Wednesday, May 7, 2014

Sarap kausap. Kakataba ng utak.


Kapag magkausap kayo, nagbabarahan kayo, pa-kornyhan kayo ng jokes, puro kwentuhan tapos puro din tawanan. Nagsasabihan kayo ng mga sikreto niyo at tsaka ng mga hinanakit niyo sa buhay. Yung tipong hindi kayo nauubusan ng mga sasabihin.
Di ba ang natural lang. Hindi scripted yung mga sinasabi niyo sa isa’t-isa, lahat totoo, Lahat galing sa puso. Never kayo mabobored, kasi nag-eenjoy kayo sa ginagawa niyo. Kapag masarap kausap ang isang babae, nandun yung feeling mo na hindi siya napipilitan sa ginagawa niya. Kahit ba abutin kayo ng umaga diyan, ay okay lang sa iyo at okay lang sa kanya. Sa isang babae, hindi naman kasi kailangan na lagi na lang puro sweet ang mga sinasabi niya, tulad ng: “I love you.” “Ikaw lang talaga.” “Hindi na ako titingin sa iba” at marami pang iba. Pero, di ba mas okay kausap ang isang babae kung iba-iba yung sinasabi niya, at mas lalo na kung lahat totoo at galing sa puso, hindi yung puro pa-ganda points lang.
Minsan, about sa future niyo, about school, about sa mga korny na jokes, about sa mga outlook sa buhay, at kung anu-ano pa. Hindi kayo magkakasawaan, kasi pareho niyong gusto yung napag-uusapan niyo, pareho kayong masaya, at mas lalo niyo pang nakikilala ang isa’t-isa. :)

No comments:

Post a Comment