Tuesday, August 28, 2012
Ħιи∂ι мσ ακσ иαιιитιи∂ιнαи
Bawat pangungusap na isinusulat ko, ay hango sa iba’t ibang paksang tumatakbo sa isipan ko. Naisip ko lang, sa tuwing nagsisiwalat ba ako ng damdamin ko sa pamamagitan ng pagsusulat, may nakakaintindi sa’kin?
Sa tuwing ipinapahayag ko ang opinyon ko, may nakakaintindi ba at sumasangayon? May nagtataas rin ba ng kilay dahil sa palagay nila ay walang katuturan ang mga sinabi ko? Meron nga ba?
Kung wala, ayos lang naman. Pero ang hiling ko lang, sana, kung may hindi man naiintindihan sa mga pinagtatype ko dito, eh wag nang bigyan ng ibang kahulugan. Minsan kasi, sa simpleng di pagkaka-unawa sa mga salitang binibitawan ko, nagiging iba na ang kahulugan.
Paalala, “ Ħʋωαɢ мσиɢ вαвαƨαнιи αиɢ нιи∂ι мσ иαιιитιи∂ιнαи.”
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment