Tuesday, February 5, 2013

Pag gusto mong makipagbreak at tapusin na ang lahat dahil may nalaman ka, wag mo nang paikutin yung sitwasyon. Deretsuhin mo. Pag pumayag, iba na yan. Hindi basta basta papayag na makipaghiwalay ang isang taong gustong-gusto kang ipaglaban at pag-ingatan. Hindi valid reason ang pagod na rin siya o papayag siya dahil yun ang gusto mo. Minsan, nagiging excuse na lang yan ng isang tao para makawala siya. Tapos ano? In the end, pag nagkita kayo ulit, maaalala niya lahat tapos marerealize niyang nagsisisi siya? Tapos ikaw naman tong kunwari, may kakaibang naramdaman na parang senyales na bigyan mo ulit ng pagkakataon? Isang malaking kalokohan. Pag napagisipan mong tapusin ang isang relasyon, siguraduhin mong tapos na. Tapos na talaga at wala ng balikan. Dahil kung meron pa palang pwedeng ayusin, bakit hindi pa noon inayos? Kailangan niyo pa munang maglibot-libot at humanap ng iba at kung walang mahanap na iba, bigla niyong iisipin na baka yung ex niyo na nga ang nakatadhana sa inyo? Aba, gising gising! Kingina.

No comments:

Post a Comment