Monday, May 14, 2012

Tagay pa!

“Dito ko lang naman makakalimutan lahat eh. Dito lang sa paglalasing.” - sabi ng lasinggerang broken hearted. Weh?! Totoo nga bang nakakalimot ka? Maniwala? Eh hindi ba, bawat tungga mo sa boteng yan, bawat pait ng alak na nilalasam mo, naalala mo rin yung mapapait na alaalang pilit mong kalimutan? Tapos ano? Pag lasing ka na, iiyak iyak ka na parang eng-eng sa isang sulok. Minsan, magwawala ka pa. Sinong niloloko mo? Hindi yung mga hinanakit at nanakit sa’yo ang nakakalimutan mo…. kundi ang sarili mo. Isa na namang kaibigan ang nagtanong sakin kung pano mag move on. At dahil nainis ako, sinagot ko siya ng, “Maging busy ka!” Tinawanan niya ako, at sumagot siya ng “Eto na eh, busy na kaya ako. Kung ano ano na ngang nagagawa ko para makalimot.” Nginitian ko siya, “Maging busy ka sa pag-aayos ng buhay mo ngayon, hindi ko sinabing maging busy ka sa pangangawa na bumalik ang nakaraan.” Umiyak siya ng umiyak. Hindi ko alam kung pano ako makakatulong, kaya yun nalang ang sinabi ko. Lahat ng alam kong pwede niyang gawin, sinabi ko. “Ang sakit. Ang sakit sakit talaga ng mga sinasabi mo” reklamo niya. Yumuko ako, at sinagot ko siya ng “Malamang nasasaktan ka, buhay ka pa eh. Minsan, kailangan mong masaktan para maalala mong buhay ka pa.”

No comments:

Post a Comment