Ang taong lumilingon sa kanyang nakaraan at nagsasabing, “Wala akong pinagsisisihan” ay nabubuhay sa kahambugan. Ang buhay na walang pagsisisi ay buhay na walang natamo’t natutunan. Ang pagsisisi ay ang liwanag sa buong karunungan, mula sa ating nakalipas, hinuhubog ang hinaharap. Ang ibig sabihin nito ay mas maraming alam ngayon kesa kahapon.
Itong bagong kaalamanan ay nangangahulugan ng mga bagong responsiblidad at mga panibagong prebilehiyo. Ito ay isang panibagong pagkakataon para sa mas magandang buhay.
Pero kung ang panghihinayang ay mananatili lamang “panghihinayang”, ito’y walang kwenta. Dapat itong magsiwalat ng panibagong pagkakataon, at ang inspirasyon at pinagmulan ng lakas para matanto ito.
Maging ang may kapangyarihan ay hindi maaring baguhin ang kanyang nakaraan, ngunit ang bawat tao, sa isang antas na malayo sa kanyang kaalamanan, ay pinanghahawakan ang kanyang kinabukasan sa kanyang mga kamay.
Sa madaling sabi, walang taong walang pinagsisihan dahil ito ang nagbigay sakanila ng panibagong kaalamanan sa buhay.
Sa ngayon, ang pagsisisi ay damang dama ko ngayon at sana hindi pa huli ang lahat para sa panibagong simulain, para sa kapatawaran, para sa amin.
Kung sakali mang hindi niya ako maunawaan at tuluyang iwan, ang salitang "pagsisisi" ay hindi ko maiisip kailanman na nakilala ko ang gaya niya na nagturo ng maraming mga bagay sa aking buhay, nagsilbing mahalagang parte ng buhay ko at tumulong na hubugin kung sino man ako ngayon. :(
No comments:
Post a Comment