Sunday, July 31, 2011

“BS Accountancy yang mga yan eh” -Prof

Ewan q pero yan ang bukambibig ng mga prof ko. Di q alam pero ganon nlng kataas ung tingin nila pag SAM student ka. (School of Accountancy and Management) I mean, parang pag Accountancy, belong ka sa klase na tahimik. Palakinig.

***************************

Pero sa opinyon q, patas lng lahat ng courses. Above samen ang nursing, med tech, pharma, MM arts etc. Kasi hindi nain taglay yung mga kakayanan nila sa ganong field. Oo, talagang mahigpit ang regulations sa Accountancy. bago mo malagpasan ang limang taon na yon, paniguradong dadaan ka sa pagkaliliit-liitang butas. Mararamdaman mo ang halos lahat ng frustrations. Pagiging disiplinado ang isa sa numero unong susi. Na dapat din taglayin ng lahat ng estudyante., Diba?? Diba?? :DD

Sunday, July 24, 2011

But you do.

In your life, you meet people. Some you never think about again. Some, you wonder what have happened to them. There are some that you wonder if they ever think about you. And then, there are some you wish you never had to think about again. But you do.

Monday, July 18, 2011

..too bad for her tskk!

..i met this girl, a friend of mine, weeks ago..&& she is awesome! ..definitely u'll love her too.. no dull moments when she's with you,promise! ..but one rainy evening, inside our classroom, saw her in the corner, crying in pain, consuming herself to bleed..can't stand it so i sat beside her, talked to her and she told everything to me.. it was all about her boyfriend! ..and as i know this girl even more, i realized her dude just caused her way too much pain! ..seems like her boyfriend is starting to fell out of love with her when she's loving him even more.. too bad for her tskk! ..if i've given a chance to face her mean boyfriend, i'd say, "Dude, you already got her. She's yours, so step up, man up and treat her right or she won't be yours for long.."

That's me.

You know what sucks? I'm the type of person where, if at one point in my life, I cared about you, I always will. No matter how much shit you put me through or how much I hate you, I'll always care about you. Sometimes I wish I wasn't so nice and could actually not care for once.

Saturday, July 16, 2011

Pakawalan mo na…

..hindi lang ikaw ang pwedeng maging masaya.

Hindi patas kung hindi natin hahayaan na maging masaya ang taong iniwan natin. Lalo na kung alam mo mismo na ikaw ang kasiyahan niya. Tigilan mo na… Tama na. Hindi porke’t alam mong may onti pa siyang pagmamahal sayo, pipilitin mong bumalik yung dati niyang nararamdaman sayo. Tapos ano? Hindi mo na pala siya gusto at wala na siyang pag asa. Pero gusto mo ikaw parin ang mahal niya.

Aminin man natin o hindi, isa sa atin, ganun ang pag uugali. Totoo nga namang hindi madaling makasanayan yung bagong pakikitungo ng tao sa nakaraan natin. Pero kailangan nating tanggapin na kailangan niya ng humakbang nang umusad ang buhay niya. Dahil alam na natin na nauna na tayo sakanila. Hayaan niyo namang sila naman…

Role model.

Tatawanan ko nalang ang kung sino mang magsasabing, “Kung gusto mong maging tama ang mga bagay sa paligid mo, ipakita mong ikaw mismo e kayang gumawa ng tama.”

Sa panahon ngayon, subukan mong gumawa ng tama, maaring bigyang pansin yun ng ibang tao, pero saglit lang. Pero madalas, dedma nalang. E hindi ba ang punto nga ng mga katagang yun e pag gumawa ang isang tao ng tama, dapat gayahin. Subalit, Sapagkat, Datapwa’t ang nangyayari ngayon e kapag may gumagawa ng mali, dun sila nag gagayahan. Diyan na papasok ang mga paborito nating katagang… “E bakit siya? Ginagawa niya rin naman e!” Panalo!

Uso magparamdam.

Binibilang ko ang mga araw na wala akong naririnig ukol sayo. Walang text, walang kwento… walang kahit ano. Sa kakabilang ng mga araw, nagsawa na akong magbilang pa. Ano nga ba tong ginagawa ko? Eto nanaman ako.

Tapos… biglang nag ring yung alarm ko. Tapos.

Ay, wala nga pala akong lovelife kaya wala akong ganung problema. MAIS.

Monday, July 11, 2011

Share..

Ang ganda lang ng Transformers 3. Kahit may pasok na mamaya, isiningit namin ang Family time kanina && namangha ako sa graphics ng movie. Ang cool. Pinoy kya kelan mkakagawa ng ganun?? :p

Meron pa palang nagpasaya sakin sa araw na to…. Nakabili na ako ng librong The Perks of Being a Wallflower. Ang totoo niyan, kung saan saang mall na ako nakarating noon, pero laging out of stock. Lols.

Imma prepare.. 6pm pa class pero I have to be there in school @ 4pm to see a friend. :))

Have blessed day people!

Saturday, July 9, 2011

Inspirasyon.

Yung simpleng ngiti mo na nagpapangiti sa’kin.
Yung mga salita mong minsan, walang sense pero nakakakilig.
Yung pilya mong kilos.
Yung mga jokes mo.
Yung simpleng pakikipagusap mo lang sa akin.
Yung mga pangungulit mo.
Yung mga tingin mo.
Yung mga simpleng kilos mo lang…. nabubuo na ang araw ko.
Ayos na may hinahangaan. Kesa manghimasok naman sa isang relasyon na walang patutunguhan.

Pangarap ka lang.

Hindi to totoo. Walang totoo. Isa lang tong panaginip na matagal tagal ko ng inaasam. At kaya ako hindi magising gising ay dahil eto na mismo ang gusto ko. Kung ipagsisigawan ng mga taong may pakialam sa akin na gumising na ako at bumalik sa realidad, hindi ko magawa. Eto na yung gusto ko. Eto na mismo. Ayoko ng magising pa sa panaginip na to.
Matagal tagal ko naring nakasanayang tumulala at mangarap. Pero eto na nga. Nasa harap ko na mismo. Bakit ko pa gigisingin ang sarili ko?
Ayokong maniwala. Hindi to totoo. Umaasa ako. Pero kailangan kong tumigil.

Saturday, July 2, 2011

Touch-move.

Malamang sa alamang, para isang tao, normal na ang katagang yan. Lalo na sa mahilig maglaro ng chess, at kung ano ano pang board games. Pero kung iaapply natin ang katagang yan sa totoong buhay… medyo lalalim tayo kahit papano.
Tulad sa pakikipaglaro, pag nahawakan mo na daw ang pato, di na pwedeng palitan. Yun na mismo ang dapat mong gamitin at igalaw. Kumbaga sa mga kasabihan, kapag hinawakan mo na, hindi mo basta basta tong pwedeng bitawan.
Halimbawa, kapagmay-pinanghahawakan ka, panindigan mo ‘to at wag mo ng bitawan. Dahil bawat pag bitaw mo, hindi lang ikaw ang natatalo, pati ang mga tao sa paligid mo.

Pag malamig, hinahanap-hanap ang pagibig.

Hindi ko parin mawari kung saan nanggaling ang katagang yan. Bigla nalang pumasok sa isipan ko. Natatawa ako sa sarili ko nung sinabi ko sa kaibigan kong “Buti pa ang may lovelife, medyo mainit-init ang buhay nila ngayon.” At nung tinanong niya kung bakit, sinabi kong, “Ikaw ba naman ang palaging bigyan ng sakit sa ulo ng girlfriend mo e, iinit talaga ang ulo mo!” *Kung pakiramdam niyong nagbibiro ako niyan, nagkakamali kayo. Seryosong seryoso ako nung sinabi ko yan, LOL*
Tapos tinanong ko ang sarili ko, “Pag malamig…. bakit kailangan ng init?” Ang sagot lang naman siguro e nasa tanong na mismo. Kasi nga, malamig. Pero iba ang ibig kong sabihin. Pag malamig… kailangan ng yakap… at kung ano ano pa. Hindi ba? Pero hindi rin yun ang ibig kong sabihin. Naranasan niyo na bang makadama ng kakaibang lamig? Yung lamig mismo sa loob ng katawan mo. Yung lamig na pinupunan ng naiwang hukag. Yung lamig na nadarama pag kahungkagan lang ang nararamdaman mo. Walang init sa buhay mo. Walang thrill. Walang adventure. Walang love *Hindi yung mismong lovelife*. Walang bago. Walang mga ngiti. Walang tinatawanan. Walang nagpapasaya. Yan ang kahungkangan…. Isang malamig na pakiramdam na maaalis lang kapag napunan ng pagmamahal (sa Diyos, sarili at kapwa).

Linggo na!

Sa wakas! Nasa bahay na ako. Ang masama nga lang e hindi ako nagising ng maaga para makapag-simba. Siguro sabay nalang kami ni Kim mamaya 2nd service. Nagbabalak rin akong maghanap ng mga bagong Manga para babasahin para naman marefresh ang utak ko. Halos ang dull ng buhay ko e. Anong magagawa ko? Kailangan kong pakainin ang blangko at gutom kong isipan. (at puso. lol)

B-A-L-I-W

Yung pakiramdam nung natanto mong ang dami mong gagawin pero wala ka pang nauumpisahan. At sa sobrang dami ng kailangan mong gawin, hindi mo na alam kung ano ano ang mga ito.
Spell B-A-L-I-W? Lol.

Love is sweeter the second time around.

Walang aangal. Pero napapansin ko lang, mas malaki ang posibilidad na mas tumatag ang dating relasyon na nagkaroon na ng matinding pundasyon. Kasi mas madali yung alam mo na kung anong mga dapat mong gawin na magugustuhan ng kapareha mo o kaya naman yung mga bagay na hindi mo dapat gawin dahil ikagagalit niya.

Hindi rin madali. Unang una, magiging awkward halos lahat ng pagkikita niyo. E biruin niyo ba namang hindi kayo nagpansinan ng pagkatagal-tagal, sabay ganun ulit? Napaka-hirap mag adjust. Napakahirap ipanumbalik ang dating nararamdaman.

Pero teka nga, bago problemahin ang panibagong pagsasama, maghanap muna ng rason para magbigay ng panibagong pagkakataon.