Thursday, March 24, 2011

Lilipas rin yan...

May mga taong hinahayaan nalang lumipas ang mga bagay bagay na nangyayari sa paligid nila dahil ayaw nilang mapagod sa kakaisip ng mga solusyon.

Sa kinalaunan, siyam sa sampung taong hinayaang lumipas ang mga ito ang nagsisi dahil wala silang nagawa. Hanggang sa huli, wala parin silang nagawa upang masalba ang isang bagay. Wala silang nagawa kundi ang magsisi.

Ikaw ba, hahayaan mo nalang palipasin yan at gusto mo bang manghiyang at magsisi sa huli?

No comments:

Post a Comment