Monday, July 2, 2012

Ningas Kugon

Girls, makinig kayo sa’kin ha. Bakit? Kasi gusto ko at kailangan mong malaman to. LOL. Hindi ba’t nakakakilig pag tuwing umaga, may mag tetext sayo ng ‘good morning, beautiful’ at pag sa gabi nama’y merong mga ‘goodnight’ at ‘sweet dreams?’ Hindi ba’t ang sarap sa pakiramdam pag hindi ka nawawalan ng kausap? Tapos laging may nagpapakilig sa’yo? Sarap sa feeling noh? Oh eto, bihira lang. Pero sinasabi ko sayo, ang haba ng hair mo pag ganito ang nararanasan mo ngayon. Nahihirapan ka na bang pumili? Daming gustong manligaw noh? Tapos yung mga humahanga pa sayo na kung sino-sino, ano? Para bang si Mikay ka lang ng Princess and I. Sarap no? Ingat lang ha, baka mapatid ka ng long hair mo. Pero ooopss, teka muna. Reality check, my dear. Unang una, icheck mo yang sarili mo sa salamin. Alam na agad kung pinagtitripan ka lang ng mga yun ha? De, biro lang. Lol. Pangalawa, este, ito talaga yung una, check mo yung background ng mga yun. Simulan mo sa family bg, sa friends, sa mga naging ex niya at sa kung saan saan pa. Para alam mong kapani-paniwala siya. Okay, ang dami talagang steps nito eh. Pero tinatamad na akong mag type, kaya pasensya ka na. Deretso na tayo sa huling step. Eto na. Lagi mong tatandaan na maraming tao na magaling lang sa umpisa. Baka magulat ka nalang, yung taong hinahabol-habol ka, pag binigyan mo ng pansin, at paglipas ng ilang linggo, ikaw na ang naghahabol. At marami ring taong hindi kayang panindigan lahat ng sinabi nila. Kaya pigilan mo yang pamumula ng pisngi mo paminsan-minsan, malay mo, biro lang yan. Tawa ko lang sayo. Wag mong seryosohin lahat ng taong dumarating sa buhay mo. Malay mo diba, isa ka lang palang testingan o pampalipas oras. Masakit? Sakit noh? Pero yun ang katotohanan. Ito na ang mundong ginagalawan mo ngayon. Makisama ka.

No comments:

Post a Comment