Pagtingin ko sayo
kailan mo mapapansin?
Ano nga bang magbabago,
kung ako ngayo’y umamin?
Bawat sulyap hiling ko’y tumingin ka,
para naman kahit minsan matitigan kita.
Mundo ko’y unti-unti mong binubuo,
gagawin ko lahat mapalapit lang sa sayo.
Di ko mapaliwanag kung anong nararamdaman ko,
Kita mo, nauubusan na nga ako ng liriko.
Nung una iniidolo lang kita,
Ngayon pangarap ko nang mapasaakin ka.
No comments:
Post a Comment