Sunday, May 6, 2012

NAGING KAIBIGAN NAMAN KITA, HINDI BA?

Bakit kaya may mga taong naging malapit sa atin noon, pero paglipas ng panahon, halos parang hindi na magkakilala kung magtratuhan. Marami akong mga naging kaibigang onti-onting nawalay. Yun bang pati yung mga interes namin e hindi na nagtugma. Siguro, mahina talaga ako sa pakikipagkaibigan. Nadadala rin kasi ako sa iba kong kaibigan na sasabihing wag nalang samahan si ganito-ganyan dahil hindi raw totoong kaibigan. Pinagsisisihan kong hinusgahan ko ang iba kong mga kaibigan dahil sa sabi-sabi. Pero bumawi naman ako eh. Ang malungkot, hindi na talaga naibalik yung dating samahan. Sana, kung maari, gusto kong bawiin lahat ng mga mali kong pakikitungo. Dulot lang siguro yun ng murang pagiisip, pero tamang dahilan na nga ba yun para mabawi ang lahat? Pero ang pinaka-malungkot talaga, yung mga kaibigang malapit sa puso ko noon, naging madalas kong nakakaaway o madalas kaming nagkakaron ng hindi pagkakaintindihan. Wala lang. Siguro nga, hindi talaga kami bagay na maging magkaibigan. Siguro, ganun na nga. :)

No comments:

Post a Comment