Thursday, August 30, 2012

Rebound ko ulo mo eh.

Kung magmomove on ka, magmove on ka ng magisa. Wag ka magpakagagong maghanap ng iba para kalimutan siya. Kung nagkataon mang may mabuting taong nandyan nung nawalan ka, wag mong landiin. Wag mong piliting mahalin kahit na mahal ka na nung tao. Dahil kapag yan, pinatulan mo at out of nowhere, bigla bigla na lang babalik sa eksana tong si ex, shempre babalik lahat ng feelings mo sakanya dahil hindi ka pa completely nakamoveon. Tapos tatalikuran mo yung present mo na parang pinagsawaang laruan. Loko. Kung magmomove on ka, solohin mo yung sakit di yung mananakit ka din ng iba para sumaya ka. Rebound ko ulo mo eh.

Wednesday, August 29, 2012

That’s Love :)

Napakababaw ng kaligayahan ng babae kung tutuusin. Lalo na kapag mang gagaling yung joke eh sa taong gusto nila. Madalas hindi nila mapigilan yung kilig. Yung oras lang na kasama mo siya kinikilig na, paano pa kaya kapag nag effort ka pa magpatawa sa kanya. Kahit baduy o korny ang joke mo hindi ka niya ipapahiya. Tatawa pa rin siya dahil sa kilig na hindi mapigilan o kaya naman sobrang na appreciate niya yung moment niyong dalawa. Kaya sobrang panalo sa babae ang lalakeng may sense of humor. Kaya hindi totoo na sa mukha lang sila tumitingin. Maraming babae pa rin ang praktikal. Hindi na mahalaga ang itsura. Ang mahalaga eh yung lalakeng nakakapagpasaya sa kanilla, yung lalakeng may oras palagi sa kanila. That’s Love :)

Tuesday, August 28, 2012

KUNG NAKIKITA MONG MASAYA NA SIYA SA IBA,

hayaan mo na. Wala ka nang magagawa pa dun. Dahil kapag pinilit mo pang emekstra sa buhay nila, ikaw ang mapapahiya. Ikaw ang masasaktan. Kaya kahit gaano man ito kasakit para sayo, mas mabuti pang hayaan mo na lang siya sa piling ng iba. Dun siya masaya. At tinatanong mo, “Paano ako? Wala ba akong karapatang sumaya?” Meron kang karapatang sumaya…sa piling nga din ng iba at hindi sakanya. Pero kung pinipilit mo talagang “sakanya lang ako sasaya”, wala akong magagawa don. Kung yun ang pinaniniwalaan mo, edi dun ka. Decision mo yan. Mas hindi ka sasaya dahil pinagpipilitan mo ang sarili mo sa maling bagay. Ngayon pa lang, mag-isip isip ka na. Kung gusto mong sumaya, alam mo na ang dapat mong gawin. Sa lahat ng bagay, kailangang may isakripisyo ka.

I DON’T MIND BEING SINGLE,

but I gotta admit, it does get lonely, sometimes. Sure, it’s a lot less to deal with, I can do things without getting in trouble, I’m my own person but I have those moments where I miss being cared about, I miss meaning something to someone, I miss having someone to talk to day & night, I miss having someone making me feel like I’m important, I miss having someone to run to when I’m feeling terrible. It would be nice to matter to someone, again.

MGA SIGNS NA HINDI NA SYA INTERESADO SAYO:

Hindi na sya madalas nagtetext/tumatawag. Maiikli nalang yung reply nya sayo. Ang dami nya nang excuses. Kase ganito, kase ganyan. Wala na syang time sayo. Oh bakit binabasa mo pa to? Hindi pa ba sapat? Move on ka na.

PAG NAGBREAK KAYO…

PAG NAGBREAK KAYO… wag kang maglalasing marami ka ng nasayang na pera para sa kanya wag ka magpakamatay para sa kanya, mabuhay ka para sa taong nakalaan sayo iyakan mo pero saglit lang habulin mo pero kung tumatakbo din sya, tumigil ka na mag move on ka pero wag mo isipin na magmu-move on ka pag nakita mo sya, batiin mo sya at ngumiti pag kasama nya yung bago nya, magtago ka baka mainsecure sayo don’t bring out the worse of you instead be a better person

ANG LOVE.

Hindi yan easy target na madaling lusutan na kahit kayo na ng mahal mo, kayo na forever. Pwede mong maramdaman lahat ng sakit makuha lang ang hinihintay na saya sa pagmamahal. Magiging makasarili ka talaga at magiging tanga pagdating sa 4-letter word na yun. Isipin mo na lang, kung hindi siya nawala malalaman mo ba yung mali mo dati na pinakawalan mo siya para sa ibang tao? Kung hindi mo alam na may problema kayo, malalaman mo ba na dapat parehas kayong nag-effort sa relationship niyo? At kung walang kontrabida, malalaman niyo ba kung hanggang saan niyo kayang ipaglaban ang pagmamahalan niyo? Don’t get stuck in the past. Sabihin na nating masaya ka sa past mo dahil ang easy lang ng relationship niyo. Pero mali yung pananaw mo na yun. BE THANKFUL OF YOUR PRESENT BECAUSE YOUR PRESENT WILL DETERMINE YOUR FUTURE.

Hindi ka iniwan ng mundo

Hindi lang naman ikaw ang iniwan ng mahal sa mundo. Hindi lang ikaw ang nakakaranas ng lungkot ngayon. Kung tutuusin nga wala pa yan sa dinaranas ng ibang tao eh? May iba nga kan mas matindi pa yung pinagdadaanan. Pero kung makapagdrama ka, para kang nominated sa pagiging best actress ah? Sa tingin mo ba kapag nakita ka nyang ganyan babalikan ka nya? Sa tingin mo ba gusto ka nyang nakikitang nagkakaganyan? Alam mo kung anong nararamdaman nya sayo? Awa. Awa nalang. Naawa sya kasi yung taong minahal nya dati ay ganyan. Gusto mo ba na babalikan ka nya ulit, na kakausapin ka nya ulit, na kakamustahin ka nya ulit eh dahil lang sa naaawa sya sayo? Huwag mong parusahan ang sarili mo. Hindi madali pero maraming paraan. Hindi ka nagiisa. Isang tao lang yung nawala sayo. Hindi ka iniwan ng mundo. Nakaya mo ngang mabuhay nung hindi pa sya dumadating sa buhay mo eh. Ano pa kaya ngayon? Iniisip mo kasi na hindi mo kaya. Kung ganyan ka magisip, ikaw na mismo ang nang da-down sa sarili mo. Subukan mong tignan yung mga tao/bagay na natitira sayo. Matuto kang mag appreciate kung anong meron ka. Lumabas ka ng bahay, pumunta ka ng Manila. O kaya Makati o kahit saan pa yan na maraming tao, mare-realize mo na ang dami palang tao sa mundo. Marami kang pagpipilian, hindi lang sa isa umiikot ang buhay mo. Marami pa dyang iba, marami ka pang makikitang iba.
Para sa mga taong takot na magmahal. I won’t blame you for that. You’ve been hurt a lot. You’ve been through all the pain that love can bring. Alam ko ngayon natatakot ka na kasi baka masaktan ka ulit, ma’disregard ka ulit, magkamali ka ulit, maghintay ka ulit pero sana kayanin mo lahat ng yun. Kasi by the time na nagmahal ka na ulit, magagamit mo lahat ng napagdaanan mo para maging strong at worth it yung magiging relationship mo in the future.

TANGA KA.

Tanga ka, kung pinakawalan mo ang lalakeng nag-eeffort para sa’yo. Tanga ka, kung di mo siya hinabol at hinayaan mo siyang tumakbo papalayo. Tanga ka, kung pinaghintay mo siya dahil hindi ka sumunod sa usapan niyo. Tanga ka, kung binabalewala mo lang ang lalakeng inaalagaan ka. Tanga ka, kung hindi mo kinayang tuparin ang mga pangakong binitawan mo sa kanya. Tanga ka, kung ginagawa na niya lahat para sa’yo pero hindi mo siya binibigyan ng pagpapahalaga. TANGA KA, kung nakuha mong bitawan ang lalakeng walang ibang ginawa kung di ang mahalin ka.

‎10 bagay na kailangan malaman ng mga kababaihan towards their boys.

1. Bigyan mo siya ng kalayaan. Dont be too possessive. Sayo na nga siya di ba? Relax ka lang. 2. Magtiwala sa kanya. Kapag nagpaalam siya sayo na may lakad siya or something, payagan mo. At least nga nagpaalam di ba? Alam mong walang nililihim. 3. Wag siyang i-oblige na every 5mins eh magtetext sayo ng ‘iloveyou’ (and vice versa) Hayaan mo lang siya. Mas madalang, mas totoo. 4. Wag siyang hadlangan sa mga computer games na kinaaadikan niya. Instead, aralin mo nalang din yung larong yun, and sabay niyong laruin. Isnt that sweet? 5. Wag pagselosan ang mga kaibigan niyang lalake. Kung ang mga babae nga eh may girl-talk, syempre sila din. 6. Bigyan mo siya ng privacy. Wag mo namang kunin lahat ng mga PWs niya sa lahat ng accts niya di ba? Tsk. 7. Wag masyadong maging ~*ObSsEsS*~ sa kanya. Mas gusto pa din ng mga lalakeng sila ang naghahabol. Yknow. 8. Gusto rin ng mga lalakeng binobola bola sila, paminsan minsan. Haha! 9. Be sensitive enough towards their feelings also. Hindi porque lalake sila eh matigas na talaga sila, akala mo lang hindi sila nasasaktan. Hindi lang talaga sila showy. 10. Sa away, kung mali mo naman, aba matuto kang magsorry. Hindi naman porke siya yung lalake, siya na yung magpefirstmove. NO. Lunukin ang pride at magsorry wholeheartedly.

Ħιи∂ι мσ ακσ иαιιитιи∂ιнαи

Bawat pangungusap na isinusulat ko, ay hango sa iba’t ibang paksang tumatakbo sa isipan ko. Naisip ko lang, sa tuwing nagsisiwalat ba ako ng damdamin ko sa pamamagitan ng pagsusulat, may nakakaintindi sa’kin? Sa tuwing ipinapahayag ko ang opinyon ko, may nakakaintindi ba at sumasangayon? May nagtataas rin ba ng kilay dahil sa palagay nila ay walang katuturan ang mga sinabi ko? Meron nga ba? Kung wala, ayos lang naman. Pero ang hiling ko lang, sana, kung may hindi man naiintindihan sa mga pinagtatype ko dito, eh wag nang bigyan ng ibang kahulugan. Minsan kasi, sa simpleng di pagkaka-unawa sa mga salitang binibitawan ko, nagiging iba na ang kahulugan. Paalala, “ Ħʋωαɢ мσиɢ вαвαƨαнιи αиɢ нιи∂ι мσ иαιιитιи∂ιнαи.”

Sunday, August 26, 2012

Walang taong pangit.

Sabi nga sa bibliya, “God made us according to His image and likeness.” Kaya lahat ng taong makikita natin, may hawig kay Lord. And “God made us wonderfully & knew us before we came into being.” Kaya walang karapatan ni sino man sa atin na pangit sila o pangit ang isang tao. WALA. Yun nga lang, may mas pinagpala.

Saturday, August 25, 2012

Pitong Katotohanan sa Buhay Pagibig

1. Hindi lahat ng gusto mo, gusto ka rin. 2. Hindi ka kayang mahalin ng taong hindi marunong magmahal. 3. Hinding hindi malalaman ni MANHID na matagal mo na siyang mahal lalo na kung hindi ka nagpapahalata. 4. Laging walang napapala si Torpe. 5. Walang taong hindi pa nasubukang umasa. 6. Lagi kang may kaagaw sa mahal mo kahit hindi mo napapansin o nakikita. 7. HINDI TOTOO ANG HAPPY ENDING. HINDI. HINDI. Dagdagan na natin ng pang walo, Hindi lahat ng nagmamahal, nakakatanggap ng pagmamahal na handa nilang ibigay sa taong mahal nila.

Friday, August 24, 2012

Hindi ko alam kung anong mas importante

ANG PANGLABAS NA KATANGIAN O YUNG PANGLOOB? Ano bang mas tinitignan ng iba? Bakit tuwing may nalilink sayo na may mali DAW sa panlabas niya, pilit ipagsisiksikan sa kokote mong ang tanga tanga mo at pinatulan mo yan. Pero ano bang mas mahalaga? Diba yung attitude? Sige nga, paano mo ipagyayabang ang syota mong gwapo nga eh wala namang laman ang utak (PURO HANGIN)? Tapos magtatagal lang kayo ng ilang araw? *insert P.I. here* Pero isa pang tanong na hindi ko alam kung paano sasagutin, paano mo ipagyayabang ang taong tingin palang pinaliliguan na ng husga. Yung para bang kilalang kilala na nila kung makapag salita. Nakakainis isipin na ganoon na ang mga tao ngayon. Karamihan lang naman. Nagpapaka-hitler kasi yung mga kilala ko eh. Ang mga hindi ganun kagwapo, walang karapatang magmahal? At ang mga babaeng pangit, bawal kiligin? *insert P.I. here* Lalo niyong ginugulo ang isipan ko.

Dear fellow students,

Siguro puro na kayo reklamo ngayon dahil sa sangkaterbang quizzes, assignments, research works at requirements nyo pero naisip nyo ba? na sa isang banda, hindi rin resonableng magreklamo kayo kasi first and foremost, para sa sarili MO rin naman ang paghihirap na yan? para sa future MO? Another thing, bukod sa stress stress na yan eh wala ka namang poproblemahing iba kasi parents mo parin ang nagsusuplay sa pangangailangan mo(regardless of self-support students naman)? Ang responsibilidad mo lang naman eh ang mag-aral ng mabuti ang makatapos. Yun lang. Whereas kung graduate ka na, ibang pressure na rin yung mapagdadaanan mo: ang pressure na dapat kumita para masuplyan ang pangangailangan mo at the same time, masuklian ang paghihirap ng parents mo. Counted na din jan ang pagtulong sa mga gastusin sa bahay at pagpapaaral sa mga kapatid mo. yun ang tunay na pressure. yun ang mas matinding responsibilidad. K. nasabi ko lang. Ang tanda ko na talaga shet.

..and that ain't you!

Guys, I dont care how tough do you think you are. Nothing hits harder than life. But it ain’t about how hard you hit. It is about how hard you can get hit and keep moving forward. And don’t keep pointing fingers saying, I’m not where I need to be because of him or her or anybody. Cowards do that and that ain’t you!

Tuesday, August 7, 2012

Bayanihan

So nagiging habit ko na ang gumising ng maaga para lang i-check kung may pasok kinabukasan o wala, lalo tuwing masama ang lagay ng panahon. Una, sa Twitter ako maga-announce tapos ig-GM ko naman sa mga schoolmates ko pati ibang friends. Sa mga interesado na maging updated sa suspension ng classes o iba pang mga balita, totoong malaking tulong ang Twitter. I-follow niyo yung DepEd (@DepEd_PH) at DZMM TeleRadyo (@DZMMTeleRadyo). Lahat tayo, may magagawa.

Sorry ha?

Habang tumatagal, lalong nagiging hindi na maganda ang gamit ng internet sa mga tao. Biruin mo, imbis na mamuhay ka ng tahimik at chill lang, iinit ang ulo mo sa mga feeling sikat sa kung ano-anong social networking sites. At imbis na matulog ka na’t magpahinga, mas pipiliin mo pang mag computer nalang. Hindi na internet ang ginagamit natin, ito na mismo ang gumagamit sa’tin. Dati, imbis na makatotohanan ang makuha nating balita, ngayon, lalo pang kumakalat yung mga maling balita. Pero ang maganda lang, kung resourceful kang tao, mabilis mo lang makukumpirma ang ilang bagay. Eh sa ngayon, ang dami kong nakikitang hindi man lang kinukumpirma ang balita, kinakalat na agad. Dahil sa dami ng paraang naiisip nating paggamit sa mga bagay, oras nalang natin mismo ang nagagamit ng mga ‘to. Minsan, kahit wala naman talaga tayong makukuha sa isang bagay, pinagpapatuloy parin natin. Tignan mo ngayon. Hindi namang importanteng mabasa mo to pero binabasa mo. Wala ka namang makukuhang panibagong kaalaman dito pero nagbabasa ka parin. Nagsayang ka lang ng oras mo. Sorry ha?