Monday, May 21, 2012

Lady Gaga Issue?

Nakita ko kasi to sa Twitter. Sinabi raw ‘to ni Lady Gaga bago niya kantahin yung kantang Judas na ipinagbawal sa kanya na kantahin, “I’m not a creature of your government, Manila.” Napakaselan ng isyu na to pero, sige papatulan ko nalang. Isa akong Kristiyano at anak ng Diyos na naniniwala sa pagkamatay Niya sa krus ng kalbaryo para sa atin. At bilang isang taong may sariling opinyon, siguro naman may karapatan akong magsiwalat ng nararamdaman ko ukol sa isyung to. Ang punto ko lang naman, sa dinami-rami ng isyu sa Pilipinas, bakit yung concert ni Lady Gaga ang pinatulan? Hindi ako fan ni Lady Gaga. At naniniwala ako sa Diyos. Alam kong maraming aligasyon tungkol sa relihiyon ni Lady Gaga pero… yun bang palakihin pa yung issue, ewan ko na lang. E bakit walang nag rally na tigilan na ni Pnoy ang mga lovelife issues niya? O bakit? Ay teka, paki nga ba natin dun. E sa nagmamahal na bilihin? Mataas na tuition fee? Alam kong lahat ng nag rarally ngayon, may karapatan. Lahat tayo may karapatan, kaya nagkakatalo-talo. It’s a free country, ika nga. Pero sa sobrang libreng libre ng magsiwalat ng opinyon, ang dami naring nagpapaniwala. Tulad mo. Oo, ikaw. Maaaring naniniwala ka ngayon sakin o kaya naman umiikot na yang mata mo sa kakairap. Basta ang punto ko lang, hindi na dapat masyadong pinapalaki ang isyung to. Nasa tao na kung may paniniwala sila sa Diyos o kung magpapa-impluwensya sila sa ‘mala-demonyong’ musika. K, salamat. :))

No comments:

Post a Comment