..hindi lang ikaw ang pwedeng maging masaya.
Hindi patas kung hindi natin hahayaan na maging masaya ang taong iniwan natin. Lalo na kung alam mo mismo na ikaw ang kasiyahan niya. Tigilan mo na… Tama na. Hindi porke’t alam mong may onti pa siyang pagmamahal sayo, pipilitin mong bumalik yung dati niyang nararamdaman sayo. Tapos ano? Hindi mo na pala siya gusto at wala na siyang pag asa. Pero gusto mo ikaw parin ang mahal niya.
Aminin man natin o hindi, isa sa atin, ganun ang pag uugali. Totoo nga namang hindi madaling makasanayan yung bagong pakikitungo ng tao sa nakaraan natin. Pero kailangan nating tanggapin na kailangan niya ng humakbang nang umusad ang buhay niya. Dahil alam na natin na nauna na tayo sakanila. Hayaan niyo namang sila naman…
No comments:
Post a Comment