Thursday, February 16, 2012

Nakakatanga lang.

Masasabi mo bang minahal mo talaga ang isang tao kung madali naman siyang palitan? Ako kasi, hindi ako naniniwalang mahal ka talaga ng isang tao kung madali ka lang niyang napalitan. Siguro, hindi masamang mag move on ng mabilis kung ayaw mo naman talagang mag mukhang kaawa-awa. Kung nasaktan ka, tama lang siguro na tigilan mo na ang pantasya mo at agad-agarang hanapin ang taong magpapasaya sayo. Pero kung wala namang mali sa relasyon niyo… at sitwasyon lang ang nakasira, walang dahilan para ipamukha sa maraming tao na pinagsawaan mo na siya at napalitan mo siya agad. Nakakatanga lang. Pag ganun kasi ang sitwasyon, mapapaisip ka nalang kung minahal ka talaga. HINDI BA?

Tuesday, February 7, 2012

Ayan ang masarap na samahan. Sa huli na lang ang malisya.

May punto tayo sa buhay na may tao talagang makakasama natin sa hirap at ginhawa. Mapa kaibigan man yan o taong kasama mo sa relasyon. Meron laging “Special Moment” na sinasabi. Yung nabubuksan mo yung kabilang pahina ng buhay niya dahil sa nagkaroon na siya ng tiwala sayo mamahagi ng problema. Bigla kang magugulat na ganun pala ang kwento ng buhay niya. Mapa personal man o pag-ibig. Hindi na mahalaga sayo kung saan tutungo ang relasyon niyong dalawa. Basta ang mahalaga sayo ngayon kasama mo siya. Nakakabiruan at napapakinggan at nabibigyan ng payo ang iyong problema. Ayan ang masarap na samahan. Sa huli na lang ang malisya.

Bakit okey maging SINGLE in two sentences.

1.) Kasi pag single ka naiintindihan mo ang side ng kaibigan mong babae pag nag aaway sila ng boyfriend nya at naiintindihan mo din ang side ng kaibigan mong lalaki pag nagaaway sila ng girlfriend nya, kahit pareho mo pa silang kaibigan. 2.) Natututo ka sa pagkakamali ng mga kaibigan at kakilala mong in a relationship, na mahirap matutunan at makita kung nasa isang relasyon ka.
Love and relationships are never like the movies no matter how much we want them to be. But when something beautiful ends, for whatever reason, it's most important not to be disappointed that it's over, but glad that it happened at all.

ithinkGodcanexplain. :)

:) Well, madaming Bible verses para tulungan ka pero tandaan mo muna sa puso mo yung Jeremiah 29:11 :) tapos papayuhan kita(pero di ako expert :D) Mag pray ka ng maigi, tanungin mo si God, maging honest ka sa Kanya.. Kung galit ka sa Kanya sabihin mo, gusto ni God madinig sa’yo kung ano ang nasa puso mo kahit alam na Nya yung mga yun. Kung may dinadala ka at nahihirapan ka, kausapin mo si God, manalangin ka, dinadala na ni Jesus yung higit pa sa kalahati ng nararamdaman mo kayanin mo lang yan :) Kung may mga gusto ka, sabihin mo din, ibibigay sayo ni God kung para sa’yo talaga. Maging honest tayo kay God. :) Tapos sasagutin ka ni God sa pamamagitan ng Bible. Manalangin ka at manghingi ka ng sagot kay God, pagbukas mo ng Bible mo, andun ang sagot. Mahal ka ni God, maniwala ka. Kung hindi ka Nya mahal, bakit hinayaan Nya pang dalhin ni Jesus lahat ng kasalanan natin di ba? Mahal ka ni Jesus, maniwala ka. Kung hindi ka Nya mahal, may choice Sya nun, pwede Syang maligtas nung papako na Sya, pero pinili Nyang mamatay para sa atin. Magwowork ang lahat dahil gagabayan ka ng Holy Spirit, naniniwala ako. =) Mahal ka ni God kaya nandyan ka, kaya may pinagdadaanan ka. Kaya may pinagdadaanan ka, para patatagin ka, kasi MAHAL KA NI GOD! :) Manalig tayo :) Dahil kelan man hindi Nya tayo pinabayaan :) God bless you kapatid! :)