Monday, July 2, 2012
Maibabalik Pa Ba?
May mga bagay na mahirap daanin sa ngiti,
na para bang ang hirap nilang paniwalain.
Alam niya kayang ang dahila’y siya parin?
O habang buhay nalang tong ililihim?
Ang hirap rin pala magtago,
lalo na’t kung itong mga to,
ang gusto mong ipagsigawan sa lahat.
Ang hirap manahimik,
lalo na kung alam mo ang katotohanan.
Tuluyan ko na bang ibubukas ang puso sa iba?
O maari bang balikan ka pa?
Sapat na ba lahat ng ginawa mo?
Kung yan ang iyong hiling,
kaya ko bang tuparin kahit masakit sa akin?
Lahat ba ng lumipas ay maari pang burahin?
Mabubura pa ba ang mga ala-alang ayaw alalahanin?
O habang buhay na itong magmamantsa?
Maari ka pa bang balikan?
Kung sigaw ng puso’y tama na?
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment