Tuesday, February 7, 2012
ithinkGodcanexplain. :)
:) Well, madaming Bible verses para tulungan ka pero tandaan mo muna sa puso mo yung Jeremiah 29:11 :) tapos papayuhan kita(pero di ako expert :D) Mag pray ka ng maigi, tanungin mo si God, maging honest ka sa Kanya.. Kung galit ka sa Kanya sabihin mo, gusto ni God madinig sa’yo kung ano ang nasa puso mo kahit alam na Nya yung mga yun. Kung may dinadala ka at nahihirapan ka, kausapin mo si God, manalangin ka, dinadala na ni Jesus yung higit pa sa kalahati ng nararamdaman mo kayanin mo lang yan :) Kung may mga gusto ka, sabihin mo din, ibibigay sayo ni God kung para sa’yo talaga. Maging honest tayo kay God. :)
Tapos sasagutin ka ni God sa pamamagitan ng Bible. Manalangin ka at manghingi ka ng sagot kay God, pagbukas mo ng Bible mo, andun ang sagot.
Mahal ka ni God, maniwala ka. Kung hindi ka Nya mahal, bakit hinayaan Nya pang dalhin ni Jesus lahat ng kasalanan natin di ba? Mahal ka ni Jesus, maniwala ka. Kung hindi ka Nya mahal, may choice Sya nun, pwede Syang maligtas nung papako na Sya, pero pinili Nyang mamatay para sa atin. Magwowork ang lahat dahil gagabayan ka ng Holy Spirit, naniniwala ako. =)
Mahal ka ni God kaya nandyan ka, kaya may pinagdadaanan ka. Kaya may pinagdadaanan ka, para patatagin ka, kasi MAHAL KA NI GOD! :)
Manalig tayo :) Dahil kelan man hindi Nya tayo pinabayaan :) God bless you kapatid! :)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment