Malaman ko man lahat ng mali at pangit sayo, kaya kong tanggapin. Sabihin mo lang lahat ng totoo sa’kin, hindi kita kekwestuyunin. Siraan ka man ng lahat, wala akong pakialam. Sabihan man ako ng iba na wala kang kwentang tao, hinding hindi magbabago ang worth mo sa paningin ko.
Bakit? Hindi ko alam. Hindi ko alam kung bakit ganito yung nararamdaman ko. Hindi ko alam kung bakit heto na naman ako sa pag appreciate ng imperfections ng tao. Heto na naman ako sa pagiging in love sa maling tao.
Lahat ng imperfections mo, lahat ng pangit sayo at lahat ng hindi kayang tanggapin ng iba, natutunan ko nang mahalin. Yung maling tao, magiging tamang tao sa paningin ko.
Kung worth the risk ang paghihintay na to, tataya ako. :|
No comments:
Post a Comment