‘Wag kang sasagot ng “Hi” pabalik kung “Goodbye” rin lang pala ang sasabihin mo kapag umayaw ka na at feeling mo pinagkakaisahan ka ng mundo. ‘Wag kang pavirgin sa’kin kung lalandi ka lang din sa iba kapag may problema tayo, ay, nanghihingi lang pala ng comfort sa kaibigang malapit NA LALAKI. ‘Wag mong hahawakan ang kamay ko kung pet lang ang turing mo sa akin at feeling mo susunod ako sa lahat ng utos mo. ‘Wag kang tumingin sa mata ko kung hindi ka naniniwala sa mga sinasabi ko at gusto mong parating ikaw ang tama. ‘Wag mong halikan ang labi ko kung sa tingin mong katawan lang ang habol namin sa mga babae. ‘Wag kang magsasabi ng “I love you” na parang ikaw lang ang marunong magmahal. At ‘wag mong sabihin sa’kin na ang pag-ibig mo ay wagas kung panay ka reklamo at sumbat na parang walang karapatan magsalita tungkol sa pag-ibig ang mga katulad ko at kayo lang ang may nararamdaman.
Nagmamahal,
LALAKE (na laging pinagmumukhang masama)
No comments:
Post a Comment