Wednesday, May 7, 2014

Imy.


We don’t talk at all now. Not having you around anymore definitely makes my life uneasy, and not better. I love you. It’s just that we complicate each other’s lives too much. We can’t even be friends because we have gone too deep and fucked up way too much. And to be honest, I don’t know how to be happy for you. I mean I want you to be happy, it’s just that I still want to be the reason. hmm.. I miss you already. :(

cess..


Malaman ko man lahat ng mali at pangit sayo, kaya kong tanggapin. Sabihin mo lang lahat ng totoo sa’kin, hindi kita kekwestuyunin. Siraan ka man ng lahat, wala akong pakialam. Sabihan man ako ng iba na wala kang kwentang tao, hinding hindi magbabago ang worth mo sa paningin ko.
Bakit? Hindi ko alam. Hindi ko alam kung bakit ganito yung nararamdaman ko. Hindi ko alam kung bakit heto na naman ako sa pag appreciate ng imperfections ng tao. Heto na naman ako sa pagiging in love sa maling tao. 
Lahat ng imperfections mo, lahat ng pangit sayo at lahat ng hindi kayang tanggapin ng iba, natutunan ko nang mahalin. Yung maling tao, magiging tamang tao sa paningin ko.
Kung worth the risk ang paghihintay na to, tataya ako. :|

Sana lang alam mo



Noong hindi ka pa dumadating sa buhay ko
  • Wala lang sakin kung hindi kita makausap mag-hapon o kahit ilang araw pa. Ni hindi ko alam na nag-eexist ka.
  • Boses ko lang ang problema ko, ngayon pati ulam niyo gusto kong problemahin.
  • Mas madalas pang unli sakin tatay ko pero ngayon kung pwede lang magregister ng dalawang beses sa unli ginawa ko na maka text ka lang.
  • Madalang akong mag-isip pero ngayon kulang na lang imagine-in ko bawat kilos mo.
  • Blog ko lang alam kong bisitahin pero ngayon daig ko pa gwardiya ng FB, Twtter, etc. mo.
  • Hindi ako nabubuang nang ganito.
Pero kahit ganoon,

Alam kong sayo lang ako lumigaya ng ganito. At lahat ng sakit ay kulang para tumbasan ang pagmamahal ko sayo. 

Siguro nga masyado pang maaga para sabihin ang forever.


Bata pa tayo at marami pang mangyayari. Magkakatampuhan, magkakalabuan o kaya magiging busy ang isa. Marami pa rin tayong makikilalang bagong tao na maaring higit pa kesa sa kung ano ang isa sa atin. Pero ganon pa man, malabo mang magtagal tayo forever, gusto kong malaman mo na hindi ako nagsisising parte ka ng buhay ko ngayon. Masaya akong nakilala kita at lahat gagawin ko magtagal lang tayo. Pasensya ka na kung minsan nagkukulang ako o kaya nasasakal ka na sakin, pagtiisan mo pa sana ako. Sana mas maging masaya pa tayo sa bawat araw na dadating. Mahal kita, alam mo yan.

Tibaaaaaaaaaaaaaay mo! Hahahaha. Akalain mo yun? Napagtiyagaan mo ang isang kagaya ko? :))
Maraming-maraming salamat babe. :) Salamat sa malawak na pang-unawa, sa mahabang pasensiya, sa pagpaparamdam sakin na mahalaga ako, sa lahaaaaaaaaaaaaat.
 1 month down, forever to gooo!!!
 Hahahaha. lols. Basta maraming-maraming salamat. Mahal kita! :)
Pasensya ka na kasi
  • Madalas busy ako.
  • Tagal akong di nagrereply.
  • Hindi pa rin ako ang nag uunlicall puro ikaw.
  • Kasi moody ako.
  • Akala ata nila ikaw yung mga dinadaing ko sa post ko, e random yun. HAHA. Sorry nadadamay kaaaaaaaa.
  • Kapag pinapatulog mu na ako pero nag dodota/tutumblr pa ako.
Basta sorry! :) Wag kang magsasawang intindihin ang kagaya ko. Kahit pa ako ang mas matanda pero isip-bata :(
THANK YOU! :) 
Akalain mo yun isang beses pa lang tayo nag-away tapos tampuhan lang un? -_- Anebeyen. Mag-away nga tayo minsan. HAHAHAHA. :)) DEJOKE.
Gusto ko yung.. 
Give and Take 
Nagkakaintindihan 
Bawal Pride 
Hindi sumusuko 
Nagmamahalan 
Seryoso 
Nagmamahalan 
Nagmamahalan 
Nagmamahalan 
Bawal Pride 
Bawal Pride 
Seryoso 
Seryoso 
Nagkakaintindihan 
Seryoso 
Hindi Sumusuko 
Nagmamahalan
LABYOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOO :* 



Pinagawa ko sa tropa ng magawi ako sakanila. Haha. Gara. 
Princess kasi name eh palayaw niya CESS. :)

Sarap kausap. Kakataba ng utak.


Kapag magkausap kayo, nagbabarahan kayo, pa-kornyhan kayo ng jokes, puro kwentuhan tapos puro din tawanan. Nagsasabihan kayo ng mga sikreto niyo at tsaka ng mga hinanakit niyo sa buhay. Yung tipong hindi kayo nauubusan ng mga sasabihin.
Di ba ang natural lang. Hindi scripted yung mga sinasabi niyo sa isa’t-isa, lahat totoo, Lahat galing sa puso. Never kayo mabobored, kasi nag-eenjoy kayo sa ginagawa niyo. Kapag masarap kausap ang isang babae, nandun yung feeling mo na hindi siya napipilitan sa ginagawa niya. Kahit ba abutin kayo ng umaga diyan, ay okay lang sa iyo at okay lang sa kanya. Sa isang babae, hindi naman kasi kailangan na lagi na lang puro sweet ang mga sinasabi niya, tulad ng: “I love you.” “Ikaw lang talaga.” “Hindi na ako titingin sa iba” at marami pang iba. Pero, di ba mas okay kausap ang isang babae kung iba-iba yung sinasabi niya, at mas lalo na kung lahat totoo at galing sa puso, hindi yung puro pa-ganda points lang.
Minsan, about sa future niyo, about school, about sa mga korny na jokes, about sa mga outlook sa buhay, at kung anu-ano pa. Hindi kayo magkakasawaan, kasi pareho niyong gusto yung napag-uusapan niyo, pareho kayong masaya, at mas lalo niyo pang nakikilala ang isa’t-isa. :)

She’s not really that kind of girl who wears fit blouses, skirts and high heeled shoes. She don’t wear make ups unless she really have to on special occasions. She’s contented with just putting a smile on her face whenever she go out of the house. And oh! She likes to wear over sized tee shirts because she really find them comfortable, matched with sneakers or rubber shoes. 
She eats like man. She chew and swallow like a man. She eat really fast, especially when bare-handed. She eat as much as my father does.
She do random chores at home when she was young. She was a farm kid. She took care of their livestocks in the farm like cows, goats, chickens, etc. She even bathed with them. 
She sleeps like a man too. She wakes up 12 noon. She also feels comfortable sleeping with her cousins.
Her legs don’t crisscross just like any other girls do. She really move like a man and even talk like a man. Her voice is loud and she laugh boisterously. She have been like this before and I don’t have any plan of changing it at all.
She loves her friends especially Karen, Jeanne, Zaidy, Charlene and Rizzel. She’s contented having a good time with them than sitting around in a corner and looking at the mirror and fixing her hair. She just want her life not to be boring.
But she’s still a girl. Still weak and fragile. Still cries. Still can be hurt. And I think I’ve to do something about it. I’ll love her, take good care of her and make her feel how special she is. That despite her insecurities especially her hair, still I see her as the most beautiful girl I’ve ever seen, inside and out. She deserves to be respected, loved and be cared of just like how any other girl deserved to be. :)

This girl worth it, then no matter how difficult she’s being, no matter how complicated she gets, no matter how bad she starts tripping, no matter how crazy her trust issues start to kick in, no matter how moody she gets, no matter how distant she may seem, no matter how hormonal she gets, no matter how confused she is, no matter how much she acts like she hates me - I wouldn’t give up on her. A girl that’s worth it, will not come easy. She will be hard to understand at times, she might even be cruel, but that doesn’t mean she isn’t a good girl. I just got to be able to see her during her worst so I can enjoy witnessing her at her best. :’)

Tuesday, February 5, 2013

"Unrequited Love"

Mahal mo siya, pero ‘di ka niya mahal. Ito rin ay matatawag na one-sided love. Nangyayari ito kung: Kaibigan lang ang tingin sa’yo Kung may iba siyang gusto o ‘Di lang talaga siya interesado O KAIBIGAN LANG TALAGA TINGIN SA’YO Isa ‘to sa pinakamasakit na pakiramdam — Ang ‘di ka mahalin pabalik ng taong mahal mo. Ang masahol pa, patago ka ring nagmamahal kasi alam mong ‘di niya ibabalik yung pagmamahal sa’yo. Pero ang pinaka masahol sa lahat, eh yung napaniwala ka niya na mahal ka din niya, hindi naman pala talaga. Kailangan mong mag-move on kahit ‘di naging/walang kayo. Kung makapag-emote ka sa twitter, dinaig mo pa ang magsyotang naghiwalay pero hindi niya alam na siya na pala ang pinapatamaan mo. Ang sakit eh, di ba? Nakakasama mo siya, masaya kayo, napakakulay ng mga pinag uusapan niyo about sa inyong dalawa pero talkshit lahat kasi ‘di ganun ang nararamdaman niya para sa’yo. May pagkakataon talaga sa buhay natin na may mamahalin tayong ‘di tayo kayang mahalin pabalik. Malay mo, ikaw din; may patagong nagmamahal sa’yo at ‘di mo siya mahal pero hindi mo alam. Patas lang. Pero minsan kasi, ‘di natin maiwasan tanungin kung bakit hindi na lang mahal mo siya tapos mahal ka niya, para wala nang problema. Di ba? Kung ganun na lang sana edi wala nang nasaktan. Hay.