Saturday, September 1, 2012

Pasensya na kasi hindi ako perpekto.

Sorry naman kung ganito ako. Sabihin mo na ang lahat ng mali sa akin. Ganito ako eh. Wala akong magagawa. Pasensya na kung simpleng ilaw lang, hindi ko mapatay. Simpleng basurahan lang na puno, hindi ko mapalitan. Mga gamit ko na naiwan ko lang sa kwarto nyo, hindi ko makuha at mailagay sa tamang lalagyan. Simpleng 3 plato lang, hindi ko mahugasan. Ako na itong tamad. Ako na itong walang kusa. Ako na itong makakalimutin. Pasensya na dahil nagkaroon kayo ng isang anak na katulad ko. Pasensya na kasi ganito ako. Tinatry ko naman ang kaya ko pero sadyang makakalimutin din ako minsan dahil marami rin akong iniisip. Sana ndi na lang ako naging anak nyo para ndi kayo nagkakaganyan.

1 comment: