Walang aangal. Pero napapansin ko lang, mas malaki ang posibilidad na mas tumatag ang dating relasyon na nagkaroon na ng matinding pundasyon. Kasi mas madali yung alam mo na kung anong mga dapat mong gawin na magugustuhan ng kapareha mo o kaya naman yung mga bagay na hindi mo dapat gawin dahil ikagagalit niya.
Hindi rin madali. Unang una, magiging awkward halos lahat ng pagkikita niyo. E biruin niyo ba namang hindi kayo nagpansinan ng pagkatagal-tagal, sabay ganun ulit? Napaka-hirap mag adjust. Napakahirap ipanumbalik ang dating nararamdaman.
Pero teka nga, bago problemahin ang panibagong pagsasama, maghanap muna ng rason para magbigay ng panibagong pagkakataon.
No comments:
Post a Comment