Thursday, February 16, 2012

Nakakatanga lang.

Masasabi mo bang minahal mo talaga ang isang tao kung madali naman siyang palitan? Ako kasi, hindi ako naniniwalang mahal ka talaga ng isang tao kung madali ka lang niyang napalitan. Siguro, hindi masamang mag move on ng mabilis kung ayaw mo naman talagang mag mukhang kaawa-awa. Kung nasaktan ka, tama lang siguro na tigilan mo na ang pantasya mo at agad-agarang hanapin ang taong magpapasaya sayo. Pero kung wala namang mali sa relasyon niyo… at sitwasyon lang ang nakasira, walang dahilan para ipamukha sa maraming tao na pinagsawaan mo na siya at napalitan mo siya agad. Nakakatanga lang. Pag ganun kasi ang sitwasyon, mapapaisip ka nalang kung minahal ka talaga. HINDI BA?

No comments:

Post a Comment