Tuesday, February 7, 2012

Ayan ang masarap na samahan. Sa huli na lang ang malisya.

May punto tayo sa buhay na may tao talagang makakasama natin sa hirap at ginhawa. Mapa kaibigan man yan o taong kasama mo sa relasyon. Meron laging “Special Moment” na sinasabi. Yung nabubuksan mo yung kabilang pahina ng buhay niya dahil sa nagkaroon na siya ng tiwala sayo mamahagi ng problema. Bigla kang magugulat na ganun pala ang kwento ng buhay niya. Mapa personal man o pag-ibig. Hindi na mahalaga sayo kung saan tutungo ang relasyon niyong dalawa. Basta ang mahalaga sayo ngayon kasama mo siya. Nakakabiruan at napapakinggan at nabibigyan ng payo ang iyong problema. Ayan ang masarap na samahan. Sa huli na lang ang malisya.

No comments:

Post a Comment