Saturday, July 2, 2011

Pag malamig, hinahanap-hanap ang pagibig.

Hindi ko parin mawari kung saan nanggaling ang katagang yan. Bigla nalang pumasok sa isipan ko. Natatawa ako sa sarili ko nung sinabi ko sa kaibigan kong “Buti pa ang may lovelife, medyo mainit-init ang buhay nila ngayon.” At nung tinanong niya kung bakit, sinabi kong, “Ikaw ba naman ang palaging bigyan ng sakit sa ulo ng girlfriend mo e, iinit talaga ang ulo mo!” *Kung pakiramdam niyong nagbibiro ako niyan, nagkakamali kayo. Seryosong seryoso ako nung sinabi ko yan, LOL*
Tapos tinanong ko ang sarili ko, “Pag malamig…. bakit kailangan ng init?” Ang sagot lang naman siguro e nasa tanong na mismo. Kasi nga, malamig. Pero iba ang ibig kong sabihin. Pag malamig… kailangan ng yakap… at kung ano ano pa. Hindi ba? Pero hindi rin yun ang ibig kong sabihin. Naranasan niyo na bang makadama ng kakaibang lamig? Yung lamig mismo sa loob ng katawan mo. Yung lamig na pinupunan ng naiwang hukag. Yung lamig na nadarama pag kahungkagan lang ang nararamdaman mo. Walang init sa buhay mo. Walang thrill. Walang adventure. Walang love *Hindi yung mismong lovelife*. Walang bago. Walang mga ngiti. Walang tinatawanan. Walang nagpapasaya. Yan ang kahungkangan…. Isang malamig na pakiramdam na maaalis lang kapag napunan ng pagmamahal (sa Diyos, sarili at kapwa).

No comments:

Post a Comment