Saturday, March 10, 2012
Salawahan.
Pag tungkol dito, sinong unang naiisip? Hindi ba’t kaming mga kalalakihan? Pero hindi ko alam kung tama ba yung natanto ko o sadyang nababaliw na talaga ako.
Bakit parang mas salawahan ang mga kababaihan? Kung tatanungin ako kung bakit, ang isasagot ko lang eh dahil sa madali silang magbago ng isip. Ewan ko. Ang hirap ipaliwanag. Yun bang parang gusto nila yung isang tao, tapos kinabukasan, iba na yung gusto nila dahil may nakita silang mas gwapo. mas matino.
Yun bang kahit commited sila, di nila maiwasang di magka-crush kahit sa mga artista lang o sa mga taong imposible naman talagang maging sila. Kahit ganun lang yun, pagiging salawahan parin yata yun.
Yun bang kakadecide lang nila sa isang bagay tapos babawiin din bigla. Yun bang klase ng pagiisip nila na may options tayo. Yung iisipin nilang hindi masamang magpaligaw sa marami dahil sila naman ang mamimili.
Nasa nature na yata nila yun. Ewan!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment