Friday, August 24, 2012
Hindi ko alam kung anong mas importante
ANG PANGLABAS NA KATANGIAN O YUNG PANGLOOB?
Ano bang mas tinitignan ng iba? Bakit tuwing may nalilink sayo na may mali DAW sa panlabas niya, pilit ipagsisiksikan sa kokote mong ang tanga tanga mo at pinatulan mo yan.
Pero ano bang mas mahalaga? Diba yung attitude? Sige nga, paano mo ipagyayabang ang syota mong gwapo nga eh wala namang laman ang utak (PURO HANGIN)? Tapos magtatagal lang kayo ng ilang araw? *insert P.I. here*
Pero isa pang tanong na hindi ko alam kung paano sasagutin, paano mo ipagyayabang ang taong tingin palang pinaliliguan na ng husga. Yung para bang kilalang kilala na nila kung makapag salita.
Nakakainis isipin na ganoon na ang mga tao ngayon. Karamihan lang naman. Nagpapaka-hitler kasi yung mga kilala ko eh. Ang mga hindi ganun kagwapo, walang karapatang magmahal? At ang mga babaeng pangit, bawal kiligin? *insert P.I. here*
Lalo niyong ginugulo ang isipan ko.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment