Tuesday, August 28, 2012

KUNG NAKIKITA MONG MASAYA NA SIYA SA IBA,

hayaan mo na. Wala ka nang magagawa pa dun. Dahil kapag pinilit mo pang emekstra sa buhay nila, ikaw ang mapapahiya. Ikaw ang masasaktan. Kaya kahit gaano man ito kasakit para sayo, mas mabuti pang hayaan mo na lang siya sa piling ng iba. Dun siya masaya. At tinatanong mo, “Paano ako? Wala ba akong karapatang sumaya?” Meron kang karapatang sumaya…sa piling nga din ng iba at hindi sakanya. Pero kung pinipilit mo talagang “sakanya lang ako sasaya”, wala akong magagawa don. Kung yun ang pinaniniwalaan mo, edi dun ka. Decision mo yan. Mas hindi ka sasaya dahil pinagpipilitan mo ang sarili mo sa maling bagay. Ngayon pa lang, mag-isip isip ka na. Kung gusto mong sumaya, alam mo na ang dapat mong gawin. Sa lahat ng bagay, kailangang may isakripisyo ka.

No comments:

Post a Comment