Alam mo ba kung bakit mahirap magmove on? Kahit nasasaktan ka, inaalala mo pa rin ang mga memories nyo. Iniisip mo pa rin kung ano na bang ginagawa nya. May ipinalit na ba sya sayo. Kung masaya na ba sya o kung nalulungkot din ba sya’ng katulad mo. Imbis na sana ang isipin mo kung pano ka sasaya, kung pano mo malilimot ang lahat, pero nagpapaimpokrito ka sasabihin mo na nagmomove on ka, pero nagmomove on ka ba talaga? E sya pa rin naman ang laman ng utak mo.
Isa pa, masyado mo kasing kinukulong ang sarili mo sa tao na yun. Pano ka nga naman makakatagpo, e binubulag mo pa rin yang mata mo para sa iisang tao. Ilang bilyon ba tao sa mundo para hindi ka makakita ng panibago. Lumingon ka kasi malay mo may naghihintay lang pala sayo.
Wag na wag kang magmadali. Eh ano kung abutin ng taon bago ka makakita ng ipapalit sa kanya. Mas maganda nga yun para naeensure mo na nalimutan mo na talaga sya. Hayaan mo kung naunahan ka nyang maghanap ng iba. Wag kang selfish. Kung pinipilit mo ang sarili mong magmove-on hayaan mo din syang gawin yun.
Makakamove on ka din. Wag mo lang bigyan ng dahilan ang sarili mo para hindi makamoveon.
No comments:
Post a Comment