Wednesday, May 7, 2014

Siguro nga masyado pang maaga para sabihin ang forever.


Bata pa tayo at marami pang mangyayari. Magkakatampuhan, magkakalabuan o kaya magiging busy ang isa. Marami pa rin tayong makikilalang bagong tao na maaring higit pa kesa sa kung ano ang isa sa atin. Pero ganon pa man, malabo mang magtagal tayo forever, gusto kong malaman mo na hindi ako nagsisising parte ka ng buhay ko ngayon. Masaya akong nakilala kita at lahat gagawin ko magtagal lang tayo. Pasensya ka na kung minsan nagkukulang ako o kaya nasasakal ka na sakin, pagtiisan mo pa sana ako. Sana mas maging masaya pa tayo sa bawat araw na dadating. Mahal kita, alam mo yan.

No comments:

Post a Comment