Tuesday, August 7, 2012

Sorry ha?

Habang tumatagal, lalong nagiging hindi na maganda ang gamit ng internet sa mga tao. Biruin mo, imbis na mamuhay ka ng tahimik at chill lang, iinit ang ulo mo sa mga feeling sikat sa kung ano-anong social networking sites. At imbis na matulog ka na’t magpahinga, mas pipiliin mo pang mag computer nalang. Hindi na internet ang ginagamit natin, ito na mismo ang gumagamit sa’tin. Dati, imbis na makatotohanan ang makuha nating balita, ngayon, lalo pang kumakalat yung mga maling balita. Pero ang maganda lang, kung resourceful kang tao, mabilis mo lang makukumpirma ang ilang bagay. Eh sa ngayon, ang dami kong nakikitang hindi man lang kinukumpirma ang balita, kinakalat na agad. Dahil sa dami ng paraang naiisip nating paggamit sa mga bagay, oras nalang natin mismo ang nagagamit ng mga ‘to. Minsan, kahit wala naman talaga tayong makukuha sa isang bagay, pinagpapatuloy parin natin. Tignan mo ngayon. Hindi namang importanteng mabasa mo to pero binabasa mo. Wala ka namang makukuhang panibagong kaalaman dito pero nagbabasa ka parin. Nagsayang ka lang ng oras mo. Sorry ha?

No comments:

Post a Comment