Sunday, June 10, 2012
Good morning, beautiful.
How was your sleep? Late ka na naman bang natulog? Di ba dapat sinasanay mo na yung sarili mong matulog ng maaga para magising ka ng maaga? Malapit na ang klase, tapos ganyan ka parin? Kung ganyan ka parati, mag-aaway tayo. Alam mo namang ayokong nakikitang matamlay ka.
Pag gising mo at pagkabasa mo nito, sana mapangiti kita. Hindi dahil nagbitaw ako ng matatamis na salita, pero dahil may paki ako sa’yo. Sana pag gising mo, ngumiti ka kaagad. Yun nga ang goal ko eh, ang simulan ang araw mo ng maayos.
Kung marami kang iniisip, wag na muna ngayon. Kahit 5 minutes lang, huminga ka ng malalim, humarap ka sa salamin at sabihing, “Wow, ang ganda ng nasa harapan ko.” Hindi yun kabaliwan, isang paraan lang yun para utuin ang sarili at para magkaron ka ng malaking tiwala at paghanga sa sarili mo. Yun ang importante.
Basta kung kailangan mo ng kausap, nandito lang ako. Maging sino ka man, kahit di tayo close, handa akong makinig. Good morning, napakaganda mo. Kaya ngumiti ka lang. Ok? :)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment