Wednesday, April 25, 2012

one step back?

Walang karapatan ang sinuman na pagtawanan o husgahan ka dahil hindi ka pa nakakamove-on. Iba-iba ng pagproseso ng tao, meron minuto lang ok na, (tao ba yun?), meron din naman maputi na lahat ng buhok niya sa katawan bitter pa din. Pero utang na loob ulit, tulungan mo ang sarili mo, desisyon mong umapak sa kumunoy na nilubugan mo, desisyon mo din kung kailan ka aalis jan, magtatagal ka ba diyan at hahayaang kainin ka ng buong buo ng kumunoy na ikaw din naman ang kusang umapak, o kakapit ka at pipiliting umahon, wala pagkakaiba kung mag momove-on ka next week or next year, ang mahalaga, hilom ka na. Sasabihin mo na namang mahirap, talagang mahirap, makita mo lang siya, babalik ka na naman sa simula, you tried stepping 100 times forward but a single step back, and you find yourself back from the start. Tama ka, ganun nga yun. Alam mo naman pala, eh bakit hinahayaan mo pa na icommit mo yung one step back?

No comments:

Post a Comment