Sunday, June 10, 2012

Hoy, ikaw!

Oo, ikaw. Malungkot ka ngayon? Bakit? Alam mo bang pag nalulungkot ka, may nalulungkot rin? Sino nga ba namang hindi malulungkot kung ang kasiyahan nila eh malungkot rin? Hindi ka ba naaawa? Hindi ba pwedeng, ngumiti ka nalang? Oo, ganyan. Oh, ilabas mo naman yung dimples mo. Kung akala mo wala yan, meron talaga. Pilitin mo lang. Oh ayan. Ang gandang tignan diba? Ngayon, yang ganyang itsura mo, lagi mong ipapakita sa iba. Maging masiyahin ka para sa iba, pero syempre, para sa sarili mo na rin. Kung wala kang natatanggap na good morning messages dahil wala kang lovelife, ako na gagawa sa’yo niyan. Pero dito lang. Sana basahin mo naman uma-umaga. ita-tag ko to palagi bilang good morning, para tuwing umaga at maisipan mong kailangan mo ng ganito, hanapin mo nalang. Ngumiti ka lang kahit walang rason. Dahil yang ngiti mong yan, nagiging rason para ngumiti ang iba.

No comments:

Post a Comment