Monday, May 21, 2012

Girls...

Basahin niyo to. Wala lang, kasi gusto ko eh. Gusto ko lang ipaalam na, ang ganda mo. At oo, nambobola ako. Kasi malay ko naman diba kung sino yung nagbabasa nito ngayon diba? Malay ko ba kung may hawig ka rin kay wako wako o kung hawig mo si Anne Curtis. Pero bola man to o hindi, ang alam ko, maganda ka. In fact, masyado kang maganda para sa lalaking palaging nagbibigay ng motibo sayo na gusto ka rin niya, pero sa huli, ikaw lang pala yung nahulog sa kanya. Maganda ka masyado para ikaw yung unang mag pm sa kanya sa Facebook. Masyado kang maganda para basahin mo ng basahin yung tweets niya kahit iniisnab ka naman niya. Masyado kang maganda para sa kanya. Alam mo, ewan ko nga kung bakit ko to tinatype ngayon. Malay ko ba kung anong pinagdaraanan mo ngayon para masapul ka ng binabasa mo ngayon. Pero ito lang yung sigurado ako, kahit ikaw lang yung naniniwala *isama na natin ang mga nagmamahal sayo*, maganda ka talaga. Isigaw mo, “MAGANDA AKO!” Pero wag na wag lalaki yung ulo mo. Lalo na kung totoong maganda ka. Kasi, baka tangayin ka ng sarili mong kahanginan. Yung ganda mo… magrarank down. :)

No comments:

Post a Comment