Thursday, June 14, 2012
Ops, teka muna.
Huwag na huwag kang matutulog hangga’t hindi mo pa nalalagyan ng ngiti yang mukha mo. Alam kong pagod ka. Alam kong masaya ka. Alam kong may pinagdaraanan ka. Alam kong may kinaiinis ka. Alam kong may bumubulabog sa isipan mo. Alam ko lahat ng yun, dahil nararanasan ko rin yan ngayon.
Ang pagkakaiba, ngingiti ako bago ako matulog. Kahit gano pa kabigat tong mga dalahin ko ngayon, ngingiti ako. Pagod na pagod ako ngayon. Ang gusto ko nalang gawin eh ipikit ang mata ko at magpahinga na. Pero naalala kita. Alam kong kailangan mo ‘to. Hindi ko nga lang alam kung mapapansin mo pa.
Sa mga nababatikos sa mga maling paratang, tandaan, hindi mo kailangang mabuhay sa opinyon ng iba. Sa mga napapagod na sa pag-aaral, tandaan mo, kung napapagod ka na, pano pa yung naghihirap para mapag-aral ka? Sa mga nawawalan ng pag-asa, dumerederetso ka lang at wag ka ng lilingon, iwanan mo na parang isang anino lahat ng mga masasamang iniisip mo.
Sa mga nag dadoubt sa sarili, alam mo yan, kakayanin mo yan kung susubukan mo. Kung hindi man, ngumiti ka lang dahil sinubukan mo. Sa mga naghahanap ng pagmamahal, hawakan mo yung dibdib mo, at pag nakarinig ka ng tibok, ibig sabihin, may nagmamahal sa’yo. Panigurado to, yung nasa itaas at yung sumulat nito. Mahal ka ng Panginoon at mahal kita.
Ngumiti ka na. At bago mo ipikit yang mga mata mo para magpahinga, magpasalamat ka sa lahat lahat. Dahil sa ngayon, yun lang ang maisusukli natin sa Kanya. :)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment