabilis mo lang makukumpirma ang ilang bagay. Eh sa ngayon, ang dami kong nakikitang hindi man lang kinukumpirma ang balita, kinakalat na agad.
Dahil sa dami ng paraang naiisip nating paggamit sa mga bagay, oras nalang natin mismo ang nagagamit ng mga ‘to. Minsan, kahit wala naman talaga tayong makukuha sa isang bagay, pinagpapatuloy parin natin. Tignan mo ngayon. Hindi namang importanteng mabasa mo to pero binabasa mo. Wala ka namang makukuhang panibagong kaalaman dito pero nagbabasa ka parin. Nagsayang ka lang ng oras mo.
Sorry ha?
Tuesday, July 24, 2012
Low Maintenance GF Vs. High Maintenance GF
Low Maintenance
Kahit saan pwede.
Kahit fishball lang pwede.
Kahit kwekwek lang pagkain pwede.
Gulaman lang pwede.
Kahit walang regalo sa monthsary anniversary pwede. Mahalaga magkasama.
Di sila nagpapabayad. Gusto nila hati kayo sa gastusin lalo na kapag lalabas kayong dalawa. Kapag kakain kayo.
Hindi pihikan. Kung ano ang nandyan go lang ng go.
High Maintenance
Kailangan libre mo lagi. Pati pamasahe, tipong ang gastusin lang niya eh yung bayad sa tubig dahil sa naligo siya. Bayad sa kuryente dahil nagpatuyo ng buhok gamit ang plantsa.
Kailangan naka TRIKE or FX/TAXI kung taga Maynila kayo dahil naiinitan siya. Baka masira beauty niya.
Kailangan may bonding kayo sa starbucks. Tapos take pictures, papakita sa facebook na mayaman kayong couple.
Kapag umiinom ka. Malamang mag-aya sa bar yan. Kasama mga Friends niya.
Kapag monthsary or anniversary. Nag eexpect ng regalo sayo. High Maintenance nga eh. Ibig sabihin lang nun eh talagang magastos.
Guys, meet my Girlfriend.
“Good morning handsome, buti naman at ang aga mong natulog kagabi. At least, nakapagpahinga ka ng maayos. Sorry kung hindi na ako nagreply. Alam ko kasing pag nagreply pa ako, hahaba pa ang usapan at hindi ka makakatulog kaagad. Ang laki na kaya ng eyebags mo, pasaway ka naman kasi eh. Tulog ka ng maaga mamaya ah. Wag pasaway sa klase. I love you.”
Nakakabanas talaga tong girlfriend ko. Diba? Ang aga-aga, binubuo na agad ang araw ko. Ano pa bang hihilingin ko? Hindi ba? Sayang at hindi ko siya nakakasama sa school. Hay.
“Bu, lunch naman tayo later. Wala ka namang klase mamayang 1pm diba? Miss na kasi kita eh. May surprise nga rin pala ako sayo! Wag kang malelate ha? Last time, isang oras mo akong pinaghintay. Grabe, buti nalang mahal kita. Nako!”
Isa pang gusto ko sa girlfriend ko? Napakahaba ng pasensya. Hindi nagrereklamo agad. Kahit anong maging problema, handa siyang maghintay para lutasin ng tama ang lahat.
Kakauwi ko lang galing school. Ang saya namin ng girlfriend ko sa mall kanina. Ang dami naming pictures sa phone niya. Pareho ba naman kaming vain eh. Pano kasi, everytime na magkasama kami, parang picture perfect ang lahat. Haay, grabe. *u*
Nagbasa ako ng blog niya, nagblog na naman siya tungkol sa’kin. Kahit paulit-ulit niyang ipinapaliwanag gamit ang matatamis na salita kung gano siya kasayang kasama ako, iba-iba ang palaging dating. Para bang bawat araw na nagkakasama kami, lalo niyang nakikilala ang totoong Nikko.
Pinuntahan nya ako sa bahay nung isang araw. Nagulat nalang ako 2 hrs. byahe kaya mula sakanila papunta samin pero ang sabi niya, ginawa niya raw yun dahil namiss niya lang ako. Grabe, ang sweet niya talaga! Ano pa bang mahihiling ko?
Guys meet my girlfriend. Si…. uhm… si… Sino nga ba? Actually, hindi ko pa pala siya nakikilala. Bihasa tayo mag daydream eh. Saklap naman. Tara, pakamatay! Pero sige, maghihintay ako.
Tuesday, July 10, 2012
''Ilang mga bagay tungkol sa aming mga lalake''
ooh matapos kong isiwalat ang side nyo mga kababaihan, kami naman. :)
Unang una sa lahat, alam namin na may dalawang klase ng babae sa mundo. A. Yung babaeng matino at dapat naman na talaga na seryosohin yung tipong may finality na. at B. Yung mga babaeng flirt na minsan ay pinapatulan namin pero syempre hindi naman seseryosohin, flirt ka? sige, magflirt-an tayo. Sa huli, nasa sa iyo na yan kung seseryosohin mo. Malas mo kung oo, malulugmok ka sa wala, bandang huli, iiwan ka rin nyan pag nakahanap ng iba. Flirt nga eh, helo?!
Hindi kami tumitingin sa itsura, gusto namin yung ganda ng kalooban - may taste din naman ang ibang mga lalake talaga. Hindi lang katawan, itsura, yaman, porma ang tinitignan. Napaka ganda ng pag-uugali ng isang lalaki na puso at pag-uugali ang tinitignan sa isang babae.
Mabilis kame mahulog at mabilis ding mawala - magugustuhan ka namin sa unang pagkikita, pero napakabilis ding nawawala ito. Kung hindi yun nawala, isa lang ibig sabihin. Tinamaan na ang lalaki. At yun na ang simula ng pagseseryoso.
Flirt din ang mga lalake - same as girls, flirt din ang mga lalaki. Masasabi nating ang mga lalaki ay nakikipagflirt sa mga babae buong araw, pero bago yan matulog sa gabi itetext or tatawagan nyan ang tunay na nagpapatibok ng puso nya. Yung mahal nya at mahalaga sa kanya. Marami lang talagang tukso sa paligid.
Ayaw ng lalake na pinag-uusapan ang mga ex - Ex na nga ex? kelangan pa bang pagusapan pa? Syempre nakakairita yun di ba? So pag tapos na, tapos na sana. Wala ng dame pang usapan pa.
Wag nyo subukang galitin ang mga lalake - kung nagtitrip ka lang wag mo ng subukan. Wag mo subukang galitin kaming mga lalake ng dahil sa trip trip lang. Maniwala ka, hindi mo magugustuhan pag nalaman naming trip lang.
Pag sinabihan kang maganda - kapag sinabihan ka ng isang lalake na maganda ka, isa lang ibig sabihin nun. Gusto ka ng lalaking iyon, pwera na lang kung babaero talaga. Kadalasan naman sa mga ganito ay yung lalaking tahimik. Kapag nagsalita na ang mga yan, sigurado totoo yun.
Kapag umiyak kami totoo yun - makikita mo naman sa mga mata ng isang lalaki kung tunay ang nararamdaman. Kapag umiyak sa harapan mo ang isang lalaki, sigurado totoo yun. Walang lalaking iiyak sa harap ng isang babae kung hindi ito tunay. Ang galing naman nyan umarte?
Ayaw namin sa mas malakas pang sumuntok kesa sa amin - helo? mamaya umbagin pa kami nyan pag may nagawa kaming maliit oh malaking pagkakamali. Syempre, naninigurado lang. Ayaw namin masaktan, mas ayaw naming makita ng mga tropa oh barkada na nabugbog ng girlfriend.
Ayaw namin ng pinapa-asa kami - eto ang isa sa pinaka nakakainis, yung paaasahin nyo kaming mga lalaki. Kung ganyan lang, mabuti pang diretsahin nyo kami. Kung ayaw, ayaw. Kung gusto gusto. Wala ng papetiks petiks pa. Sasayangin nyo lang oras namin. Hindi kami pinalaki para paasahin.
Pag nagsalita kami, pakinggan nyo kami - oo nga’t bibihira nyo lang kaming makitang nagsasalita ng seryoso, pero once na ginawa namin yun, promise, pakinggan nyo kami. Kasi siurado importante ang sinasabi namin. Di man importante sa inyo, samin importante na to.
Ayaw namin ng OA - nakakairita, ayaw na ayaw naming mga lalaki ang mga babaeng Over Acting. Kahit sino naman siguro, kahit hindi lalaki maiirita sa mga ganito.
Pag gusto naming makilala ang mga parents nyo “let us” - pag gusto naming makilala ang mga magulang nyo girls, please let us. Dito nyo makikita kung seryoso na talaga kami. So let them.
Lahat ng lalaking nanliligaw mabait - syempre, wala namang matinong babae ang sasagutin ang isang lalaking masama. Nasa girls na to kung panu nila titignan ang tunay na intensyon ng isang lalaki. Maganda nga sa panlabas, pero pag sinagot mo na, yari kayo. Mga girls, wag padala sa basta mabait lang, suriin at kilalaning mabuti ang bawat lalaki.
TIP: ANG MGA BABAE AY...
1. Moody: Inborn na sa mga babae to. Kung badtrip sila, wag na nating sasabayan.
2. Pag sinabing nagtatampo sila, lambing lang katapat: Yung salitang tampo, way lang nila yun para sabihing lambingin natin sila. Konting I love you lang, okay na.
3. Gusto nila yung palagi silang kino-compliment: Pag may bago sa itsura nila, gusto nilang mapansin. Kasi nakakataas ng self-confidence nila yun.
4. Pag napansin nating naging sersyoso yung mga text nila, may mali: Kapag ganun, may nagawa tayong di nila nagustuhan. Kaya be alert. Kapag sinabe nilang wala, meron talaga. Nahihiya lang sila. Kaya pilitin natin silang sabihin sa atin. At pagtapos nilang masabi, konting lambing lang. Back to normal na ulit.
5. Selosa: Kaya iwasan nating makipag harutan sa ibang girls. Lalo na sa harapan nila. Pero may ibang babae na tahimik lang kung mag-selos. Inoobserabahan lang tayo. Pero kapag napuno, simula na ng away.
6. Ang mga babae, normal lang ang ma-attract sa mga gwapo: Hanggang tingin lang sila. Kasi hindi naman na nila makikita ulit. Ma-attract man sila sa 1M lalaki, ang puso nila ay para lang sa tunay nilang mahal. Ganun din naman tayong mga lalaki. Kapag nakakita ng maganda at sexy. Magaling lang tayong magtago.
7. Ang mga babae, pinagmamalaki nila yung mga mahal nila ng hindi nila nalalaman: Katulad nalang sa mga GM (Group Message), Facebook at TUMBLR o TWITTER.
8. Ayaw nila sa mga manliligaw na nagmamadali: Yung tipo ng mga lalaking laging nagtatanong kung kailan ba nila sila sasagutin. Naiirita sila. Kaya dapat maging matiyaga tayo, kasi dun nila nalalaman kung sino talaga tayo.
9. Kapag malungkot o tahimik sila, gusto nila ng yakap galing sa atin: Kasi iba yung pakiramdam kapag hawak na nila tayo. Gumagaan yung pakiramdam nila.
10. Gustong gusto nila yung mga lalaking malaki ang respeto sa kanila: Yung tipong pag ayaw nilang magpa-kiss, hindi natin gagawin. Instead, lalambingin nalang natin sila sa ibang paraan. Ang pinaka gusto nilang kiss, kiss on the forehead. "It symbolizes, respect."
11. Ang nagpapa-turn on sa kanila ay yung lalaking protective: Yung kapag kasama nila tayo, feeling nila safe na safe sila. Walang mangyayaring masama at hindi sila ilalagay sa panganib.
12. Ayaw nila sa lalaking hanggang text lang: Kung mahal talaga natin sila, patunayan natin sa personal. Wag yung sa text lang tayo magaling. Magpaka-lalaki tayo!
13. Sobra silang natutuwa sa mga lalaking ma-effort: Yung kahit walang special day, ipa-feel natin na special ang araw araw niyo. Kasi sobrang nakakatuwa sila kapag ang lalaki laging nagpuput in ng effort. Feeling nilang babae eh, isa silang prinsesa.
14. Ang pangarap ng mga babae, yung ipapakilala natin sila sa ating mga barkada at lalo na sa ating pamilya: Feeling nila, sila na yung pinaka maswerteng babae sa mundo. Kasi iilan lang ang lalaking naglalakas loob ipakilala sila sa parents at barkada nila. Yung iba kasi nahihiya. At feeling din nila angkin na angkin na nila ang isang lalaki dahil nakilala na nila ang mga taong bumubuo sa buhay nila.
15. Magaling silang mag-pretend: Kapag nasasaktan sila, nagpapaka-manhid sila. Kapag may nakitang di maganda, nagbubulagbulagan sila. Kapag may narinig na mali, nagbibingibingihan sila. Pero kapag mag-isa nalang sila, dun sila naglalabas ng sakit. Dun sila umiiyak. Kaya ang pangarap nilang lalaki ay yung sensitive enough sa mga nararamdaman nila. Yung kayang magtanong hanggang sa umamin sila.
Monday, July 2, 2012
Ningas Kugon
Girls, makinig kayo sa’kin ha. Bakit? Kasi gusto ko at kailangan mong malaman to. LOL.
Hindi ba’t nakakakilig pag tuwing umaga, may mag tetext sayo ng ‘good morning, beautiful’ at pag sa gabi nama’y merong mga ‘goodnight’ at ‘sweet dreams?’ Hindi ba’t ang sarap sa pakiramdam pag hindi ka nawawalan ng kausap? Tapos laging may nagpapakilig sa’yo? Sarap sa feeling noh?
Oh eto, bihira lang. Pero sinasabi ko sayo, ang haba ng hair mo pag ganito ang nararanasan mo ngayon. Nahihirapan ka na bang pumili? Daming gustong manligaw noh? Tapos yung mga humahanga pa sayo na kung sino-sino, ano? Para bang si Mikay ka lang ng Princess and I. Sarap no? Ingat lang ha, baka mapatid ka ng long hair mo.
Pero ooopss, teka muna. Reality check, my dear. Unang una, icheck mo yang sarili mo sa salamin. Alam na agad kung pinagtitripan ka lang ng mga yun ha? De, biro lang. Lol. Pangalawa, este, ito talaga yung una, check mo yung background ng mga yun. Simulan mo sa family bg, sa friends, sa mga naging ex niya at sa kung saan saan pa. Para alam mong kapani-paniwala siya.
Okay, ang dami talagang steps nito eh. Pero tinatamad na akong mag type, kaya pasensya ka na. Deretso na tayo sa huling step. Eto na. Lagi mong tatandaan na maraming tao na magaling lang sa umpisa. Baka magulat ka nalang, yung taong hinahabol-habol ka, pag binigyan mo ng pansin, at paglipas ng ilang linggo, ikaw na ang naghahabol.
At marami ring taong hindi kayang panindigan lahat ng sinabi nila. Kaya pigilan mo yang pamumula ng pisngi mo paminsan-minsan, malay mo, biro lang yan. Tawa ko lang sayo. Wag mong seryosohin lahat ng taong dumarating sa buhay mo. Malay mo diba, isa ka lang palang testingan o pampalipas oras. Masakit? Sakit noh? Pero yun ang katotohanan. Ito na ang mundong ginagalawan mo ngayon. Makisama ka.
Maibabalik Pa Ba?
May mga bagay na mahirap daanin sa ngiti,
na para bang ang hirap nilang paniwalain.
Alam niya kayang ang dahila’y siya parin?
O habang buhay nalang tong ililihim?
Ang hirap rin pala magtago,
lalo na’t kung itong mga to,
ang gusto mong ipagsigawan sa lahat.
Ang hirap manahimik,
lalo na kung alam mo ang katotohanan.
Tuluyan ko na bang ibubukas ang puso sa iba?
O maari bang balikan ka pa?
Sapat na ba lahat ng ginawa mo?
Kung yan ang iyong hiling,
kaya ko bang tuparin kahit masakit sa akin?
Lahat ba ng lumipas ay maari pang burahin?
Mabubura pa ba ang mga ala-alang ayaw alalahanin?
O habang buhay na itong magmamantsa?
Maari ka pa bang balikan?
Kung sigaw ng puso’y tama na?
Sana naging bato nalang ako…
Para kahit anong gawin mo,
hinding hindi ako maapektuhan.
Kahit anong pagtapon mo,
hinding hindi ako masasaktan.
Kahit pulutin mo,
wala akong pakialam.
Kahit balikan mo,
hindi ko mapapansin.
Kahit ipambato mo,
ako lang ang makakasakit.
Kahit nasa paligid lang ako,
hindi mo ako mahahanap basta-basta.
Kung bato ako at marami akong ka-uri,
mahihirapan kang hanapin ako.
Wednesday, June 20, 2012
Changgalang second year to.
Mejo maluwag yung skejul namin ngayon. Sa sobrang luwag, sobrang daming vacant hours. 6hours ang vacant hours!
Utang na loob, dude. Malayo bahay ko. First class, 12pm ang tapos tas next class 6pm na. Saan ako mananatili sa pagkatagal tagal na panahon? Magiging makabuluhan ba ang oras kung ako’y tatambay sa bahay ng isang kamag-aral? Sa bahay na may gitara, may kama? 6hours!
Tapos gabi gabi 9pm ang uwi ko. Well, nung 1st yr pa naman ganito sched ko pero walang vacant na ganito! Edi mga 11 na ako makakauwi sa bahay. Ang masakit don, hindi lang pagod ang kalaban mo kundi pati na din gutom at antok. Swerte na lang kung maaga idismiss ng prof. Gabing gabi na. Delikado. Lalake pa naman ako. LOL E andami kayang masamang nilalang sa amin paggabi. BALANAR! HAHA! 9pm yung uwi ko. Pwede akong itext. HAHAHAHAH Magparinig daw ba? =)) Asooos. Asa. Hindi naman na nagbabasa ng blog ko yung pinariringgan ko. Haha!
Tapos badtrip pa. Pano by group na naman sa changgalang advanced accounting. E okay na sana eh. Ang kaso… Ayoko na lang magsalita. =)
Ang mamahal pa ng books. Buti na lang kamo, magaling ako maghanap. :p
First two weeks lang binibwisit na ako. Wag naman sana tuloy tuloy, bro? :>
Thursday, June 14, 2012
Ops, teka muna.
Huwag na huwag kang matutulog hangga’t hindi mo pa nalalagyan ng ngiti yang mukha mo. Alam kong pagod ka. Alam kong masaya ka. Alam kong may pinagdaraanan ka. Alam kong may kinaiinis ka. Alam kong may bumubulabog sa isipan mo. Alam ko lahat ng yun, dahil nararanasan ko rin yan ngayon.
Ang pagkakaiba, ngingiti ako bago ako matulog. Kahit gano pa kabigat tong mga dalahin ko ngayon, ngingiti ako. Pagod na pagod ako ngayon. Ang gusto ko nalang gawin eh ipikit ang mata ko at magpahinga na. Pero naalala kita. Alam kong kailangan mo ‘to. Hindi ko nga lang alam kung mapapansin mo pa.
Sa mga nababatikos sa mga maling paratang, tandaan, hindi mo kailangang mabuhay sa opinyon ng iba. Sa mga napapagod na sa pag-aaral, tandaan mo, kung napapagod ka na, pano pa yung naghihirap para mapag-aral ka? Sa mga nawawalan ng pag-asa, dumerederetso ka lang at wag ka ng lilingon, iwanan mo na parang isang anino lahat ng mga masasamang iniisip mo.
Sa mga nag dadoubt sa sarili, alam mo yan, kakayanin mo yan kung susubukan mo. Kung hindi man, ngumiti ka lang dahil sinubukan mo. Sa mga naghahanap ng pagmamahal, hawakan mo yung dibdib mo, at pag nakarinig ka ng tibok, ibig sabihin, may nagmamahal sa’yo. Panigurado to, yung nasa itaas at yung sumulat nito. Mahal ka ng Panginoon at mahal kita.
Ngumiti ka na. At bago mo ipikit yang mga mata mo para magpahinga, magpasalamat ka sa lahat lahat. Dahil sa ngayon, yun lang ang maisusukli natin sa Kanya. :)
Sunday, June 10, 2012
Good morning, beautiful.
How was your sleep? Late ka na naman bang natulog? Di ba dapat sinasanay mo na yung sarili mong matulog ng maaga para magising ka ng maaga? Malapit na ang klase, tapos ganyan ka parin? Kung ganyan ka parati, mag-aaway tayo. Alam mo namang ayokong nakikitang matamlay ka.
Pag gising mo at pagkabasa mo nito, sana mapangiti kita. Hindi dahil nagbitaw ako ng matatamis na salita, pero dahil may paki ako sa’yo. Sana pag gising mo, ngumiti ka kaagad. Yun nga ang goal ko eh, ang simulan ang araw mo ng maayos.
Kung marami kang iniisip, wag na muna ngayon. Kahit 5 minutes lang, huminga ka ng malalim, humarap ka sa salamin at sabihing, “Wow, ang ganda ng nasa harapan ko.” Hindi yun kabaliwan, isang paraan lang yun para utuin ang sarili at para magkaron ka ng malaking tiwala at paghanga sa sarili mo. Yun ang importante.
Basta kung kailangan mo ng kausap, nandito lang ako. Maging sino ka man, kahit di tayo close, handa akong makinig. Good morning, napakaganda mo. Kaya ngumiti ka lang. Ok? :)
Hoy, ikaw!
Oo, ikaw. Malungkot ka ngayon? Bakit? Alam mo bang pag nalulungkot ka, may nalulungkot rin? Sino nga ba namang hindi malulungkot kung ang kasiyahan nila eh malungkot rin? Hindi ka ba naaawa? Hindi ba pwedeng, ngumiti ka nalang?
Oo, ganyan. Oh, ilabas mo naman yung dimples mo. Kung akala mo wala yan, meron talaga. Pilitin mo lang. Oh ayan. Ang gandang tignan diba? Ngayon, yang ganyang itsura mo, lagi mong ipapakita sa iba. Maging masiyahin ka para sa iba, pero syempre, para sa sarili mo na rin.
Kung wala kang natatanggap na good morning messages dahil wala kang lovelife, ako na gagawa sa’yo niyan. Pero dito lang. Sana basahin mo naman uma-umaga. ita-tag ko to palagi bilang good morning, para tuwing umaga at maisipan mong kailangan mo ng ganito, hanapin mo nalang.
Ngumiti ka lang kahit walang rason. Dahil yang ngiti mong yan, nagiging rason para ngumiti ang iba.
Monday, May 21, 2012
Girls...
Basahin niyo to. Wala lang, kasi gusto ko eh.
Gusto ko lang ipaalam na, ang ganda mo. At oo, nambobola ako. Kasi malay ko naman diba kung sino yung nagbabasa nito ngayon diba? Malay ko ba kung may hawig ka rin kay wako wako o kung hawig mo si Anne Curtis. Pero bola man to o hindi, ang alam ko, maganda ka.
In fact, masyado kang maganda para sa lalaking palaging nagbibigay ng motibo sayo na gusto ka rin niya, pero sa huli, ikaw lang pala yung nahulog sa kanya. Maganda ka masyado para ikaw yung unang mag pm sa kanya sa Facebook. Masyado kang maganda para basahin mo ng basahin yung tweets niya kahit iniisnab ka naman niya. Masyado kang maganda para sa kanya.
Alam mo, ewan ko nga kung bakit ko to tinatype ngayon. Malay ko ba kung anong pinagdaraanan mo ngayon para masapul ka ng binabasa mo ngayon. Pero ito lang yung sigurado ako, kahit ikaw lang yung naniniwala *isama na natin ang mga nagmamahal sayo*, maganda ka talaga. Isigaw mo, “MAGANDA AKO!”
Pero wag na wag lalaki yung ulo mo. Lalo na kung totoong maganda ka. Kasi, baka tangayin ka ng sarili mong kahanginan. Yung ganda mo… magrarank down. :)
Lady Gaga Issue?
Nakita ko kasi to sa Twitter. Sinabi raw ‘to ni Lady Gaga bago niya kantahin yung kantang Judas na ipinagbawal sa kanya na kantahin, “I’m not a creature of your government, Manila.”
Napakaselan ng isyu na to pero, sige papatulan ko nalang. Isa akong Kristiyano at anak ng Diyos na naniniwala sa pagkamatay Niya sa krus ng kalbaryo para sa atin. At bilang isang taong may sariling opinyon, siguro naman may karapatan akong magsiwalat ng nararamdaman ko ukol sa isyung to.
Ang punto ko lang naman, sa dinami-rami ng isyu sa Pilipinas, bakit yung concert ni Lady Gaga ang pinatulan? Hindi ako fan ni Lady Gaga. At naniniwala ako sa Diyos. Alam kong maraming aligasyon tungkol sa relihiyon ni Lady Gaga pero… yun bang palakihin pa yung issue, ewan ko na lang.
E bakit walang nag rally na tigilan na ni Pnoy ang mga lovelife issues niya? O bakit? Ay teka, paki nga ba natin dun. E sa nagmamahal na bilihin? Mataas na tuition fee? Alam kong lahat ng nag rarally ngayon, may karapatan. Lahat tayo may karapatan, kaya nagkakatalo-talo. It’s a free country, ika nga. Pero sa sobrang libreng libre ng magsiwalat ng opinyon, ang dami naring nagpapaniwala. Tulad mo. Oo, ikaw. Maaaring naniniwala ka ngayon sakin o kaya naman umiikot na yang mata mo sa kakairap.
Basta ang punto ko lang, hindi na dapat masyadong pinapalaki ang isyung to. Nasa tao na kung may paniniwala sila sa Diyos o kung magpapa-impluwensya sila sa ‘mala-demonyong’ musika.
K, salamat. :))
Paano mo ba mapapasaya ang isang tao?
Paano mo ba mapapasaya ang isang tao? Paano mo siya mapapatahan, paano mo siya matutulungan at paano mo mababawasan ang problema at sama ng loob niya?
Hindi sapat ang tanungin siya kung ano ang problema at kung ano ang iniiyak niya. May ibang tao na mas lalo pa nilang naiisip yung hinanakit nila kung ipapakwento mo pa sa kanila. Anong mangyayari kung nalaman mo kung ano problema niya? Sigurado ka bang may magagawa ka? Kung mag-aadvice ka man, sigurado ka bang makabubuti ito sa kanya at susundin nga ba niya?
Minsan, hindi natin kailangan magpaka-Bob Ong sa pagbibigay ng advice, hindi rin natin kailangan ang magdrama at sabayan siya umiyak, yung gumawa ka lang ng paraan para mapatawa siya, e okay na okay na.
“Laughter is the best medicine” ika nga. Mahirap patawanin ang taong sobrang sama ng loob, yung sobrang iyak na iyak, pero kapag nagawa mo siyang pasayahin at pag narinig mo ang tawa niya, parang ikaw nabunutan na din ng tinik.
Kantahan mo siya. Malakas ding makapagpabawas ng sama ng loob ang musika, pwera nga lang sa mga boses ng iba na nakakadagdag pa ng problema. Be crazy. Make some funny faces. Crack corny jokes. Libangin mo siya, misyon mo ang patawanin siya, yung tipong hahawak na siya sa panga niya, tulungan mo siya na kahit saglit makalimutan niya ang problema niya. :)
Wednesday, May 16, 2012
Naniniwala ako..
Naniniwala ako sa love. Naniniwala ako na someday may happy ending ang lahat ng love story ng bawat tao sa mundo. Na wala ng iiyak. Walang malulungkot. Wala ng mag-iisa at wala ng masasaktan. Pero sabi nga nila, walang perpektong love story. Yung mahal mo na kaso may iba na. Sa lalake, yung handa mo ng ligawan kaso kaibigan ka lang pala sakanya. Sa babae, yung handa mo ng sagutin siya pero napagod na siyang kakahintay. Yung sa sobrang dami mong iniintindi sa buhay nakalimutan mo ng may taong naghihintay sayo. Yung laging nagmamahal, laging umaasang mapansin mo. Yung hinihiling na sana makasama ka bawat oras. Sino kaya ito sa buhay mo? Pag-isipan. :)
Bakit ganoon?
Bakit kailangang tanungin ng mga reporter si Manny Pacquiao ng kaniyang opinyon sa halos lahat ng isyu? Ano ba siya? Pambansang Mascot?
Bakit walang nagtatanong ng opniyon nina Nonito Donaire? Boom Boom Bautista? AJ Banal? Brian Viloria? Bakit kailangan si Manny lagi? BAKIT?
Bakit kapag salungat sa paniniwala natin ang opinyon ng isang tao, kulang na lang ay patayin natin siya sa social media?
Bakit ka pa nagtanong ng opinyon? Huwag na lang kaya?
Bakit kailangang laging nasa news ang bawat salita ni Manny Pacquiao?
Bakit yung ibang Pilipino, walang boses sa lipunan?
Bakit ang dami kong tanong? :|
Monday, May 14, 2012
Tagay pa!
“Dito ko lang naman makakalimutan lahat eh. Dito lang sa paglalasing.” - sabi ng lasinggerang broken hearted.
Weh?! Totoo nga bang nakakalimot ka? Maniwala? Eh hindi ba, bawat tungga mo sa boteng yan, bawat pait ng alak na nilalasam mo, naalala mo rin yung mapapait na alaalang pilit mong kalimutan? Tapos ano? Pag lasing ka na, iiyak iyak ka na parang eng-eng sa isang sulok. Minsan, magwawala ka pa. Sinong niloloko mo? Hindi yung mga hinanakit at nanakit sa’yo ang nakakalimutan mo…. kundi ang sarili mo.
Isa na namang kaibigan ang nagtanong sakin kung pano mag move on. At dahil nainis ako, sinagot ko siya ng, “Maging busy ka!” Tinawanan niya ako, at sumagot siya ng “Eto na eh, busy na kaya ako. Kung ano ano na ngang nagagawa ko para makalimot.” Nginitian ko siya, “Maging busy ka sa pag-aayos ng buhay mo ngayon, hindi ko sinabing maging busy ka sa pangangawa na bumalik ang nakaraan.”
Umiyak siya ng umiyak. Hindi ko alam kung pano ako makakatulong, kaya yun nalang ang sinabi ko. Lahat ng alam kong pwede niyang gawin, sinabi ko. “Ang sakit. Ang sakit sakit talaga ng mga sinasabi mo” reklamo niya. Yumuko ako, at sinagot ko siya ng “Malamang nasasaktan ka, buhay ka pa eh. Minsan, kailangan mong masaktan para maalala mong buhay ka pa.”
Sunday, May 13, 2012
Trust?
Sa isang relationship, diba ito yung pinakamahalaga? Pano nga ba kayo tatagal kung wala naman kayong tiwala sa isa’t isa hindi ba? Pero… mali rin pala kung nasobrahan yung tiwala niyo sa isa’t isa. Kasi madalas, nate-take for granted nalang ninyo yung tiwala niyo sa isa’t isa.
Bakit nga ba hindi mo siya hinihigpitan? Kasi diba, may tiwala ka sa kanya? Ang tanong, may tiwala ka ba sa kinaseselosan mo na nakakasama niya? Sagot!
Yung masaklap pala eh yung sa sobran luwag sa’yo ng isang tao, akala mo binabalewala ka nalang. Yun pala, napakalaki lang talaga ng tiwala sa’yo.
In short, mahirap yung wala kayong tiwala sa isa’t isa. Pero mahirap rin na sobrang nagtitiwala na kayo sa isa’t isa, dahil madalas, bukod sa matetake for granted ang isa sainyo, yung isa naman, iisipin na binabalewala lang siya.
San nga ba dapat lumugar? Balanse lang dapat.
Sunday, May 6, 2012
NAGING KAIBIGAN NAMAN KITA, HINDI BA?
Bakit kaya may mga taong naging malapit sa atin noon, pero paglipas ng panahon, halos parang hindi na magkakilala kung magtratuhan. Marami akong mga naging kaibigang onti-onting nawalay. Yun bang pati yung mga interes namin e hindi na nagtugma.
Siguro, mahina talaga ako sa pakikipagkaibigan. Nadadala rin kasi ako sa iba kong kaibigan na sasabihing wag nalang samahan si ganito-ganyan dahil hindi raw totoong kaibigan. Pinagsisisihan kong hinusgahan ko ang iba kong mga kaibigan dahil sa sabi-sabi. Pero bumawi naman ako eh. Ang malungkot, hindi na talaga naibalik yung dating samahan.
Sana, kung maari, gusto kong bawiin lahat ng mga mali kong pakikitungo. Dulot lang siguro yun ng murang pagiisip, pero tamang dahilan na nga ba yun para mabawi ang lahat?
Pero ang pinaka-malungkot talaga, yung mga kaibigang malapit sa puso ko noon, naging madalas kong nakakaaway o madalas kaming nagkakaron ng hindi pagkakaintindihan. Wala lang. Siguro nga, hindi talaga kami bagay na maging magkaibigan. Siguro, ganun na nga. :)
“Open ka ba sa ideang anytime, pwede kayong mag break?”
Parang gusto kong itanong yun sa lahat ng kilala kong couples. Eh medyo curious kasi ako, lalo na dun sa couples na sobrang attached sa isa’t isa. Parang pano na, kung tapos na? Ano ng mangyayari? Yung mga taong gigising para sa isang tao… pano pag wala na yung taong yun? Gigising parin ba sila? Wala lang, naisip ko lang talaga.
Sa lahat naman kasi ng relationship na papasukan mo, dapat sigurado kang mawala man yung isang tao sayo, kaya mo pang mabuhay.
Basta ang alam ko, bago ka pumasok sa isang relationship, marunong ka maging masaya kahit wala yung partner mo. Hindi ba, ika nila, di ka magiging masaya kasama ang isang tao kung hindi mo kayang maging masaya para sa sarili mo. :)
Wednesday, May 2, 2012
Wag kang magtataka
Wag kang magtataka kung iwanan ka ng taong matagal mong binalewala. Magpasalamat ka pa nga dapat dahil ang tagal niyang nagtiis. Wag kang magtatanim ng galit sa isang taong ginawa ang lahat, maintindihan ka lang. Wag mong isiping hindi niya sinubukang ayusin ang lahat. Wag mong iasa ang lahat ng bagay sa isang tao, hindi niya naman kaya kung siya lang ang gagawa ng mga paraan para maayos ang lahat.
Wag kang magtataka kung iwanan ka ng taong matagal mong binalewala, dahil hindi naman yang mangiiwan kung wala kang ginawang mali. :)
Wednesday, April 25, 2012
one step back?
Walang karapatan ang sinuman na pagtawanan o husgahan ka dahil hindi ka pa nakakamove-on. Iba-iba ng pagproseso ng tao, meron minuto lang ok na, (tao ba yun?), meron din naman maputi na lahat ng buhok niya sa katawan bitter pa din. Pero utang na loob ulit, tulungan mo ang sarili mo, desisyon mong umapak sa kumunoy na nilubugan mo, desisyon mo din kung kailan ka aalis jan, magtatagal ka ba diyan at hahayaang kainin ka ng buong buo ng kumunoy na ikaw din naman ang kusang umapak, o kakapit ka at pipiliting umahon, wala pagkakaiba kung mag momove-on ka next week or next year, ang mahalaga, hilom ka na. Sasabihin mo na namang mahirap, talagang mahirap, makita mo lang siya, babalik ka na naman sa simula, you tried stepping 100 times forward but a single step back, and you find yourself back from the start. Tama ka, ganun nga yun. Alam mo naman pala, eh bakit hinahayaan mo pa na icommit mo yung one step back?
Wednesday, April 18, 2012
SAY IT AND I’M YOURS.
I love you. So, akin ka na? No. No way. Hindi ko maintindihan kung bakit pag sinabing mahal mo ang isang tao, at yung taong yun e mahal ka rin, pwedeng pwede na. Pano yung sitwasyon? Kung komplikado man ang sitwasyon, bakit kailangang i-risk agad yung relationship nila bilang magkaibigan para sa mas komplikadong relasyon?
Bakit kahit na alam na natin na pag minadali natin ang isang bagay, isa lang ang kahahantungan—-ang katapusan. Pag mali ang isang bagay, pilit nating pinapatagal, dahil akala natin, yun ang tama at yun lang ang kaya nating gawin. Pero ang mali ay hindi kailanman magiging tama, kung mali ang timing. Hindi ba’t may nakalaan na tamang oras para sa lahat ng bagay?
Mas gugustuhin mo bang nagmahal ka ng tama sa maling panahon at dahil pagod ka na, magmamahal ka ng mali sa tamang panahon? Hindi ba’t lalong magiging komplikado ang lahat pag ganun ang nangyari?
Tandaan, great things come to those who wait.
How would you know kung worth it ang lahat?
Madaling araw na naman. At ngayon, nakasisiguro akong gising muli ang diwa ko. Siguro nga napaka-weird ko dahil sa gantong oras gising ang utak ko. Nocturnal?
Nakatext ko yung kaibigan kong babaeng kagagaling lang sa break up. Ang totoo, di ko sana papatulan yung mga pagtatanong niya sa lovelife. Ang kaso, nung sinabi niya na “Mga lalake talaga, pinaglalaruan lang kaming mga babae. Why does the nice girl always gets hurt?” ano pang magagawa ko? Edi malamang, sasagot ako.
I wondered why she had to say that to me. Bakit sa’kin pa? Anong kinalaman ko sa nararamdaman niya? Kaya’t binigyan ko siya ng paliwanag.
Ang totoo, tamad pa nga akong magreply kaya napaka-iksi ng mga sagot ko. Bakit nga ba bibitaw ang isang lalake? Bilang lalake kasi, alam ko yung mga naitulong ko, pwedeng tinandaan ko talaga yun para balang araw may maisumbat ako pero pwede rin naman para alam kong may ginagawa ako para mag work ang relationship. Pag napagod ang isang lalake sa pakikipaglaban ng mag-isa, mapapagod at mapapagod yan.
Maiisip niyang mahal niya nga yung babae pero mas mahal niya ang sarili niya kaya’t alam niyang he deserve someone better. Hindi ba’t tama na, na alam mong wala ka ng rason para ipagpatuloy pa ang laban? Ika nga, Love is not a fight, but it’s something worth fighting for. How would you know kung worth it ang lahat? Hindi ba’t kung alam mong masaya ka? Eh pano kung hindi ka na masaya dahil natetaken for granted ka na? Will you still stay? No.
Sino bang lalake ang papasok sa isang relasyong walang kasiguraduhan? Yung mga short time ang hanap? Pagisipan niyo.
Wednesday, March 28, 2012
Hi, ∞.
Hi, ∞.
This isn’t an appreciation post or whatsoever. But well, I just wanted to thank you. Thank you for always being there whenever I need someone. Thank you for understanding me when everybody misunderstood. I don’t really know what to type right now… But… I still want to make this blog post longer.
So yeah… We don’t talk too much… so I don’t really know how you expect me to know you better. We don’t text, we don’t even chat… Don’t you think all these can make us apart? Aren’t you going to do anything? Are you going to let all these fall apart?
Anyways… I just want to let you know that I miss you.
Tuesday, March 20, 2012
If it's meant to be, it will happen.
At times, I know I should worry less. I should stop overthinking and making things appear so complicated, and let everything fall in its own places. I should not waste my time wondering if we’re for each other or not, coz if we are, we really are no matter what.. :)
hindi pag-ibig yan.
Kung may basehan ang pagmamahal mo sa kanya, hindi pag-ibig yan.
Dahil ba maganda? Pag pumangit na sya, hindi mo na ba mahal?
Dahil ba makinis ang balat? Paano pag kumulubot, hindi mo na ba mahal?
Dahil ba matalino? Paano kung bumaba ang grades, hindi mo na ba mahal?
Dahil ba mayaman? Paano kung na bankrupt, hindi mo na ba mahal?
Kapag nawala ang lahat ng bagay na meron sya, mawawalan ka na ng dahilan para mahalin sya. Hindi pag-ibig yan. Dahil ang pag-ibig, ito ang dapat matira at tumulong sayo patayo kapag dapang-dapa ka na. ♥
Sunday, March 18, 2012
Dear Future Girlfriend,
Maiintindihan ko naman kung di ka magpaparamdam basta’t sabihin mo lng kung busy ka at kung ano kalagayan mo :) Marahil magseselos ako kung may kasama kang iba pero sana alalahanin mo, Ayaw ko lng mawala ka saakin. Kung makita mo akong may kasamang babae, kaibigan lng yun. Madami akong babaeng kaibigan pero ibang pagkakaibigan, ksi kapatid turing ko sakanilaa. Magtatampo ako sayo pero kailangan ko lng ng attention mo XD Mahilig ako sa sweet goodmorning texts. Gsto ko walang pataasan ng pride. Kung may magawa akong kasalanan, patawarin mo ako dhil pagsisisihan ko habang buhay kung ano man nagawa ko. Gsto ko yung tipong para tayong mag bestfriends pero alam ntin sa sarili ntin na mahal na mahal ntin ang isa’t isa :) BIPOLAR ako ee. Magddrama ako paminsan pero sana intindihin mo ako :)))
Pero ang tanging gusto ko, MAGKAINTINDIHAN tayo para tayo’y MAGTATAGAL ♥
Tuesday, March 13, 2012
True Friends Forever
Written with a pen
Sealed with a kiss
If you are my friend,
Please answer this:
Are we friends or are we not?
You told me once, but I forgot.
So tell me now and tell me true,
So I can say, I am here for you.
Of all the friends I’ve ever met,
You’re the one I won’t forget.
And if I die before you do,
I’ll go to Heaven
And wait for you. :">
Saturday, March 10, 2012
Salawahan.
Pag tungkol dito, sinong unang naiisip? Hindi ba’t kaming mga kalalakihan? Pero hindi ko alam kung tama ba yung natanto ko o sadyang nababaliw na talaga ako.
Bakit parang mas salawahan ang mga kababaihan? Kung tatanungin ako kung bakit, ang isasagot ko lang eh dahil sa madali silang magbago ng isip. Ewan ko. Ang hirap ipaliwanag. Yun bang parang gusto nila yung isang tao, tapos kinabukasan, iba na yung gusto nila dahil may nakita silang mas gwapo. mas matino.
Yun bang kahit commited sila, di nila maiwasang di magka-crush kahit sa mga artista lang o sa mga taong imposible naman talagang maging sila. Kahit ganun lang yun, pagiging salawahan parin yata yun.
Yun bang kakadecide lang nila sa isang bagay tapos babawiin din bigla. Yun bang klase ng pagiisip nila na may options tayo. Yung iisipin nilang hindi masamang magpaligaw sa marami dahil sila naman ang mamimili.
Nasa nature na yata nila yun. Ewan!
Let it go.
Let it go.
Hindi ka ba nahihirapan? Hindi ka ba nagsasawa? Hindi ka ba napapagod?
Bakit ka maghihintay sa taong alam mong masaya na sa kung anong meron siya? Bakit ka aasang magkakaron ka rin ng pag-asa kung wala namang motibong binigay sa’yo? Bakit mo hahayaang masaktan ka nalang, kung alam mong pwede ka na umayaw?
Tama na. Pakawalan mo nalang. Tutal, hindi mo naman talaga siya pag-aari e. Masasaktan ka lang kaya pakawalan mo na. Tama na…
Thursday, February 16, 2012
Nakakatanga lang.
Masasabi mo bang minahal mo talaga ang isang tao kung madali naman siyang palitan?
Ako kasi, hindi ako naniniwalang mahal ka talaga ng isang tao kung madali ka lang niyang napalitan. Siguro, hindi masamang mag move on ng mabilis kung ayaw mo naman talagang mag mukhang kaawa-awa.
Kung nasaktan ka, tama lang siguro na tigilan mo na ang pantasya mo at agad-agarang hanapin ang taong magpapasaya sayo.
Pero kung wala namang mali sa relasyon niyo… at sitwasyon lang ang nakasira, walang dahilan para ipamukha sa maraming tao na pinagsawaan mo na siya at napalitan mo siya agad. Nakakatanga lang.
Pag ganun kasi ang sitwasyon, mapapaisip ka nalang kung minahal ka talaga. HINDI BA?
Tuesday, February 7, 2012
Ayan ang masarap na samahan. Sa huli na lang ang malisya.
May punto tayo sa buhay na may tao talagang makakasama natin sa hirap at ginhawa. Mapa kaibigan man yan o taong kasama mo sa relasyon. Meron laging “Special Moment” na sinasabi. Yung nabubuksan mo yung kabilang pahina ng buhay niya dahil sa nagkaroon na siya ng tiwala sayo mamahagi ng problema.
Bigla kang magugulat na ganun pala ang kwento ng buhay niya. Mapa personal man o pag-ibig. Hindi na mahalaga sayo kung saan tutungo ang relasyon niyong dalawa. Basta ang mahalaga sayo ngayon kasama mo siya. Nakakabiruan at napapakinggan at nabibigyan ng payo ang iyong problema.
Ayan ang masarap na samahan. Sa huli na lang ang malisya.
Bakit okey maging SINGLE in two sentences.
1.) Kasi pag single ka naiintindihan mo ang side ng kaibigan mong babae pag nag aaway sila ng boyfriend nya at naiintindihan mo din ang side ng kaibigan mong lalaki pag nagaaway sila ng girlfriend nya, kahit pareho mo pa silang kaibigan.
2.) Natututo ka sa pagkakamali ng mga kaibigan at kakilala mong in a relationship, na mahirap matutunan at makita kung nasa isang relasyon ka.
ithinkGodcanexplain. :)
:) Well, madaming Bible verses para tulungan ka pero tandaan mo muna sa puso mo yung Jeremiah 29:11 :) tapos papayuhan kita(pero di ako expert :D) Mag pray ka ng maigi, tanungin mo si God, maging honest ka sa Kanya.. Kung galit ka sa Kanya sabihin mo, gusto ni God madinig sa’yo kung ano ang nasa puso mo kahit alam na Nya yung mga yun. Kung may dinadala ka at nahihirapan ka, kausapin mo si God, manalangin ka, dinadala na ni Jesus yung higit pa sa kalahati ng nararamdaman mo kayanin mo lang yan :) Kung may mga gusto ka, sabihin mo din, ibibigay sayo ni God kung para sa’yo talaga. Maging honest tayo kay God. :)
Tapos sasagutin ka ni God sa pamamagitan ng Bible. Manalangin ka at manghingi ka ng sagot kay God, pagbukas mo ng Bible mo, andun ang sagot.
Mahal ka ni God, maniwala ka. Kung hindi ka Nya mahal, bakit hinayaan Nya pang dalhin ni Jesus lahat ng kasalanan natin di ba? Mahal ka ni Jesus, maniwala ka. Kung hindi ka Nya mahal, may choice Sya nun, pwede Syang maligtas nung papako na Sya, pero pinili Nyang mamatay para sa atin. Magwowork ang lahat dahil gagabayan ka ng Holy Spirit, naniniwala ako. =)
Mahal ka ni God kaya nandyan ka, kaya may pinagdadaanan ka. Kaya may pinagdadaanan ka, para patatagin ka, kasi MAHAL KA NI GOD! :)
Manalig tayo :) Dahil kelan man hindi Nya tayo pinabayaan :) God bless you kapatid! :)
Monday, January 2, 2012
GOALS FOR 2012
*Smile more.
*Eat healthier.
*Make a lot of new friends
*Fall in love.
*Be loved back.
*Make at least one person's day.
*Play in the rain at least once.
*Become more outgoing.
*Be happy. :)))
Subscribe to:
Posts (Atom)