Tuesday, February 5, 2013
"Unrequited Love"
Mahal mo siya, pero ‘di ka niya mahal.
Ito rin ay matatawag na one-sided love. Nangyayari ito kung:
Kaibigan lang ang tingin sa’yo
Kung may iba siyang gusto o
‘Di lang talaga siya interesado
O KAIBIGAN LANG TALAGA TINGIN SA’YO
Isa ‘to sa pinakamasakit na pakiramdam — Ang ‘di ka mahalin pabalik ng taong mahal mo. Ang masahol pa, patago ka ring nagmamahal kasi alam mong ‘di niya ibabalik yung pagmamahal sa’yo. Pero ang pinaka masahol sa lahat, eh yung napaniwala ka niya na mahal ka din niya, hindi naman pala talaga.
Kailangan mong mag-move on kahit ‘di naging/walang kayo. Kung makapag-emote ka sa twitter, dinaig mo pa ang magsyotang naghiwalay pero hindi niya alam na siya na pala ang pinapatamaan mo. Ang sakit eh, di ba? Nakakasama mo siya, masaya kayo, napakakulay ng mga pinag uusapan niyo about sa inyong dalawa pero talkshit lahat kasi ‘di ganun ang nararamdaman niya para sa’yo.
May pagkakataon talaga sa buhay natin na may mamahalin tayong ‘di tayo kayang mahalin pabalik. Malay mo, ikaw din; may patagong nagmamahal sa’yo at ‘di mo siya mahal pero hindi mo alam. Patas lang. Pero minsan kasi, ‘di natin maiwasan tanungin kung bakit hindi na lang mahal mo siya tapos mahal ka niya, para wala nang problema. Di ba? Kung ganun na lang sana edi wala nang nasaktan. Hay.
Isang patunay na hindi fair ang buhay. Tatlo ang side ng triangle. Kahit baliktarin mo man ang mundo, laging may isang maiiwan. May isang masaksaktan. Yung dalawa, masaya. Pero yung isa maiiwan.
Akala ko wala ng sasakit pa sa nalasap ko dati. Akala ko hindi ko na mapagdadaanan yun. Akala ko hindi siya gaya na iba. Akala lang pala. I know I’m not that ideal guy. A guy who is good-looking and tall. A guy who knows how to sing. A guy who is in a band. A guy who plays basketball well. A guy who owns a ride. A guy of every girl’s dream. Basically, I’m just a typical one.
Pero ganun ba ako kahirap mahalin talaga? That she even chose a girl over me? Nakakawala ng bayag. Hindi pa din ako makapaniwala nangyayari ito. After all this time it was a one-sided feeling. I’m inlove with you. I’ve always been and you know that. Sana nagsabe ka na lang.. Sana di mo na ako pinaasa.. Sana hindi mo na pinaabot sa ganito.. Haha kasi ansakit sakit. :) :|
Pero ganun pa man, wala akong pinagsisisihan sa mga ginawa ko. Atleast I did make you feel what you deserve..How special girl you are. How much I love you. Nagpapasalamat pa nga ako sayo eh. Kasi you thought me so many lessons in life. Sabi nga nila, “people come to your life, either as a blessing or as a lesson.” ..and you’re both. More than anything I contemplate about all the things I could’ve done better or shouldn’t have done at all. Kahit sa maikling panahon lang napaka saya ko kung alam mo lang. Na pag kasama kita pakiramdam ko lahat ng nasa paligid ko is a little bit brighter. Hahaha :D hinding hindi ko yun malilimutan kahit sa pagtanda ko. I have to let you go now baby. I love you. :’)
Ano nga ba ang lab? Ito yung pinupuntahan ng mga scientists. Dejoke Dafuq was dat? xD Haha Hmm, ano nga ba ang love? Bakit kadalasan ay napagkakamalan itong landian?
Bakit ang paniniwala ng matatanda ngayon e pagnagmahal ka, nakikipaglandian ka na? Hindi ba nila alam ang ibig sabihin ng pagmamahal sa puso ng IILAN sa kabataan ngayon?
Oo, iilan nalang. Dahil ako na mismo ang nakapagpatunay sa sarili ko na talagang karamihan sa kabataan ngayon e… alam na!
Ang pagmamahal, di nasusukat sa bilang ng beses na halikan, yakapan, at kung ano ano pang ginagawa niyo at alam nyo na yun. Hindi yun, kung sa kalagayan nating mga kabataan ngayon. Sabi ko nga sakanya kagabi, para ‘tong other income sa business or add-ons sa mga fast food or accessories sa katawan. Ok lang kahit wala.
Ang pagmamahal, ay yung pagpapahalaga sa isang taong di mo nagagawa sa iba. Ng hindi lumalabag sa mga gusto ng mga nagmamahal sayo tulad ng pamilya mo. Yun yun e. Yun yung pinapatunayan ko.
Pag gusto mong makipagbreak at tapusin na ang lahat dahil may nalaman ka, wag mo nang paikutin yung sitwasyon. Deretsuhin mo. Pag pumayag, iba na yan. Hindi basta basta papayag na makipaghiwalay ang isang taong gustong-gusto kang ipaglaban at pag-ingatan.
Hindi valid reason ang pagod na rin siya o papayag siya dahil yun ang gusto mo. Minsan, nagiging excuse na lang yan ng isang tao para makawala siya. Tapos ano? In the end, pag nagkita kayo ulit, maaalala niya lahat tapos marerealize niyang nagsisisi siya? Tapos ikaw naman tong kunwari, may kakaibang naramdaman na parang senyales na bigyan mo ulit ng pagkakataon? Isang malaking kalokohan.
Pag napagisipan mong tapusin ang isang relasyon, siguraduhin mong tapos na. Tapos na talaga at wala ng balikan. Dahil kung meron pa palang pwedeng ayusin, bakit hindi pa noon inayos? Kailangan niyo pa munang maglibot-libot at humanap ng iba at kung walang mahanap na iba, bigla niyong iisipin na baka yung ex niyo na nga ang nakatadhana sa inyo? Aba, gising gising! Kingina.
Saturday, January 26, 2013
“Ang swerte ko sayo. “
Nasabihan ka naba ng ganito? Yung grabe kagalak ang isang tao dahil at last nahanap na niya ang isang tulad mo. Sa dinami-dami ng tao sa buong mundo ikaw pa ang napili niyang sabihan ng linyang ito. Masarap magmahal ng taong proud sayo. Ng taong kahit di ka perpekto mahal ka parin nito. Pinagmamalaki ka sa buong mundo.
Mahirap mainlove sa taong gwapo/maganda.
Aminin na natin, pag ang isang lalake/babae ay gwapo at maganda, hindi maiiwasang maraming magkagusto sa kanila at magkaroon sila ng maraming tagahanga. Lalo na kapag may magandang ugali, talento at utak pa. All in one kumbaga. Ang dami mong kakumpitensya at karibal sa panunuyo mo sa kanya o di kaya ang daming babaeng nagkakandarapa sa kanya habang nililigawan ka niya. Pakiramdam mo maraming magiging hadlang kapag naging kayo kaya nagdadalawang isip ka.
Pero hindi mo ba naisip na sa dinami-rami ng patay na patay sa kanya ay ikaw ang pinili niya? Ikaw ang napansin niya. Sa’yong kamay ang hawak niya at ikaw lang ang laman ng kanyang puso’t isipan. Magkasama kayong dalawa kahit saan tapos sila naka-nganga’t naiinggit na lang. Sa dinami-rami ng tagahanga niya, ikaw ang gusto niyang makasama at wala na siyang pakielam sa iba. odiba? :D
Pride. Yung sabon.
Ano bang meron at mayroon mga taong saksakan ng pride? Ang pride, inilulugar po iyan. Hindi po dapat tinataasan ang pride lalo na kung sa pinakamababaw na kadahilanan lamang. Sa aking sariling karanasan hindi ko alam ang salitang iyan. Wala ako niyan. Nilunok ko yan. Kinalimutan ko yan. Hayskul eh at isa pa mahal ko eh, pero mali pala. Ngayon ito lang ang sa akin:
Sa ating mga lalaki at alam mong ikaw ang may kasalanan, wag mong subukan maging mapride, kasi ikaw na nga may kasalanan, ikaw pa may ganang gumanyan? Gawin mo lahat para mapatawad ka ng girlfriend mo.
Sa babae naman, kapag nagawan kayo ng kasalanan, ilugar niyo pride niyo. Alam naman nating lahat ang mga babae napakasensitibo niyan at hindi sila kagad kagad bumibigay sa simpleng sorry ng mga boyfriend. Pero ayun nga, wag po natin hayaang magsawa sila sa pagsuyo satin at iwanan tayo. Tandaan, lahat ng bagay may hangganan. Lahat ng tao napapagod. Oo, sabihin nating, kung mahal tayo ng tao, hindi kagad yan bibitaw. Eh paano pag nagsawa na nga sa kasusuyo? Sa sobrang pride mo, iniwanan ka niya kasi nahihirapan na siya? Oh edi ngayon naman ikaw ang magsisisi at magsisimulang maghahabol sa kanya. Hinayaan mo siyang magdusa sa pagiging mapride mo eh. Hihintayin mo pa ba na mawala siya sayo at ikaw naman ang maghahabol para magkaayos kayo? Dapat maging maagap. Kung ayaw mong mawala sayo ang isang tao, pahalagahan mo.
Friday, January 25, 2013
The “fucked up” feeling
Ito yung pakiramdam na nalulungkot ka na lang bigla na hindi mo alam kung anong dahilan. Pakiramdam mo stressed na stressed ka, parang lahat ng bagay, wala sa tamang lugar. Minsan gusto mo na lang isigaw at ilabas lahat ng yun, pero hindi mo alam kung paano. Ito yung mga panahong kailangan mo ng tao na yayakapin ka at ipaparamdam sa’yo na magiging okay ka rin, na dapat hindi ka nalulungkot kasi sa pagkalungkot mo ay may taong nalulungkot din.
Naramdaman mo na ba ‘to? Hiniling mo na rin ba na sana may taong andyan para sa’yo sa tuwing tinatamaan ka nito?
Thursday, January 24, 2013
Princess!
Tignan mo yung gif, tignan mo ah. Kunwari tayo yan. Nakakakilig. Dapat mature na tayo kumilos pero nakakagawa pa din tayo ng mga bagay na pambata. Hindi naman kasi lahat ng gagawin mo ay seryoso, masarap yung pareho kayong masaya.
Sa gabi ng kasal natin, yan ang gagawin ko. Kukuha ako ng unan at ihahampas sayo at syempre, hindi ka magpapatalo kaya kukuha ka din ng unan. At yun, simula na ng pillow fight. Walang katapusang tawanan.
Minsan hindi natin maiwasan na maging baliw at maging wala sa sarili tuwing kasama natin yung taong mahal natin. Dahil tuwing kasama natin sila, komportable tayo. Hindi natin maiwasan na mabaliw kayo dahil sobrang mahal niyo yung isa’t isa. Nagagawa mong maging komportable sa kanya dahil alam mong tanggap niya kung sino ka at siya lang ang nakakaalam ng buong pagkatao mo. Kahit na husgahan ka pa ng iba, tanggap ka parin niya at ikaw parin yung patuloy niyang mamahalin. ♥
Monday, January 21, 2013
Mark.
Nung pinapaiyak mo sya may lalaking nagpapangiti sa kanya. Nung binabalewala mo sya may lalaking halos ibigay na lahat ng attention sa kanya. Habang busy ka sa iba may isang lalaking inuubos ang oras sa kanya. Habang ikaw hindi na nagtetext may isang lalakeng tinetext sya. Habang ikaw binibigyan sya ng problema may isang lalaki naman na tutulong sa kanya para makahanap ng solusyon. Habang ikaw nagkakandarapa na iwan na sya may isang lalaki naman na gustong gusto syang makasama.
Para saan nga ba talaga ang title na mag’boyfriend/girlfriend?
Naisip ko lang na hindi naman ito gaanong kahalaga. Oo maaring sabihin ng ibang tao dapat maging kayo muna bago kayo gumawa ng mga sweet na bagay. Pero para saan nga ba ang isang entitled boyfriend o girlfriend kung hindi mo naman mahal o kahit gusto lang diba? This relationship is just a title. Wala, masabi lang natin na may relation kayo. Masabi lang na kayo, pero sa totoo lang ay nonsense naman talaga. Walang patutunguhan, walang mangyayare at kung ano pang negative things.
Hindi ba’t mas magandang sabihin na, “mahal ko to” kasya sa “boyfriend/girlfriend ko ‘to”?
MinamahalKasiYan.
Ang lalaki, hindi yan isang tiga bitbit lang ng gamit mo, tiga hatid mo, etc. Minamahal yan fren. Hindi lang pangshow ang lalaki, kasi ung ibang babae, parang nagboboyfriend lang kasi para nga masabi na nagkaboyfriend sila, gets niyo? Hindi mo yan homeboy lang okay? Tsaka tao nga rin pala yan, may tropa, alam mo yon? Hindi lang ikaw ung buhay niya okay.
Ang babae, hindi yan isang bagay na paglibog ka eh eto ung pagbubuhusan mo ng libog, grabe na kasi ung iba eh. Minamahal rin yan aba. Katulad din sa lalake, hindi rin yan pangshow, na kaya ka naggirlfriend eh para lang masabi nagka-girlfriend ka, ung para lang magkaroon ka ng kaPDA. Hindi rin yan laruan na kelangan mong kolektahin. Hindi rin yan chewing gum na pag natikman mo na, at ubos na ang lasa eh idudura mo na lang sa kung saan.
:)
Ano kayang pakiramdam nung makipag-usap ka sa ex-lover mong walang maayos na closure nung naghiwalay kayo? Masaya kaya? Nakakakaba? Siguro nga nakakakaba, kasi di mo alam kung sya pa rin ba yung taong minahal mo dati. Di mo alam kung ganun pa rin sya. Di mo alam kung napatawad ka na nya.
Nakausap ko siya the other day and it was a good convo. A friendly talk. At, oo. Namiss ko sya. We even talked about our present love lives. Gusto ko pa din siyang maging kaibigan. Pero alam at dama mong iba na eh. Kasi hindi na kayo yung dating kayo. But thanks to her, if it wasn’t for her I’ll never be who I am today. :)
Ang Bonding.
Sa isang relasyon mahalaga na nagkakaroon kayo ng bonding, na kayong dalawa lang. Mag-uusap kayo ng seryoso hanggang mapunta na sa mga katatawanan. Alalahanin niyo yung mga panahon na nasa ligawan palang kayo hanggang sa kung paano tuluyang naging “kayo”. Sabihin niyo sa isa’t isa yung mga bagay na gustong gusto mo sa kanya pati na rin yung mga iba na ayaw mo pero tinatanggap mo pa rin naman. Ilarawan mo kung gaano mo siya kamahal. Mas mapapatatag ang relasyon niyo kung open kayo sa lahat ng bagay, dapat sa maliit na bagay eh kaya mong iopen sa kanya, wag kang mahihiya sa partner mo. Huwag na huwag mawawala sa inyo ang bonding, mas nagpapatibay yan ng relasyon. :)
TADA! “Isang babaeng malungkot.”
Ano gagawin mo? Anong sasabihin mo sakanya? Tititigan mo na lang ba siya at wala kang gagawin? I-comfort mo naman siya, iparamdam mo naman sakanya na handa kang makinig. Tanungin mo kung bakit siya malungkot at kung sino ang naging dahilan kung bakit.Siguro kailangan mo pa syang pilitin ng ilang beses para lang sabihin niya.
Isang babaeng malungkot dahil sa kanyang boyfriend. Ingat ka dyan, boyfriend. Malungkot ang girlfriend mo, kung sino ang nag-cocomfort sa kanya ng todo baka ma-fall sya bigla. Ganyan kasi eh, may mga babae mabilis ma-fall dahil sa mga ganyang lalake. Kung malungkot ang girlfriend mo, tanungin mo kung bakit hindi yung “OK” lang ang sasabihin mo. Nakakasakit yun sa girlfriend mo, parang hindi ka na nag-aalala sa kanya.
Isang babaeng malungkot dahil sa kanya boyfriend. Kung ikaw pinapaiyak at pinapalungkot mo lang sya, eh aba hindi maganda yun. Boyfriend ka eh, hindi mo role yung paiyakin mo sya ng todo.
Babae?
‘Yung taong pinakamagaling mag deny. Grabe mag-inarte. Laging tamang hinala. Kung magselos, sobra at nakakapikon. Palaging praning. Kung manghuli tinalo pa ang pulis. Kapag may gustong malaman, tinalo pa ang imbestigador. Kung mag- alala kala mo sya nanay mo. Pero pag sila inibig mo ng tapat at minahal mo ng totoo. Gagawin ka nilang sentro ng buhay nila at guguho ang mundo nila sa sandaling iwan mo sila. At kahit ganyan sila, dapat silang mahalin, alagaan at wag na wag sasaktan. Dahil boys, aminin man naten o hindi, sila yung tipo ng taong hahanap-hanapin niyo at kukumpleto ng sa buhay naten. :’)
Ang buhay naten ay parang isang byahe.
Parang roadtrip. May mga punto sa buhay natin na ang smooth ng byahe. Walang traffic. Dire-diretso lang. Pero meron ring punto sa buhay natin na dadaan tayo sa isang bumpy road. Mabato. Walang kalsada. Traffic kasi may mga nakaparada sa no parking area. Hindi ko kayo gustong turuan ng mga road signs o traffic signs o kung ano man. Isang metaphor ang ginamit ko. Lahat tayo may pinagdadaanan. Lahat tayo naranasang masaktan, maiwan o mawalan. Yun ang bumpy road ng byahe natin. Pero kahit dumaan man tayo sa ganung lugar, darating din ang panahon na makakaranas tayo ng smooth na byahe.
Sunday, January 20, 2013
Cess.
Pag masaya ka kasama ang isang tao, hindi mo na talaga maiisip kung anong oras na, kung anong dapat mong gawin, kung bakit may ganito at ganyan at kung anu-ano pa. Dahil sa mga oras na kasama mo yung taong nagpapasaya sayo, parang wala ng ibang mas mahalaga pa at parang wala ka ng segundo o minuto para mag-isip pa ng iba. :3
Subscribe to:
Posts (Atom)