Monday, May 21, 2012

Paano mo ba mapapasaya ang isang tao?

Paano mo ba mapapasaya ang isang tao? Paano mo siya mapapatahan, paano mo siya matutulungan at paano mo mababawasan ang problema at sama ng loob niya? Hindi sapat ang tanungin siya kung ano ang problema at kung ano ang iniiyak niya. May ibang tao na mas lalo pa nilang naiisip yung hinanakit nila kung ipapakwento mo pa sa kanila. Anong mangyayari kung nalaman mo kung ano problema niya? Sigurado ka bang may magagawa ka? Kung mag-aadvice ka man, sigurado ka bang makabubuti ito sa kanya at susundin nga ba niya? Minsan, hindi natin kailangan magpaka-Bob Ong sa pagbibigay ng advice, hindi rin natin kailangan ang magdrama at sabayan siya umiyak, yung gumawa ka lang ng paraan para mapatawa siya, e okay na okay na. “Laughter is the best medicine” ika nga. Mahirap patawanin ang taong sobrang sama ng loob, yung sobrang iyak na iyak, pero kapag nagawa mo siyang pasayahin at pag narinig mo ang tawa niya, parang ikaw nabunutan na din ng tinik. Kantahan mo siya. Malakas ding makapagpabawas ng sama ng loob ang musika, pwera nga lang sa mga boses ng iba na nakakadagdag pa ng problema. Be crazy. Make some funny faces. Crack corny jokes. Libangin mo siya, misyon mo ang patawanin siya, yung tipong hahawak na siya sa panga niya, tulungan mo siya na kahit saglit makalimutan niya ang problema niya. :)

2 comments: