Wednesday, June 20, 2012
Changgalang second year to.
Mejo maluwag yung skejul namin ngayon. Sa sobrang luwag, sobrang daming vacant hours. 6hours ang vacant hours!
Utang na loob, dude. Malayo bahay ko. First class, 12pm ang tapos tas next class 6pm na. Saan ako mananatili sa pagkatagal tagal na panahon? Magiging makabuluhan ba ang oras kung ako’y tatambay sa bahay ng isang kamag-aral? Sa bahay na may gitara, may kama? 6hours!
Tapos gabi gabi 9pm ang uwi ko. Well, nung 1st yr pa naman ganito sched ko pero walang vacant na ganito! Edi mga 11 na ako makakauwi sa bahay. Ang masakit don, hindi lang pagod ang kalaban mo kundi pati na din gutom at antok. Swerte na lang kung maaga idismiss ng prof. Gabing gabi na. Delikado. Lalake pa naman ako. LOL E andami kayang masamang nilalang sa amin paggabi. BALANAR! HAHA! 9pm yung uwi ko. Pwede akong itext. HAHAHAHAH Magparinig daw ba? =)) Asooos. Asa. Hindi naman na nagbabasa ng blog ko yung pinariringgan ko. Haha!
Tapos badtrip pa. Pano by group na naman sa changgalang advanced accounting. E okay na sana eh. Ang kaso… Ayoko na lang magsalita. =)
Ang mamahal pa ng books. Buti na lang kamo, magaling ako maghanap. :p
First two weeks lang binibwisit na ako. Wag naman sana tuloy tuloy, bro? :>
Thursday, June 14, 2012
Ops, teka muna.
Huwag na huwag kang matutulog hangga’t hindi mo pa nalalagyan ng ngiti yang mukha mo. Alam kong pagod ka. Alam kong masaya ka. Alam kong may pinagdaraanan ka. Alam kong may kinaiinis ka. Alam kong may bumubulabog sa isipan mo. Alam ko lahat ng yun, dahil nararanasan ko rin yan ngayon.
Ang pagkakaiba, ngingiti ako bago ako matulog. Kahit gano pa kabigat tong mga dalahin ko ngayon, ngingiti ako. Pagod na pagod ako ngayon. Ang gusto ko nalang gawin eh ipikit ang mata ko at magpahinga na. Pero naalala kita. Alam kong kailangan mo ‘to. Hindi ko nga lang alam kung mapapansin mo pa.
Sa mga nababatikos sa mga maling paratang, tandaan, hindi mo kailangang mabuhay sa opinyon ng iba. Sa mga napapagod na sa pag-aaral, tandaan mo, kung napapagod ka na, pano pa yung naghihirap para mapag-aral ka? Sa mga nawawalan ng pag-asa, dumerederetso ka lang at wag ka ng lilingon, iwanan mo na parang isang anino lahat ng mga masasamang iniisip mo.
Sa mga nag dadoubt sa sarili, alam mo yan, kakayanin mo yan kung susubukan mo. Kung hindi man, ngumiti ka lang dahil sinubukan mo. Sa mga naghahanap ng pagmamahal, hawakan mo yung dibdib mo, at pag nakarinig ka ng tibok, ibig sabihin, may nagmamahal sa’yo. Panigurado to, yung nasa itaas at yung sumulat nito. Mahal ka ng Panginoon at mahal kita.
Ngumiti ka na. At bago mo ipikit yang mga mata mo para magpahinga, magpasalamat ka sa lahat lahat. Dahil sa ngayon, yun lang ang maisusukli natin sa Kanya. :)
Sunday, June 10, 2012
Good morning, beautiful.
How was your sleep? Late ka na naman bang natulog? Di ba dapat sinasanay mo na yung sarili mong matulog ng maaga para magising ka ng maaga? Malapit na ang klase, tapos ganyan ka parin? Kung ganyan ka parati, mag-aaway tayo. Alam mo namang ayokong nakikitang matamlay ka.
Pag gising mo at pagkabasa mo nito, sana mapangiti kita. Hindi dahil nagbitaw ako ng matatamis na salita, pero dahil may paki ako sa’yo. Sana pag gising mo, ngumiti ka kaagad. Yun nga ang goal ko eh, ang simulan ang araw mo ng maayos.
Kung marami kang iniisip, wag na muna ngayon. Kahit 5 minutes lang, huminga ka ng malalim, humarap ka sa salamin at sabihing, “Wow, ang ganda ng nasa harapan ko.” Hindi yun kabaliwan, isang paraan lang yun para utuin ang sarili at para magkaron ka ng malaking tiwala at paghanga sa sarili mo. Yun ang importante.
Basta kung kailangan mo ng kausap, nandito lang ako. Maging sino ka man, kahit di tayo close, handa akong makinig. Good morning, napakaganda mo. Kaya ngumiti ka lang. Ok? :)
Hoy, ikaw!
Oo, ikaw. Malungkot ka ngayon? Bakit? Alam mo bang pag nalulungkot ka, may nalulungkot rin? Sino nga ba namang hindi malulungkot kung ang kasiyahan nila eh malungkot rin? Hindi ka ba naaawa? Hindi ba pwedeng, ngumiti ka nalang?
Oo, ganyan. Oh, ilabas mo naman yung dimples mo. Kung akala mo wala yan, meron talaga. Pilitin mo lang. Oh ayan. Ang gandang tignan diba? Ngayon, yang ganyang itsura mo, lagi mong ipapakita sa iba. Maging masiyahin ka para sa iba, pero syempre, para sa sarili mo na rin.
Kung wala kang natatanggap na good morning messages dahil wala kang lovelife, ako na gagawa sa’yo niyan. Pero dito lang. Sana basahin mo naman uma-umaga. ita-tag ko to palagi bilang good morning, para tuwing umaga at maisipan mong kailangan mo ng ganito, hanapin mo nalang.
Ngumiti ka lang kahit walang rason. Dahil yang ngiti mong yan, nagiging rason para ngumiti ang iba.
Subscribe to:
Posts (Atom)