Tuesday, February 5, 2013

"Unrequited Love"

Mahal mo siya, pero ‘di ka niya mahal. Ito rin ay matatawag na one-sided love. Nangyayari ito kung: Kaibigan lang ang tingin sa’yo Kung may iba siyang gusto o ‘Di lang talaga siya interesado O KAIBIGAN LANG TALAGA TINGIN SA’YO Isa ‘to sa pinakamasakit na pakiramdam — Ang ‘di ka mahalin pabalik ng taong mahal mo. Ang masahol pa, patago ka ring nagmamahal kasi alam mong ‘di niya ibabalik yung pagmamahal sa’yo. Pero ang pinaka masahol sa lahat, eh yung napaniwala ka niya na mahal ka din niya, hindi naman pala talaga. Kailangan mong mag-move on kahit ‘di naging/walang kayo. Kung makapag-emote ka sa twitter, dinaig mo pa ang magsyotang naghiwalay pero hindi niya alam na siya na pala ang pinapatamaan mo. Ang sakit eh, di ba? Nakakasama mo siya, masaya kayo, napakakulay ng mga pinag uusapan niyo about sa inyong dalawa pero talkshit lahat kasi ‘di ganun ang nararamdaman niya para sa’yo. May pagkakataon talaga sa buhay natin na may mamahalin tayong ‘di tayo kayang mahalin pabalik. Malay mo, ikaw din; may patagong nagmamahal sa’yo at ‘di mo siya mahal pero hindi mo alam. Patas lang. Pero minsan kasi, ‘di natin maiwasan tanungin kung bakit hindi na lang mahal mo siya tapos mahal ka niya, para wala nang problema. Di ba? Kung ganun na lang sana edi wala nang nasaktan. Hay.

No comments:

Post a Comment