Para kahit anong gawin mo,
hinding hindi ako maapektuhan.
Kahit anong pagtapon mo,
hinding hindi ako masasaktan.
Kahit pulutin mo,
wala akong pakialam.
Kahit balikan mo,
hindi ko mapapansin.
Kahit ipambato mo,
ako lang ang makakasakit.
Kahit nasa paligid lang ako,
hindi mo ako mahahanap basta-basta.
Kung bato ako at marami akong ka-uri,
mahihirapan kang hanapin ako.
No comments:
Post a Comment