Thursday, April 28, 2011

Ang pag-ibig, parang pagsakay lang yan ng Bus.

Pag sasakay ka, syempre mamimili ka. Titingnan mo kung alin yung maganda, yung mukhang mabilis, yung matino. At pag may natripan ka nang sakyan na bus, dapat parahin mo. Hindi naman manghuhula yung driver na gusto mo palang sumakay. Kasi pag di mo pinara, syempre malamang lampasan ka lang nun.

Pag pinara mo naman at huminto, dapat tingnan mo muna kung puno na ba o hindi pa. Mas gusto mo yung hindi pa puno, yung maluwag pa at malaya kang makakapili kung saan mo gusto maupo. Pero pag nakita mong puno na, nasa sayo na yung desisyon. Kung ok lang sayo na nakatayo at nahihirapan, eh di sige. Choice mo naman yan eh. Wag ka nga lang sasakay at mag-aangal na nakatayo ka. Kasalanan mo yan, ginusto mo yan. Nakita mo nang puno, sumakay ka pa rin.

Magalit ka kung sumakay ka kasi sinabi ng kundoktor na maluwag pa at makakaupo ka. May mga ganun talaga. Manloloko. Mapanlinlang. Paasa. Sa loob mo nalang malalaman na wala ka na palang mauupuan. Tapos aandar na yung bus at wala ka nang choice.

At pag nasa loob ka na, nakatayo at nahihirapan, saka mo maiisip: Bakit mo ba pinagpilitan yung sarili mo sa bus na ‘to? Bakit ka nagtitiis na nakatayo samantalang pareho lang naman kayo ng binayad nung mga kumportableng nakaupo? Bakit ba kasi nagmadali kang sumakay? Akala mo last bus na ‘to? Na mapag-iiwanan ka pag di ka sumakay?

Ang badtrip lang eh yung habang nag-eemote ka, pagtingin mo sa bintana, may kasunod lang pala yung bus na sinakyan mo. Mas maganda, mas maluwag, mas mabilis, mas mukhang kumportable yung mga nakasakay. Ngayon magsisisi ka kung bakit ka nagmadali, kung bakit ka nagpadalos-dalos. Kung bakit ka nagpauto at bakit ka ngayon nagtitiis.

May darating naman pala. Yun nga lang, kailangan ng konting tiyaga. Konting paghihintay.

Saturday, April 23, 2011

SAYANG.

Ang pinakamahirap na sigurong parte ng pagmuni-muni’t pag balik tanaw sa nakaraan ay yung himok na nararamdaman mo tuwing gagawin mo yun. Yung sa sobrang na-miss mo yung mga nakagawian mo dati e parang gusto mo ng balikan ang nakaraan. Hanggang sa umabot na sa punto na tatanungin mo nalang ang sarili mo kung bakit hinayaan mong ganito nalang ang kalabasan ng lahat. At hindi mo na mapipigilang hindi marindi sa mga ganung klaseng katanungan. Kung naging masaya ka nga noon, bakit hinayaan mo pang mawala ito sayo? Papatayin at papatayin ka nalang ng bugso ng damdamin mo na halos pagsisihin ka. Hanggang sa magsawa ka nalang sa salitang SAYANG.

Friday, April 15, 2011

Heart vs. Mind

Scenario:
Nakaupo ako sa isang tabi at tinititigan ko sa cellphone ko ang mensaheng isinend ko sakanya. Tinititigan ko yung cellphone ko habang sinasabi ng isipan kong magkaron ka ng mas mataas na respeto para sa sarili mo. Pinaniniwalaan kong hindi tama ang nararamdaman kong sakit at hindi ako deserving sa ganitong sitwasyon. Alam na alam kong pagsinend ko yun e hindi maayos ang magulong sitwasyon at hindi rin ito makakatulong sa pagalis ng sakit na nadarama ko. Tapos… eeksena tong puso kong nagsasabing, “Sige lang, isend mo na yan, you will feel better…at least.”
Ang sitwasyong tulad niyan ay nagpapakita lamang ng hindi pagkakaintindihan ng puso at isipan natin. Ang bawat desisyon na ginagawa natin ay kombinasyon ng logic natin at emosyon.
Ang konsepto ng hindi pagkakaintindihan ng puso’t isipan natin ay tutulong sayo na intindihin kung bakit ka napasok sa isang relasyong hindi ka deserving. Ito rin naman ang magpapaalala sayo na may iba pang mas higit diyan na karapatdapat sayo. It will also help you understand how to use your logic to help you heal your broken heart.

Pagbalik sa Nakaraan.

Sinubukan kong bitawan ang mga bagay na meron ako ngayon para lang bumalik sa panahon na pinagkaitan ko ng oras… Ang aking kabataan. Naging boring ang buhay ko dahil naging masyado akong seryoso sa mga bagay bagay. Kaya sinubukan kong pakawalan ang mga bagay na tanda ng pagiging seryoso ko sa buhay.

Ang hirap palang piliting bumalik sa mga pinagdaanan mo na. Ang hirap bumalik sa pinanggalingan mo na. Ang hirap lingunin ng nakaraan.
Akala ko magiging madali ang lahat. Pero di ko rin kinaya ang mga kapalit. Di rin ako naging masaya sa paglalakbay pabalik sa nakalipas. Siguro nga ito na yung ako na dapat kong tanggapin.

Wala akong dapat pagsisihan sa nakaraan. Dahil hindi ako magiging makapangyarihan para matanggal ang mga pagkakamali ko noon. Wala akong ganung klaseng lakas. Kung hindi ko napagdaanan ang mga nangyari noon, siguro, hindi ako yung taong kilala niyo ngayon. Walang pwedeng isisi sa akin na nangyari sa nakaraan ko. Dahil nakalipas na yun at iba na ako ngayon.

Pagmamahal.

Ano nga ba ang pagmamahal? Bakit kadalasan ay napagkakamalan itong landian?
Bakit ang paniniwala ng matatanda ngayon e pagnagmahal ka, nakikipaglandian ka na? Hindi ba nila alam ang ibig sabihin ng pagmamahal sa puso ng IILAN sa kabataan ngayon?
Oo, iilan nalang. Dahil ako na mismo ang nakapagpatunay sa sarili ko na talagang karamihan sa kabataan ngayon e… alam na!

Ang pagmamahal, di nasusukat sa bilang ng beses na halikan, yakapan, at kung ano ano pang ginagawa niyo. Hindi yun, kung sa kalagayan nating mga kabataan ngayon.
Ang pagmamahal, ay yung pagpapahalaga sa isang taong di mo nagagawa sa iba. Ng hindi lumalabag sa mga gusto ng mga nagmamahal sayo tulad ng pamilya mo. Yun yun e. Yun yung pinapatunayan ko.

Nahanap mo na ba?

Nahanap mo na ba yung taong mananatiling nasa tabi mo samantalang sinabi mo na layuan ka nila?
Nahanap mo na ba yung taong handang maging mali para lang maramdaman mong binababaan niya ang pride niya?
Nahanap mo na ba yung taong may kakayahang mapangiti ka kahit sirang sira na ang araw mo?

Kung may nahanap kang nagiisang taong kayang gawin ang mga yun…. wag mo ng pakawalan.

Paano kung...

Ang pinakakinatatakutan kong kataga ay yung mga nagsisimula sa paano kung. Maaring sabihin na dalawang ordinaryong salita lang ito pero kung may super powers ang mga salita, ito na yata yung isa sa pinaka-malakas. Bubulabugin nito ang isipan mo at pilit hahanapin ang kasagutang napakaimposibleng mahanap.

Paano kung…. Paano kung hindi ko piniling bitiwan ang isang bagay na dapat e ipinaglaban ko? Paano kung hindi ako lumayo? Paano kung naging maayos ngayon?

Kung ginawa ko yun… magiging masaya ba ako?

Pagsisisi. Sa pagsisisi ka lang hahantong. Kung hindi naman, mas malalaman mo kung ano na ang mas naging mabuti para sayo. Yung nangyari sa nakaraan o yung nangyayari ngayon… sa kasalukuyan.

Kaya siguro tayo iniiwan ng taong mahal natin…

Para malaman nila kung mahalaga nga ba talaga tayo sakanila. Kung nararamdaman nga rin ba nila yung nararamdaman natin para sakanila. Para malaman nila kung anong halaga nga ba ang meron tayo sakanila. Kung sakaling hindi nila maramdaman yung gusto nating maramdaman nila, mabuti na yung nang-iwan sila ng maaga. Kesa namang tumagal pa yung relasyong IKAW lang naman talaga ang bumubuhay.

Thursday, April 14, 2011

Alam mo kung anong mali sa ating kabataan ngayon?

Unahin na natin ang pakikipag relasyon. Ang totoo niyan, kaya naman ng mga magulang natin mag adjust dahil tanggap na naman nila ang bagong henerasyon natin ngayon. Alam niyo kung anong mali sa kabataan ngayon?

Yung relasyon para sakanila, relasyong pang-asawa na (alam mo yung w/matching yakap at kung ano ano pa na dapat ay ginagawa lang ng magasawa?)

Public Display of Affection (kadalasan, ito ang dahilan ng mga magulang natin kaya ayaw nila nakikita ang mga anak nila nakikipag landian in public places, ang pangit naman kasing tignan diba?)

Kadalasan, ginagawang “number one” priority ng mga kabaatan ang LOVELIFE. *At aminin niyo man o hindi, nasisira nito ang mga pangarap natin sa buhay.

Pasensya na kung may natamaan ah? Opinyon ko lang to.
Hindi dapat yung malaswa sa mata ng iba. Alam mo yun? Yun bang pag nakita ng mga magulang natin sa iba, eh hindi nila magugustuhang ginagawa natin.

Kaya naman sila tutol sa pakikipag relasyon ay dahil sa akala nilang gagawin natin yung mga nakikita nila sa iba. Kakayanin ba ng mga mata ng mga magulang natin o mismong tayo na makakakita ng isang batang-bata pa na nakikipag yakapan?

Ang pangit diba? Ang gusto ko lang naman iparating eh sana, yung mga ganung bagay, wag niyo ng palampasin sa pagiging kaibigan ang turing niyo sa isa’t isa, dahil sa totoo lang, mga bata pa tayo para diyan.

Sa personal kong buhay minsan na akong nadapa tungkol dito at laki ng pagsisisi ko at kinailangan ko pang masaktan para matuto. Napakaimportante pa din na makinig muna tayo sa ating mga magulang bago tayo magdesisyon.

Kaya nga hindi sila sang-ayon dahil alam nilang hindi mo pa kakayanin ang commitments. At sa tingin ko, mga mature lang magisip ang makakaintindi nito.

*Sige, patayin niyo na ako. Opinyon ko lang to*

Wednesday, April 6, 2011

..still it's for you!

You think I wanted to turn out this way? You think I don't see my own flaws, my own mistakes? I do. More than anything I contemplate about all the things I could've done better or shouldn't have done at all. :| But I have to let go of you, who I really love for a long time just for you to be happy.

Tuesday, April 5, 2011

alooooooooooooone.

Sorry for what I've done to you. Can you forgive me? For you it's over. But for me it's not over. I still love you, but you? All our memories, happiness, and loneliness. Tears and Smiles. Cry and Laugh. PLEASE COME BACK!? :( I miss you a lot. As I've said it's not over. For me, " Past is Past". If you're disappointed, sorry. I'VE CRIED FOR YOU. I'VE LAUGHED FOR YOU. I'VE CHANGED JUST FOR YOU. NOW I'M ALONE JUST BECAUSE OF YOU. If I die today, what will you do? Come after? or Just pretend not affected? I love you after you love me. You're important to me. I don't know if I'll be okay. My only wish for now is to be with you. This summer, it'll be my worst nightmare. Now, I've throwed my dreams. My happiness becomes a crap. You are not here. I am alone, waiting for you to come back. I know you can tell I love you and I know you can feel it too. But please don't leave me here because you know I love you. :((

let my say a brief story.. :')

When I met you, you didn't catch my attention. You were just someone I knew. But now I care for you more than you know and I love you more that I could show. Pag naaalala ko yung mga masasayang oras na magkasama tayo, I cried so much that I want to stay in my bed for the rest of my day. It feels like dying every second I remember your name. It's hard to forget someone you almost give your life to. I hope that even if we parted our ways our sweet memories will never fade. Now I leave with sorrows and tears in my heart, farewell to you, I LOVE YOU! :')

Quit The Crap Niku!

Here I am again, wanting to run back to the one I love thinking it would work out differently the second time..

SHOULD I WALK AWAY, OR TRY EVEN HARDER?

Its harder than I ever feared pala. These days aren't easy like they have been once before. These days aren't easy anymore. We had our time together. Sa tuwing naaalala ko lahat ng nangyari sa atin, lahat ng tinawanan, iniyakan, at pinagsamahan. All the time that we've been together? All those back hugs, kisses on forehead, fell asleep together? Everything we been through? ..tangina! wala na ako mahahanap na kagaya mo, hahanap hanapin pa din kita kahit san ako mapunta. :( I miss you more than I can bare and everyday I ask myself the same question: SHOULD I WALK AWAY, OR TRY EVEN HARDER?

Monday, April 4, 2011

:(

Let me start by saying I've been such a fool.
Now I don't blame you if you choose to turn and walk away.
But I think that what we have is worth another day.
Can we try to get it back right cause you're all that i need I know
I just cant go on. I need you in these arms.
Just hear me out cause all I'm asking for is one last try.
It seems crazy after all the love we made
I know I made a mistake
So tell me what i gotta do to bring you back my way?

REGRETS.

Ang taong lumilingon sa kanyang nakaraan at nagsasabing, “Wala akong pinagsisisihan” ay nabubuhay sa kahambugan. Ang buhay na walang pagsisisi ay buhay na walang natamo’t natutunan. Ang pagsisisi ay ang liwanag sa buong karunungan, mula sa ating nakalipas, hinuhubog ang hinaharap. Ang ibig sabihin nito ay mas maraming alam ngayon kesa kahapon.

Itong bagong kaalamanan ay nangangahulugan ng mga bagong responsiblidad at mga panibagong prebilehiyo. Ito ay isang panibagong pagkakataon para sa mas magandang buhay.

Pero kung ang panghihinayang ay mananatili lamang “panghihinayang”, ito’y walang kwenta. Dapat itong magsiwalat ng panibagong pagkakataon, at ang inspirasyon at pinagmulan ng lakas para matanto ito.

Maging ang may kapangyarihan ay hindi maaring baguhin ang kanyang nakaraan, ngunit ang bawat tao, sa isang antas na malayo sa kanyang kaalamanan, ay pinanghahawakan ang kanyang kinabukasan sa kanyang mga kamay.

Sa madaling sabi, walang taong walang pinagsisihan dahil ito ang nagbigay sakanila ng panibagong kaalamanan sa buhay.

Sa ngayon, ang pagsisisi ay damang dama ko ngayon at sana hindi pa huli ang lahat para sa panibagong simulain, para sa kapatawaran, para sa amin.

Kung sakali mang hindi niya ako maunawaan at tuluyang iwan, ang salitang "pagsisisi" ay hindi ko maiisip kailanman na nakilala ko ang gaya niya na nagturo ng maraming mga bagay sa aking buhay, nagsilbing mahalagang parte ng buhay ko at tumulong na hubugin kung sino man ako ngayon. :(