Tuesday, August 28, 2012

Hindi ka iniwan ng mundo

Hindi lang naman ikaw ang iniwan ng mahal sa mundo. Hindi lang ikaw ang nakakaranas ng lungkot ngayon. Kung tutuusin nga wala pa yan sa dinaranas ng ibang tao eh? May iba nga kan mas matindi pa yung pinagdadaanan. Pero kung makapagdrama ka, para kang nominated sa pagiging best actress ah? Sa tingin mo ba kapag nakita ka nyang ganyan babalikan ka nya? Sa tingin mo ba gusto ka nyang nakikitang nagkakaganyan? Alam mo kung anong nararamdaman nya sayo? Awa. Awa nalang. Naawa sya kasi yung taong minahal nya dati ay ganyan. Gusto mo ba na babalikan ka nya ulit, na kakausapin ka nya ulit, na kakamustahin ka nya ulit eh dahil lang sa naaawa sya sayo? Huwag mong parusahan ang sarili mo. Hindi madali pero maraming paraan. Hindi ka nagiisa. Isang tao lang yung nawala sayo. Hindi ka iniwan ng mundo. Nakaya mo ngang mabuhay nung hindi pa sya dumadating sa buhay mo eh. Ano pa kaya ngayon? Iniisip mo kasi na hindi mo kaya. Kung ganyan ka magisip, ikaw na mismo ang nang da-down sa sarili mo. Subukan mong tignan yung mga tao/bagay na natitira sayo. Matuto kang mag appreciate kung anong meron ka. Lumabas ka ng bahay, pumunta ka ng Manila. O kaya Makati o kahit saan pa yan na maraming tao, mare-realize mo na ang dami palang tao sa mundo. Marami kang pagpipilian, hindi lang sa isa umiikot ang buhay mo. Marami pa dyang iba, marami ka pang makikitang iba.

No comments:

Post a Comment