Saturday, July 16, 2011

Role model.

Tatawanan ko nalang ang kung sino mang magsasabing, “Kung gusto mong maging tama ang mga bagay sa paligid mo, ipakita mong ikaw mismo e kayang gumawa ng tama.”

Sa panahon ngayon, subukan mong gumawa ng tama, maaring bigyang pansin yun ng ibang tao, pero saglit lang. Pero madalas, dedma nalang. E hindi ba ang punto nga ng mga katagang yun e pag gumawa ang isang tao ng tama, dapat gayahin. Subalit, Sapagkat, Datapwa’t ang nangyayari ngayon e kapag may gumagawa ng mali, dun sila nag gagayahan. Diyan na papasok ang mga paborito nating katagang… “E bakit siya? Ginagawa niya rin naman e!” Panalo!

No comments:

Post a Comment