Hindi to totoo. Walang totoo. Isa lang tong panaginip na matagal tagal ko ng inaasam. At kaya ako hindi magising gising ay dahil eto na mismo ang gusto ko. Kung ipagsisigawan ng mga taong may pakialam sa akin na gumising na ako at bumalik sa realidad, hindi ko magawa. Eto na yung gusto ko. Eto na mismo. Ayoko ng magising pa sa panaginip na to.
Matagal tagal ko naring nakasanayang tumulala at mangarap. Pero eto na nga. Nasa harap ko na mismo. Bakit ko pa gigisingin ang sarili ko?
Ayokong maniwala. Hindi to totoo. Umaasa ako. Pero kailangan kong tumigil.
No comments:
Post a Comment