Wednesday, December 26, 2012

Careful what you wish for.

Gusto mo yung taong hindi bibitaw kahit anong mangyari? Pero para sabihin ko sa’yo, walang mas hihirap pa sa sitwasyon kung san pagod na pagod ka na at halos wala nang laban pero kailangan mo paring lumaban dahil malakas pa siya. Para kayong players sa Box Head, tapos ikaw, onti na lang, mamamatay na at ang bumubuhay nalang sayo, ang kakampi mo. Dahil siya na ang sumasalo lahat. Naisip mo ba kung gano kahirap na mabuhay dahil lang may bumubuhay sayo? Alam mo ba kung pano mo masusuklian ang mga nagawa ng taong yun sayo? Pano pag siningil ka na niya? At pano kung ang magiging huling option mo ay ang magtiis hanggang sa bumitaw narin siya? Kakayanin mo ba?

No comments:

Post a Comment