Tuesday, July 24, 2012
Low Maintenance GF Vs. High Maintenance GF
Low Maintenance
Kahit saan pwede.
Kahit fishball lang pwede.
Kahit kwekwek lang pagkain pwede.
Gulaman lang pwede.
Kahit walang regalo sa monthsary anniversary pwede. Mahalaga magkasama.
Di sila nagpapabayad. Gusto nila hati kayo sa gastusin lalo na kapag lalabas kayong dalawa. Kapag kakain kayo.
Hindi pihikan. Kung ano ang nandyan go lang ng go.
High Maintenance
Kailangan libre mo lagi. Pati pamasahe, tipong ang gastusin lang niya eh yung bayad sa tubig dahil sa naligo siya. Bayad sa kuryente dahil nagpatuyo ng buhok gamit ang plantsa.
Kailangan naka TRIKE or FX/TAXI kung taga Maynila kayo dahil naiinitan siya. Baka masira beauty niya.
Kailangan may bonding kayo sa starbucks. Tapos take pictures, papakita sa facebook na mayaman kayong couple.
Kapag umiinom ka. Malamang mag-aya sa bar yan. Kasama mga Friends niya.
Kapag monthsary or anniversary. Nag eexpect ng regalo sayo. High Maintenance nga eh. Ibig sabihin lang nun eh talagang magastos.
Guys, meet my Girlfriend.
“Good morning handsome, buti naman at ang aga mong natulog kagabi. At least, nakapagpahinga ka ng maayos. Sorry kung hindi na ako nagreply. Alam ko kasing pag nagreply pa ako, hahaba pa ang usapan at hindi ka makakatulog kaagad. Ang laki na kaya ng eyebags mo, pasaway ka naman kasi eh. Tulog ka ng maaga mamaya ah. Wag pasaway sa klase. I love you.”
Nakakabanas talaga tong girlfriend ko. Diba? Ang aga-aga, binubuo na agad ang araw ko. Ano pa bang hihilingin ko? Hindi ba? Sayang at hindi ko siya nakakasama sa school. Hay.
“Bu, lunch naman tayo later. Wala ka namang klase mamayang 1pm diba? Miss na kasi kita eh. May surprise nga rin pala ako sayo! Wag kang malelate ha? Last time, isang oras mo akong pinaghintay. Grabe, buti nalang mahal kita. Nako!”
Isa pang gusto ko sa girlfriend ko? Napakahaba ng pasensya. Hindi nagrereklamo agad. Kahit anong maging problema, handa siyang maghintay para lutasin ng tama ang lahat.
Kakauwi ko lang galing school. Ang saya namin ng girlfriend ko sa mall kanina. Ang dami naming pictures sa phone niya. Pareho ba naman kaming vain eh. Pano kasi, everytime na magkasama kami, parang picture perfect ang lahat. Haay, grabe. *u*
Nagbasa ako ng blog niya, nagblog na naman siya tungkol sa’kin. Kahit paulit-ulit niyang ipinapaliwanag gamit ang matatamis na salita kung gano siya kasayang kasama ako, iba-iba ang palaging dating. Para bang bawat araw na nagkakasama kami, lalo niyang nakikilala ang totoong Nikko.
Pinuntahan nya ako sa bahay nung isang araw. Nagulat nalang ako 2 hrs. byahe kaya mula sakanila papunta samin pero ang sabi niya, ginawa niya raw yun dahil namiss niya lang ako. Grabe, ang sweet niya talaga! Ano pa bang mahihiling ko?
Guys meet my girlfriend. Si…. uhm… si… Sino nga ba? Actually, hindi ko pa pala siya nakikilala. Bihasa tayo mag daydream eh. Saklap naman. Tara, pakamatay! Pero sige, maghihintay ako.
Tuesday, July 10, 2012
''Ilang mga bagay tungkol sa aming mga lalake''
ooh matapos kong isiwalat ang side nyo mga kababaihan, kami naman. :)
Unang una sa lahat, alam namin na may dalawang klase ng babae sa mundo. A. Yung babaeng matino at dapat naman na talaga na seryosohin yung tipong may finality na. at B. Yung mga babaeng flirt na minsan ay pinapatulan namin pero syempre hindi naman seseryosohin, flirt ka? sige, magflirt-an tayo. Sa huli, nasa sa iyo na yan kung seseryosohin mo. Malas mo kung oo, malulugmok ka sa wala, bandang huli, iiwan ka rin nyan pag nakahanap ng iba. Flirt nga eh, helo?!
Hindi kami tumitingin sa itsura, gusto namin yung ganda ng kalooban - may taste din naman ang ibang mga lalake talaga. Hindi lang katawan, itsura, yaman, porma ang tinitignan. Napaka ganda ng pag-uugali ng isang lalaki na puso at pag-uugali ang tinitignan sa isang babae.
Mabilis kame mahulog at mabilis ding mawala - magugustuhan ka namin sa unang pagkikita, pero napakabilis ding nawawala ito. Kung hindi yun nawala, isa lang ibig sabihin. Tinamaan na ang lalaki. At yun na ang simula ng pagseseryoso.
Flirt din ang mga lalake - same as girls, flirt din ang mga lalaki. Masasabi nating ang mga lalaki ay nakikipagflirt sa mga babae buong araw, pero bago yan matulog sa gabi itetext or tatawagan nyan ang tunay na nagpapatibok ng puso nya. Yung mahal nya at mahalaga sa kanya. Marami lang talagang tukso sa paligid.
Ayaw ng lalake na pinag-uusapan ang mga ex - Ex na nga ex? kelangan pa bang pagusapan pa? Syempre nakakairita yun di ba? So pag tapos na, tapos na sana. Wala ng dame pang usapan pa.
Wag nyo subukang galitin ang mga lalake - kung nagtitrip ka lang wag mo ng subukan. Wag mo subukang galitin kaming mga lalake ng dahil sa trip trip lang. Maniwala ka, hindi mo magugustuhan pag nalaman naming trip lang.
Pag sinabihan kang maganda - kapag sinabihan ka ng isang lalake na maganda ka, isa lang ibig sabihin nun. Gusto ka ng lalaking iyon, pwera na lang kung babaero talaga. Kadalasan naman sa mga ganito ay yung lalaking tahimik. Kapag nagsalita na ang mga yan, sigurado totoo yun.
Kapag umiyak kami totoo yun - makikita mo naman sa mga mata ng isang lalaki kung tunay ang nararamdaman. Kapag umiyak sa harapan mo ang isang lalaki, sigurado totoo yun. Walang lalaking iiyak sa harap ng isang babae kung hindi ito tunay. Ang galing naman nyan umarte?
Ayaw namin sa mas malakas pang sumuntok kesa sa amin - helo? mamaya umbagin pa kami nyan pag may nagawa kaming maliit oh malaking pagkakamali. Syempre, naninigurado lang. Ayaw namin masaktan, mas ayaw naming makita ng mga tropa oh barkada na nabugbog ng girlfriend.
Ayaw namin ng pinapa-asa kami - eto ang isa sa pinaka nakakainis, yung paaasahin nyo kaming mga lalaki. Kung ganyan lang, mabuti pang diretsahin nyo kami. Kung ayaw, ayaw. Kung gusto gusto. Wala ng papetiks petiks pa. Sasayangin nyo lang oras namin. Hindi kami pinalaki para paasahin.
Pag nagsalita kami, pakinggan nyo kami - oo nga’t bibihira nyo lang kaming makitang nagsasalita ng seryoso, pero once na ginawa namin yun, promise, pakinggan nyo kami. Kasi siurado importante ang sinasabi namin. Di man importante sa inyo, samin importante na to.
Ayaw namin ng OA - nakakairita, ayaw na ayaw naming mga lalaki ang mga babaeng Over Acting. Kahit sino naman siguro, kahit hindi lalaki maiirita sa mga ganito.
Pag gusto naming makilala ang mga parents nyo “let us” - pag gusto naming makilala ang mga magulang nyo girls, please let us. Dito nyo makikita kung seryoso na talaga kami. So let them.
Lahat ng lalaking nanliligaw mabait - syempre, wala namang matinong babae ang sasagutin ang isang lalaking masama. Nasa girls na to kung panu nila titignan ang tunay na intensyon ng isang lalaki. Maganda nga sa panlabas, pero pag sinagot mo na, yari kayo. Mga girls, wag padala sa basta mabait lang, suriin at kilalaning mabuti ang bawat lalaki.
TIP: ANG MGA BABAE AY...
1. Moody: Inborn na sa mga babae to. Kung badtrip sila, wag na nating sasabayan.
2. Pag sinabing nagtatampo sila, lambing lang katapat: Yung salitang tampo, way lang nila yun para sabihing lambingin natin sila. Konting I love you lang, okay na.
3. Gusto nila yung palagi silang kino-compliment: Pag may bago sa itsura nila, gusto nilang mapansin. Kasi nakakataas ng self-confidence nila yun.
4. Pag napansin nating naging sersyoso yung mga text nila, may mali: Kapag ganun, may nagawa tayong di nila nagustuhan. Kaya be alert. Kapag sinabe nilang wala, meron talaga. Nahihiya lang sila. Kaya pilitin natin silang sabihin sa atin. At pagtapos nilang masabi, konting lambing lang. Back to normal na ulit.
5. Selosa: Kaya iwasan nating makipag harutan sa ibang girls. Lalo na sa harapan nila. Pero may ibang babae na tahimik lang kung mag-selos. Inoobserabahan lang tayo. Pero kapag napuno, simula na ng away.
6. Ang mga babae, normal lang ang ma-attract sa mga gwapo: Hanggang tingin lang sila. Kasi hindi naman na nila makikita ulit. Ma-attract man sila sa 1M lalaki, ang puso nila ay para lang sa tunay nilang mahal. Ganun din naman tayong mga lalaki. Kapag nakakita ng maganda at sexy. Magaling lang tayong magtago.
7. Ang mga babae, pinagmamalaki nila yung mga mahal nila ng hindi nila nalalaman: Katulad nalang sa mga GM (Group Message), Facebook at TUMBLR o TWITTER.
8. Ayaw nila sa mga manliligaw na nagmamadali: Yung tipo ng mga lalaking laging nagtatanong kung kailan ba nila sila sasagutin. Naiirita sila. Kaya dapat maging matiyaga tayo, kasi dun nila nalalaman kung sino talaga tayo.
9. Kapag malungkot o tahimik sila, gusto nila ng yakap galing sa atin: Kasi iba yung pakiramdam kapag hawak na nila tayo. Gumagaan yung pakiramdam nila.
10. Gustong gusto nila yung mga lalaking malaki ang respeto sa kanila: Yung tipong pag ayaw nilang magpa-kiss, hindi natin gagawin. Instead, lalambingin nalang natin sila sa ibang paraan. Ang pinaka gusto nilang kiss, kiss on the forehead. "It symbolizes, respect."
11. Ang nagpapa-turn on sa kanila ay yung lalaking protective: Yung kapag kasama nila tayo, feeling nila safe na safe sila. Walang mangyayaring masama at hindi sila ilalagay sa panganib.
12. Ayaw nila sa lalaking hanggang text lang: Kung mahal talaga natin sila, patunayan natin sa personal. Wag yung sa text lang tayo magaling. Magpaka-lalaki tayo!
13. Sobra silang natutuwa sa mga lalaking ma-effort: Yung kahit walang special day, ipa-feel natin na special ang araw araw niyo. Kasi sobrang nakakatuwa sila kapag ang lalaki laging nagpuput in ng effort. Feeling nilang babae eh, isa silang prinsesa.
14. Ang pangarap ng mga babae, yung ipapakilala natin sila sa ating mga barkada at lalo na sa ating pamilya: Feeling nila, sila na yung pinaka maswerteng babae sa mundo. Kasi iilan lang ang lalaking naglalakas loob ipakilala sila sa parents at barkada nila. Yung iba kasi nahihiya. At feeling din nila angkin na angkin na nila ang isang lalaki dahil nakilala na nila ang mga taong bumubuo sa buhay nila.
15. Magaling silang mag-pretend: Kapag nasasaktan sila, nagpapaka-manhid sila. Kapag may nakitang di maganda, nagbubulagbulagan sila. Kapag may narinig na mali, nagbibingibingihan sila. Pero kapag mag-isa nalang sila, dun sila naglalabas ng sakit. Dun sila umiiyak. Kaya ang pangarap nilang lalaki ay yung sensitive enough sa mga nararamdaman nila. Yung kayang magtanong hanggang sa umamin sila.
Monday, July 2, 2012
Ningas Kugon
Girls, makinig kayo sa’kin ha. Bakit? Kasi gusto ko at kailangan mong malaman to. LOL.
Hindi ba’t nakakakilig pag tuwing umaga, may mag tetext sayo ng ‘good morning, beautiful’ at pag sa gabi nama’y merong mga ‘goodnight’ at ‘sweet dreams?’ Hindi ba’t ang sarap sa pakiramdam pag hindi ka nawawalan ng kausap? Tapos laging may nagpapakilig sa’yo? Sarap sa feeling noh?
Oh eto, bihira lang. Pero sinasabi ko sayo, ang haba ng hair mo pag ganito ang nararanasan mo ngayon. Nahihirapan ka na bang pumili? Daming gustong manligaw noh? Tapos yung mga humahanga pa sayo na kung sino-sino, ano? Para bang si Mikay ka lang ng Princess and I. Sarap no? Ingat lang ha, baka mapatid ka ng long hair mo.
Pero ooopss, teka muna. Reality check, my dear. Unang una, icheck mo yang sarili mo sa salamin. Alam na agad kung pinagtitripan ka lang ng mga yun ha? De, biro lang. Lol. Pangalawa, este, ito talaga yung una, check mo yung background ng mga yun. Simulan mo sa family bg, sa friends, sa mga naging ex niya at sa kung saan saan pa. Para alam mong kapani-paniwala siya.
Okay, ang dami talagang steps nito eh. Pero tinatamad na akong mag type, kaya pasensya ka na. Deretso na tayo sa huling step. Eto na. Lagi mong tatandaan na maraming tao na magaling lang sa umpisa. Baka magulat ka nalang, yung taong hinahabol-habol ka, pag binigyan mo ng pansin, at paglipas ng ilang linggo, ikaw na ang naghahabol.
At marami ring taong hindi kayang panindigan lahat ng sinabi nila. Kaya pigilan mo yang pamumula ng pisngi mo paminsan-minsan, malay mo, biro lang yan. Tawa ko lang sayo. Wag mong seryosohin lahat ng taong dumarating sa buhay mo. Malay mo diba, isa ka lang palang testingan o pampalipas oras. Masakit? Sakit noh? Pero yun ang katotohanan. Ito na ang mundong ginagalawan mo ngayon. Makisama ka.
Maibabalik Pa Ba?
May mga bagay na mahirap daanin sa ngiti,
na para bang ang hirap nilang paniwalain.
Alam niya kayang ang dahila’y siya parin?
O habang buhay nalang tong ililihim?
Ang hirap rin pala magtago,
lalo na’t kung itong mga to,
ang gusto mong ipagsigawan sa lahat.
Ang hirap manahimik,
lalo na kung alam mo ang katotohanan.
Tuluyan ko na bang ibubukas ang puso sa iba?
O maari bang balikan ka pa?
Sapat na ba lahat ng ginawa mo?
Kung yan ang iyong hiling,
kaya ko bang tuparin kahit masakit sa akin?
Lahat ba ng lumipas ay maari pang burahin?
Mabubura pa ba ang mga ala-alang ayaw alalahanin?
O habang buhay na itong magmamantsa?
Maari ka pa bang balikan?
Kung sigaw ng puso’y tama na?
Sana naging bato nalang ako…
Para kahit anong gawin mo,
hinding hindi ako maapektuhan.
Kahit anong pagtapon mo,
hinding hindi ako masasaktan.
Kahit pulutin mo,
wala akong pakialam.
Kahit balikan mo,
hindi ko mapapansin.
Kahit ipambato mo,
ako lang ang makakasakit.
Kahit nasa paligid lang ako,
hindi mo ako mahahanap basta-basta.
Kung bato ako at marami akong ka-uri,
mahihirapan kang hanapin ako.
Subscribe to:
Posts (Atom)