Tuesday, July 24, 2012
Guys, meet my Girlfriend.
“Good morning handsome, buti naman at ang aga mong natulog kagabi. At least, nakapagpahinga ka ng maayos. Sorry kung hindi na ako nagreply. Alam ko kasing pag nagreply pa ako, hahaba pa ang usapan at hindi ka makakatulog kaagad. Ang laki na kaya ng eyebags mo, pasaway ka naman kasi eh. Tulog ka ng maaga mamaya ah. Wag pasaway sa klase. I love you.”
Nakakabanas talaga tong girlfriend ko. Diba? Ang aga-aga, binubuo na agad ang araw ko. Ano pa bang hihilingin ko? Hindi ba? Sayang at hindi ko siya nakakasama sa school. Hay.
“Bu, lunch naman tayo later. Wala ka namang klase mamayang 1pm diba? Miss na kasi kita eh. May surprise nga rin pala ako sayo! Wag kang malelate ha? Last time, isang oras mo akong pinaghintay. Grabe, buti nalang mahal kita. Nako!”
Isa pang gusto ko sa girlfriend ko? Napakahaba ng pasensya. Hindi nagrereklamo agad. Kahit anong maging problema, handa siyang maghintay para lutasin ng tama ang lahat.
Kakauwi ko lang galing school. Ang saya namin ng girlfriend ko sa mall kanina. Ang dami naming pictures sa phone niya. Pareho ba naman kaming vain eh. Pano kasi, everytime na magkasama kami, parang picture perfect ang lahat. Haay, grabe. *u*
Nagbasa ako ng blog niya, nagblog na naman siya tungkol sa’kin. Kahit paulit-ulit niyang ipinapaliwanag gamit ang matatamis na salita kung gano siya kasayang kasama ako, iba-iba ang palaging dating. Para bang bawat araw na nagkakasama kami, lalo niyang nakikilala ang totoong Nikko.
Pinuntahan nya ako sa bahay nung isang araw. Nagulat nalang ako 2 hrs. byahe kaya mula sakanila papunta samin pero ang sabi niya, ginawa niya raw yun dahil namiss niya lang ako. Grabe, ang sweet niya talaga! Ano pa bang mahihiling ko?
Guys meet my girlfriend. Si…. uhm… si… Sino nga ba? Actually, hindi ko pa pala siya nakikilala. Bihasa tayo mag daydream eh. Saklap naman. Tara, pakamatay! Pero sige, maghihintay ako.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment