Monday, May 21, 2012
Girls...
Basahin niyo to. Wala lang, kasi gusto ko eh.
Gusto ko lang ipaalam na, ang ganda mo. At oo, nambobola ako. Kasi malay ko naman diba kung sino yung nagbabasa nito ngayon diba? Malay ko ba kung may hawig ka rin kay wako wako o kung hawig mo si Anne Curtis. Pero bola man to o hindi, ang alam ko, maganda ka.
In fact, masyado kang maganda para sa lalaking palaging nagbibigay ng motibo sayo na gusto ka rin niya, pero sa huli, ikaw lang pala yung nahulog sa kanya. Maganda ka masyado para ikaw yung unang mag pm sa kanya sa Facebook. Masyado kang maganda para basahin mo ng basahin yung tweets niya kahit iniisnab ka naman niya. Masyado kang maganda para sa kanya.
Alam mo, ewan ko nga kung bakit ko to tinatype ngayon. Malay ko ba kung anong pinagdaraanan mo ngayon para masapul ka ng binabasa mo ngayon. Pero ito lang yung sigurado ako, kahit ikaw lang yung naniniwala *isama na natin ang mga nagmamahal sayo*, maganda ka talaga. Isigaw mo, “MAGANDA AKO!”
Pero wag na wag lalaki yung ulo mo. Lalo na kung totoong maganda ka. Kasi, baka tangayin ka ng sarili mong kahanginan. Yung ganda mo… magrarank down. :)
Lady Gaga Issue?
Nakita ko kasi to sa Twitter. Sinabi raw ‘to ni Lady Gaga bago niya kantahin yung kantang Judas na ipinagbawal sa kanya na kantahin, “I’m not a creature of your government, Manila.”
Napakaselan ng isyu na to pero, sige papatulan ko nalang. Isa akong Kristiyano at anak ng Diyos na naniniwala sa pagkamatay Niya sa krus ng kalbaryo para sa atin. At bilang isang taong may sariling opinyon, siguro naman may karapatan akong magsiwalat ng nararamdaman ko ukol sa isyung to.
Ang punto ko lang naman, sa dinami-rami ng isyu sa Pilipinas, bakit yung concert ni Lady Gaga ang pinatulan? Hindi ako fan ni Lady Gaga. At naniniwala ako sa Diyos. Alam kong maraming aligasyon tungkol sa relihiyon ni Lady Gaga pero… yun bang palakihin pa yung issue, ewan ko na lang.
E bakit walang nag rally na tigilan na ni Pnoy ang mga lovelife issues niya? O bakit? Ay teka, paki nga ba natin dun. E sa nagmamahal na bilihin? Mataas na tuition fee? Alam kong lahat ng nag rarally ngayon, may karapatan. Lahat tayo may karapatan, kaya nagkakatalo-talo. It’s a free country, ika nga. Pero sa sobrang libreng libre ng magsiwalat ng opinyon, ang dami naring nagpapaniwala. Tulad mo. Oo, ikaw. Maaaring naniniwala ka ngayon sakin o kaya naman umiikot na yang mata mo sa kakairap.
Basta ang punto ko lang, hindi na dapat masyadong pinapalaki ang isyung to. Nasa tao na kung may paniniwala sila sa Diyos o kung magpapa-impluwensya sila sa ‘mala-demonyong’ musika.
K, salamat. :))
Paano mo ba mapapasaya ang isang tao?
Paano mo ba mapapasaya ang isang tao? Paano mo siya mapapatahan, paano mo siya matutulungan at paano mo mababawasan ang problema at sama ng loob niya?
Hindi sapat ang tanungin siya kung ano ang problema at kung ano ang iniiyak niya. May ibang tao na mas lalo pa nilang naiisip yung hinanakit nila kung ipapakwento mo pa sa kanila. Anong mangyayari kung nalaman mo kung ano problema niya? Sigurado ka bang may magagawa ka? Kung mag-aadvice ka man, sigurado ka bang makabubuti ito sa kanya at susundin nga ba niya?
Minsan, hindi natin kailangan magpaka-Bob Ong sa pagbibigay ng advice, hindi rin natin kailangan ang magdrama at sabayan siya umiyak, yung gumawa ka lang ng paraan para mapatawa siya, e okay na okay na.
“Laughter is the best medicine” ika nga. Mahirap patawanin ang taong sobrang sama ng loob, yung sobrang iyak na iyak, pero kapag nagawa mo siyang pasayahin at pag narinig mo ang tawa niya, parang ikaw nabunutan na din ng tinik.
Kantahan mo siya. Malakas ding makapagpabawas ng sama ng loob ang musika, pwera nga lang sa mga boses ng iba na nakakadagdag pa ng problema. Be crazy. Make some funny faces. Crack corny jokes. Libangin mo siya, misyon mo ang patawanin siya, yung tipong hahawak na siya sa panga niya, tulungan mo siya na kahit saglit makalimutan niya ang problema niya. :)
Wednesday, May 16, 2012
Naniniwala ako..
Naniniwala ako sa love. Naniniwala ako na someday may happy ending ang lahat ng love story ng bawat tao sa mundo. Na wala ng iiyak. Walang malulungkot. Wala ng mag-iisa at wala ng masasaktan. Pero sabi nga nila, walang perpektong love story. Yung mahal mo na kaso may iba na. Sa lalake, yung handa mo ng ligawan kaso kaibigan ka lang pala sakanya. Sa babae, yung handa mo ng sagutin siya pero napagod na siyang kakahintay. Yung sa sobrang dami mong iniintindi sa buhay nakalimutan mo ng may taong naghihintay sayo. Yung laging nagmamahal, laging umaasang mapansin mo. Yung hinihiling na sana makasama ka bawat oras. Sino kaya ito sa buhay mo? Pag-isipan. :)
Bakit ganoon?
Bakit kailangang tanungin ng mga reporter si Manny Pacquiao ng kaniyang opinyon sa halos lahat ng isyu? Ano ba siya? Pambansang Mascot?
Bakit walang nagtatanong ng opniyon nina Nonito Donaire? Boom Boom Bautista? AJ Banal? Brian Viloria? Bakit kailangan si Manny lagi? BAKIT?
Bakit kapag salungat sa paniniwala natin ang opinyon ng isang tao, kulang na lang ay patayin natin siya sa social media?
Bakit ka pa nagtanong ng opinyon? Huwag na lang kaya?
Bakit kailangang laging nasa news ang bawat salita ni Manny Pacquiao?
Bakit yung ibang Pilipino, walang boses sa lipunan?
Bakit ang dami kong tanong? :|
Monday, May 14, 2012
Tagay pa!
“Dito ko lang naman makakalimutan lahat eh. Dito lang sa paglalasing.” - sabi ng lasinggerang broken hearted.
Weh?! Totoo nga bang nakakalimot ka? Maniwala? Eh hindi ba, bawat tungga mo sa boteng yan, bawat pait ng alak na nilalasam mo, naalala mo rin yung mapapait na alaalang pilit mong kalimutan? Tapos ano? Pag lasing ka na, iiyak iyak ka na parang eng-eng sa isang sulok. Minsan, magwawala ka pa. Sinong niloloko mo? Hindi yung mga hinanakit at nanakit sa’yo ang nakakalimutan mo…. kundi ang sarili mo.
Isa na namang kaibigan ang nagtanong sakin kung pano mag move on. At dahil nainis ako, sinagot ko siya ng, “Maging busy ka!” Tinawanan niya ako, at sumagot siya ng “Eto na eh, busy na kaya ako. Kung ano ano na ngang nagagawa ko para makalimot.” Nginitian ko siya, “Maging busy ka sa pag-aayos ng buhay mo ngayon, hindi ko sinabing maging busy ka sa pangangawa na bumalik ang nakaraan.”
Umiyak siya ng umiyak. Hindi ko alam kung pano ako makakatulong, kaya yun nalang ang sinabi ko. Lahat ng alam kong pwede niyang gawin, sinabi ko. “Ang sakit. Ang sakit sakit talaga ng mga sinasabi mo” reklamo niya. Yumuko ako, at sinagot ko siya ng “Malamang nasasaktan ka, buhay ka pa eh. Minsan, kailangan mong masaktan para maalala mong buhay ka pa.”
Sunday, May 13, 2012
Trust?
Sa isang relationship, diba ito yung pinakamahalaga? Pano nga ba kayo tatagal kung wala naman kayong tiwala sa isa’t isa hindi ba? Pero… mali rin pala kung nasobrahan yung tiwala niyo sa isa’t isa. Kasi madalas, nate-take for granted nalang ninyo yung tiwala niyo sa isa’t isa.
Bakit nga ba hindi mo siya hinihigpitan? Kasi diba, may tiwala ka sa kanya? Ang tanong, may tiwala ka ba sa kinaseselosan mo na nakakasama niya? Sagot!
Yung masaklap pala eh yung sa sobran luwag sa’yo ng isang tao, akala mo binabalewala ka nalang. Yun pala, napakalaki lang talaga ng tiwala sa’yo.
In short, mahirap yung wala kayong tiwala sa isa’t isa. Pero mahirap rin na sobrang nagtitiwala na kayo sa isa’t isa, dahil madalas, bukod sa matetake for granted ang isa sainyo, yung isa naman, iisipin na binabalewala lang siya.
San nga ba dapat lumugar? Balanse lang dapat.
Sunday, May 6, 2012
NAGING KAIBIGAN NAMAN KITA, HINDI BA?
Bakit kaya may mga taong naging malapit sa atin noon, pero paglipas ng panahon, halos parang hindi na magkakilala kung magtratuhan. Marami akong mga naging kaibigang onti-onting nawalay. Yun bang pati yung mga interes namin e hindi na nagtugma.
Siguro, mahina talaga ako sa pakikipagkaibigan. Nadadala rin kasi ako sa iba kong kaibigan na sasabihing wag nalang samahan si ganito-ganyan dahil hindi raw totoong kaibigan. Pinagsisisihan kong hinusgahan ko ang iba kong mga kaibigan dahil sa sabi-sabi. Pero bumawi naman ako eh. Ang malungkot, hindi na talaga naibalik yung dating samahan.
Sana, kung maari, gusto kong bawiin lahat ng mga mali kong pakikitungo. Dulot lang siguro yun ng murang pagiisip, pero tamang dahilan na nga ba yun para mabawi ang lahat?
Pero ang pinaka-malungkot talaga, yung mga kaibigang malapit sa puso ko noon, naging madalas kong nakakaaway o madalas kaming nagkakaron ng hindi pagkakaintindihan. Wala lang. Siguro nga, hindi talaga kami bagay na maging magkaibigan. Siguro, ganun na nga. :)
“Open ka ba sa ideang anytime, pwede kayong mag break?”
Parang gusto kong itanong yun sa lahat ng kilala kong couples. Eh medyo curious kasi ako, lalo na dun sa couples na sobrang attached sa isa’t isa. Parang pano na, kung tapos na? Ano ng mangyayari? Yung mga taong gigising para sa isang tao… pano pag wala na yung taong yun? Gigising parin ba sila? Wala lang, naisip ko lang talaga.
Sa lahat naman kasi ng relationship na papasukan mo, dapat sigurado kang mawala man yung isang tao sayo, kaya mo pang mabuhay.
Basta ang alam ko, bago ka pumasok sa isang relationship, marunong ka maging masaya kahit wala yung partner mo. Hindi ba, ika nila, di ka magiging masaya kasama ang isang tao kung hindi mo kayang maging masaya para sa sarili mo. :)
Wednesday, May 2, 2012
Wag kang magtataka
Wag kang magtataka kung iwanan ka ng taong matagal mong binalewala. Magpasalamat ka pa nga dapat dahil ang tagal niyang nagtiis. Wag kang magtatanim ng galit sa isang taong ginawa ang lahat, maintindihan ka lang. Wag mong isiping hindi niya sinubukang ayusin ang lahat. Wag mong iasa ang lahat ng bagay sa isang tao, hindi niya naman kaya kung siya lang ang gagawa ng mga paraan para maayos ang lahat.
Wag kang magtataka kung iwanan ka ng taong matagal mong binalewala, dahil hindi naman yang mangiiwan kung wala kang ginawang mali. :)
Subscribe to:
Posts (Atom)