Tuesday, July 10, 2012

TIP: ANG MGA BABAE AY...

1. Moody: Inborn na sa mga babae to. Kung badtrip sila, wag na nating sasabayan. 2. Pag sinabing nagtatampo sila, lambing lang katapat: Yung salitang tampo, way lang nila yun para sabihing lambingin natin sila. Konting I love you lang, okay na. 3. Gusto nila yung palagi silang kino-compliment: Pag may bago sa itsura nila, gusto nilang mapansin. Kasi nakakataas ng self-confidence nila yun. 4. Pag napansin nating naging sersyoso yung mga text nila, may mali: Kapag ganun, may nagawa tayong di nila nagustuhan. Kaya be alert. Kapag sinabe nilang wala, meron talaga. Nahihiya lang sila. Kaya pilitin natin silang sabihin sa atin. At pagtapos nilang masabi, konting lambing lang. Back to normal na ulit. 5. Selosa: Kaya iwasan nating makipag harutan sa ibang girls. Lalo na sa harapan nila. Pero may ibang babae na tahimik lang kung mag-selos. Inoobserabahan lang tayo. Pero kapag napuno, simula na ng away. 6. Ang mga babae, normal lang ang ma-attract sa mga gwapo: Hanggang tingin lang sila. Kasi hindi naman na nila makikita ulit. Ma-attract man sila sa 1M lalaki, ang puso nila ay para lang sa tunay nilang mahal. Ganun din naman tayong mga lalaki. Kapag nakakita ng maganda at sexy. Magaling lang tayong magtago. 7. Ang mga babae, pinagmamalaki nila yung mga mahal nila ng hindi nila nalalaman: Katulad nalang sa mga GM (Group Message), Facebook at TUMBLR o TWITTER. 8. Ayaw nila sa mga manliligaw na nagmamadali: Yung tipo ng mga lalaking laging nagtatanong kung kailan ba nila sila sasagutin. Naiirita sila. Kaya dapat maging matiyaga tayo, kasi dun nila nalalaman kung sino talaga tayo. 9. Kapag malungkot o tahimik sila, gusto nila ng yakap galing sa atin: Kasi iba yung pakiramdam kapag hawak na nila tayo. Gumagaan yung pakiramdam nila. 10. Gustong gusto nila yung mga lalaking malaki ang respeto sa kanila: Yung tipong pag ayaw nilang magpa-kiss, hindi natin gagawin. Instead, lalambingin nalang natin sila sa ibang paraan. Ang pinaka gusto nilang kiss, kiss on the forehead. "It symbolizes, respect." 11. Ang nagpapa-turn on sa kanila ay yung lalaking protective: Yung kapag kasama nila tayo, feeling nila safe na safe sila. Walang mangyayaring masama at hindi sila ilalagay sa panganib. 12. Ayaw nila sa lalaking hanggang text lang: Kung mahal talaga natin sila, patunayan natin sa personal. Wag yung sa text lang tayo magaling. Magpaka-lalaki tayo! 13. Sobra silang natutuwa sa mga lalaking ma-effort: Yung kahit walang special day, ipa-feel natin na special ang araw araw niyo. Kasi sobrang nakakatuwa sila kapag ang lalaki laging nagpuput in ng effort. Feeling nilang babae eh, isa silang prinsesa. 14. Ang pangarap ng mga babae, yung ipapakilala natin sila sa ating mga barkada at lalo na sa ating pamilya: Feeling nila, sila na yung pinaka maswerteng babae sa mundo. Kasi iilan lang ang lalaking naglalakas loob ipakilala sila sa parents at barkada nila. Yung iba kasi nahihiya. At feeling din nila angkin na angkin na nila ang isang lalaki dahil nakilala na nila ang mga taong bumubuo sa buhay nila. 15. Magaling silang mag-pretend: Kapag nasasaktan sila, nagpapaka-manhid sila. Kapag may nakitang di maganda, nagbubulagbulagan sila. Kapag may narinig na mali, nagbibingibingihan sila. Pero kapag mag-isa nalang sila, dun sila naglalabas ng sakit. Dun sila umiiyak. Kaya ang pangarap nilang lalaki ay yung sensitive enough sa mga nararamdaman nila. Yung kayang magtanong hanggang sa umamin sila.

No comments:

Post a Comment